ACS UPB

Call Directions Website Contact the organization

ACS UPB Est 1978. Tunay! Palaban! Makabayan!

Ang dalawang ito ay nakilalang CL – ACS.

The Alliance of Concerned Students (ACS) is the premiere student leadership formation and the oldest, broadest, and largest party-alliance of organizations, fraternities, sororities, and confraternities in UP Baguio. History

Ang Alliance of Concerned Students (ACS) ay isinilang sa gitna ng pakikibaka ng mga estudyante at kaguruan na tutulan ang pagpapa-upo muli kay Dean Catbagan bilang Dean ng UP College Baguio noong Hunyo 1978.

Agosto 1978
Pormal na nabuo ang Alyansa na ang pangunahing tungkulin ay isulong ang karapatan at kapakanan ng mga estudyante at ng sambayanang Pilipino
Agosto 25, 1978
nabuo ang Council of Leaders at pinamunuan ito ng ACS. Hulyo 1981
unang tumakbo ang ACS sa Konseho ng Mag-aaral sa pangalang Sandigan ng Mag-aaral para sa Masa (SAMASA)
1982
ACS na ang ginamit na pangalan para sa pagtakbo sa konseho ng mag-aaral kapalit ng SAMASA.

Napatunayan na ng ACS, base na rin sa kanyang kasaysayan, na nakakapaglingkod ito at naisusulong nito ang SPRaW manalo o matalo man ito sa halalan ng Konseho ng Mag-aaral.

Ang mga patunay dito ay ang pangunguna sa mga iba’t ibang laban sa mga isyus na may malaking epekto sa mga estudyante at kaguruan tulad ng:

-pagtaas ng matrikula mula php 40/yunit ay ginawang php 200/yunit simula ng maipatuad ang STFAP noong 1989
“Tambayan Eviction” at P130 ID isyu noong 1999 kung saan pinamunuan ng ACS ang pagtatayo ng isang malawak na Alyansa Ng Mga Mag-Aaral Sa Up Baguio laban sa isyu
kampanya sa abolish ROTC simula noong 2001
pagtutol sa pag-aalis ng College Assembly noong 2002 kung saan ay aalisin ang isang venue ng mas malawak na konsultahan sa tatlong sector
-pagpapakilos sa mga estudyante para suportahan ang mga kawani at kaguruan sa karapatan nila sa Cost Of Living Allowance (COLA)
-pagpapatawag kasama ng CL at SC ng dialogue sa ODSA hinggil sa demokratikong karapatan ng mga estudyante sa paggamit ng mga pasilidad sa loob ng unibersidad at -pagsusumite ng written document hinggil dito sa ODSA noong 2003
-ang pagtutol sa kontrobersyal na UP CHARTER CHANGE Sb2587
ang masigasig na pamumuno at pagpapanalo sa laban ng paglabag sa demokratikong karapatan ng mga estudyante noong 2005
pagsubaybay at patuloy na pag-aaral sa epekto ng TOFI
kampanya laban sa UP Budget Cut 2010

SPRAW

STUDENTS' AND PEOPLES' RIGHTS AND WELFARE

Ang Alyansa ay mananatiling maninindigan sa karapatan, kagalingan at interes ng mga estudyante.

Kabilang na rin dito ang pagkilala sa kapakanan ng iba pang sektor sa loob ng kampus – ang kaguruan at mga kawani.

Ipagpapatuloy ng Alyansa ang pagsusulong sa mga demokratikong kahilingan ng tatlong sektor na ito para makamit ang mga minimum na layuning itatakda sa isang takdang panahon.

Iskolar ng Bayan, bantayan ang mga pagdinig ng impeachment!Huwag hayaang masalisihang tuluyan ang pondo ng edukasyon, se...
13/07/2026

Iskolar ng Bayan, bantayan ang mga pagdinig ng impeachment!
Huwag hayaang masalisihang tuluyan ang pondo ng edukasyon, serbisyo, at karapatan!

Hatulan ang kurap ng nag-aalab na pagkukundena para sa pandarambong at kumilos upang agawin ang kapangyarihan mula sa lahat ng sangkot!

Makialam bawat Lunes, Martes, at Miyerkules!

08/07/2026

Tuloy-tuloy ang ACCLAsang Bayan! Makibeki, Wag Mashokot! ✊🔻❤️‍🔥

Hindi natatapos ang Pride sa pagtatapos ng Hunyo. Ang pakikibaka ng mga sangkabaklaan ay magtutuloy hangga’t nananatili ang pang-aapi at diskriminasyon. Muli nating buhayin ang militanteng diwa ng Pride ngayong Hulyo—ipagdiwang ang buhay ng sangkabaklaan, ipaglaban ang ating mga karapatan, at ipagsigawan ang ating mga panawagan!

Sa gitna ng tumitinding krisis, nananatiling pinagkakaitan ng batayang karapatan ang mga LGBTQIA+ Pilipino. Mula sa diskriminasyon at karahasan hanggang sa kawalan ng makabuluhang proteksyon at kabuhayan, malinaw na hindi sapat ang representasyon kung wala namang tunay na paglaya.

Kaya't halina sa ACCLAsang Bayan—a pre-Queerchella social gathering, sumali sa talakayan na magpapalalim sa ating pag-unawa sa kasalukuyang kalagayan ng LGBTQIA+ sa Pilipinas at magpapatibay sa ating kolektibong paninindigan.

Tayo’y dumalo at magpadalo para sa isang Educational Discussion about The LGBT Situationer in the Philippines and q***r short films and cultural performances!

📍 CSS Courtyard
📅 July 9
🕙 10:00 AM – 5:00 PM

Co-organized by:
Bahaghari Metro Baguio
UPB Kasarian Gender Studies Program
Sumikom

This event would not be possible without:
UPB OBRA
Tanghalang Bayan ng Kabataan sa Baguio

Also brought to you by:
CADUA UPB

With special thanks to:
Innabuyog Gabriela Youth UP Baguio
ACS UPB
League of Filipino Students - UP Baguio
Anakbayan UP Baguio

Makibeki. Makibaka. Makiisa. 🏳️‍🌈✊❤️‍🔥




MILITANTENG PAGBATI SA LAHAT NG NAGSIPAGTAPOS!Pinagpupugayan ng Alliance of Concerned Students at buong komunidad ng pam...
01/07/2026

MILITANTENG PAGBATI SA LAHAT NG NAGSIPAGTAPOS!

Pinagpupugayan ng Alliance of Concerned Students at buong komunidad ng pamantasan at bayan ang napagtapos nitong tunay, palaban, at makabayang lingkod-bayan. Marahil puno ng kahirapan ang pag-aaral at pagtatapos sa UP--mula sa bawat krisis sa ekonomiya, pulitika, lipunan, hanggang sa mga sariling kontradiksyon. Naigpawan at napagtagumpayan ng mga bagong graduate ng bayan ang mga hamong ito habang kumikilos upang paunlarin ang lipunan.

Sa susunod na kabanta ng inyong buhay, nawa'y baon ninyo ang mga prinsipyo at paninindigang napulot mula sa inyong pagkilos sa ACS-UPB. Anumang larang ang mapili ninyo, palaging aalalahaning gamitin ang tapang at talino upang ipagpatuloy ang pakikibaka para sa paglaya ng bayan sa pananamantala.

Taos-pusong pasasalamat at pagbati, mga kasama!

ANG PRIDE AY PROTESTA. ANG PRIDE AY PAKIKIBAKA! Tuwing buwan ng Hunyo, napupuno ang ating mga kalsada ng mga makukulay n...
29/06/2026

ANG PRIDE AY PROTESTA. ANG PRIDE AY PAKIKIBAKA!

Tuwing buwan ng Hunyo, napupuno ang ating mga kalsada ng mga makukulay na bandila, at mga kuwento ng pag-ibig at paglaban ang muling isinalaysay. Ngunit sa gitna ng pagdiriwang na ito, mahalagang alalahanin ang isang bagay: hindi umusbong ang Pride mula sa mga parada at makukulay na lansangan; sumibol ito mula sa apoy ng pakikibaka para sa karapatang mabuhay nang malaya.

Noong 1969, sumiklab ang Stonewall Riots bilang tugon sa matagal nang panggigiit, diskriminasyon, at karahasan na dinanas ng bawat parte ng bahagharing komunidad. Sa loob ng Stonewall Inn, ang mga kabataang q***r, mga transgenders, mga drag queens, at mga taong matagal nang itinulak sa laylayan ay tumangging manatiling nakakubli sa takot. Pinili nilang tumindig, lumaban, at igiit ang kanilang karapatang mabuhay nang malaya at may dignidad. Mula sa kanilang pag-aaklas ay isinilang ang isang pandaigdigang kilusan na nagpapaalala sa atin hanggang ngayon na ang bawat karapatang tinatamasa ng LGBTQIA+ ay bunga ng sama-samang pakikibaka.

Hindi rin naiiba ang kasaysayan ng Pilipinas. Noong 1994, idinaos ang Stonewall Manila, isang makasaysayang pagkilos na nagtipon sa iba't ibang organisasyon at indibidwal upang igiit ang pagkakapantay-pantay at labanan ang diskriminasyon laban sa LGBTQIA+. Mula noon, patuloy na nakikibaka ang mga baklang Pilipino sa iba't ibang larangan ng lipunan. Maraming miyembro ng LGBTQIA+ ang nagbuwis ng buhay at naglaan ng kanilang lakas sa pagsusulong ng tunay na demokrasya at pagbabago sa lipunan. Kabilang sa kanila si Dee Supelanas, isang lider-estudyante at aktibista na walang habas na pinaslang ng mga berdugong militar habang nagsisilbi sa mamamayan. Ang kaniyang buhay ay isang paalala na ang pakikibaka para sa dignidad at karapatan ng LGBTQIA+ ay hindi hiwalay sa pakikibaka laban sa pang-aapi at para sa tunay na kalayaan. Sa hanay ng kabataan at mga estudyante, hindi mabilang ang mga q***r na nanguna at patuloy na nangunguna sa pakikibaka para sa karapatan sa edukasyon at ligtas na espasyo.

Bilang isa sa mga nangunguna sa mga kampanya sa loob ng ating pamantasan, naninindigan tayong ipaglaban ang karapatan at kapakanan ng mga mag-aaral. Bahagi ng tungkuling ito ang pagpapanday ng mga ligtas, inklusibo, at mapagpalayang espasyo sa loob at labas ng unibersidad.

Bunga ng kolektibong pagkilos ng mga estudyante, kawani, at administrasyon, nakamit natin ang ilang mahahalagang tagumpay: ang pagkakaroon ng mga gender-neutral na palikuran, ang pagkilala at paggamit sa lived names ng mga estudyante sa pagtatapos, ang pagkakaroon ng kinatawan ng mga estudyante sa mga komiteng tulad ng Safe Spaces Committee, at ang patuloy na pakikilahok ng mga estudyante sa paghubog ng mga polisiyang mas inklusibo at makatao.

Subalit hindi sapat na sa iisang pamantasan lamang nararanasan ang mga tagumpay na ito. Hanggang ngayon ay mayroon pa ring mga estudyanteng q***r at trans na nakakaranas ng diskriminasyon sa iba pang paaralan—mula sa mga paukalang nagbabawal sa "cross-dressing," hanggang sa mga patakarang kumokontrol sa haba ng buhok, pananamit, at pagpapahayag ng kasarian. Ang karapatang maging ligtas at malayang maipahayag ang sarili ay dapat na karapatan ng bawat mag-aaral sa bawat sulok ng ating bansa.

Higit pa rito, hindi hiwalay ang danas ng LGBTQIA+ sa iba pang sektor ng lipunan. May mga manggagawang q***r pa rin na nakakaranas ng mababang sahod at kawalang-katiyakan sa trabaho. May mga magsasaka at mangingisdang q***r na pinapahirapan ng kahirapan at kawalan ng lupa. May mga q***r na bahagi ng maralitang lungsod, ng pambansang minor, at ng iba pang sektor na patuloy na nakararanas ng pang-aapi at pagkakait sa batayang serbisyo. Ang krisis ng lipunan ay krisis din ng sambayang LGBTQIA+.

Kaya't ang pride ay hindi lamang panawagan para sa pagkilala sa ating mga identidad at kasarian. Ito rin ay panawagan para sa patuloy na sama-samang pagkilos para sa ating batayang karapatan. Sa gitna ng lumalaking krisis sa ekonomiya, korupsiyon at lihis na prayoridad ng pamahalaan, tumitinding banta ng digmaan at militarisasyon na dulot ng mga imperyalistang banda, at kakulangan sa serbisyong panlipunan tulad ng edukasyon at kalusugan, tungkulin nating makiisa sa lahat ng inaaping sektor upang igiit ang tunay na pagbabago.

Iginigiit natin ang pagpapasa ng SOGIE Equality Bill at iba pang mga panukalang nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay at karapatang pantao. Kaisa tayo sa panawagang itaas ang sahod, ipagtanggol ang demokratikong karapatan, at tutulan ang mga patakaran at sistemang nagpapalalim sa kahirapan at diskriminasyon.

Sapagkat ang pakikipagbaka para sa karapatan ng LGBTQIA+ ay hindi lamang laban para sa pagkilala sa ating mga identidad. Ito ay laban para sa isang lipunang tunay na malaya. Hangga't may inaapi, may dahilan upang lumaban. Hangga't may patuloy na itinutulak sa laylayan, mananatiling protesta ang Pride.

Pride ay protesta. Pride ay pakikipagbaka. Pride ay paninindigan para sa pagpapalaya ng lahat. Sapagkat sa paglaya ng lipunan lamang ganap na lalaya ang kasarian.


Pahayag ng ACS-UPB sa ika-128 na Araw ng “Kalayaan”Huwad ang kalayaan sa kuko ng imperyalistang U.S.! Sa ika-128 na pagg...
12/06/2026

Pahayag ng ACS-UPB sa ika-128 na Araw ng “Kalayaan”

Huwad ang kalayaan sa kuko ng imperyalistang U.S.! Sa ika-128 na paggunita ng Araw ng “Kalayaan,” damang-dama pa rin ng sangkaestudyantehan at sambayanang Pilipino ang pasakit ng pagiging semi-kolonya.

Sa pakikipagsabwatan sa US ng papet na si Marcos Jr. at kanyang mga sinundang mga presidente, nailalako sa mga dayuhan ang ating mga rekurso at lakas imbes na naitutuon sa pagpapaunlad ng bansa. Halimbawa na rito ang pagbilang sa Pax Silica, kung saan layon ng imperyalistang US-Israel na gamitin ang mga mineral at lupain ng Pilipinas bilang data center para sa AI at supply lines para sa mga kasangkapan ng kanilang mga armas. Sa gayong pagdawit lalo ng Pilipinas sa imperyalistang giyera laban sa ibang imperyalistang bayan tulad ng China, nakikiisa ito sa panunupil ng mga bansa sa Kanlurang Asya at sa mga sariling mamamayan nito.

Para sa mga estudyante, tayo rin ay nasasadlak sa mga neoliberal na polisiyang pabor sa mga malalaking dayuhang kumpanya, imbes sa pag-aambag natin sa bansa. Halimbawa na rito ang ating sistemang edukasyon, na nananatiling komersyalisado, kolonyal, at represibo. Tinatanggal sa ating mga kurikulum ang mga asignatura kung saan matututunan ang kasaysayan, wika, at kritikal na pag-iisip, at pinalalabnaw alang-alang sa kautusan ng global na merkado. Hinuhubog ang estudyante sa ganitong kaayusan upang maging murang lakas-paggawa ng mga dayuhang bansa at kumpanya. Nagreresulta ito sa malawakang colonial-mentality, brain-drain, at mabagal na pag-unlad ng ating mga industriya.

Naninindigan ang ACS-UPB para sa lehitimong paglaya ng ating bayan sa pamamagitan ng pagpapalayas sa mga imperyalistang bayan mula sa ating mga base militar, paaralan, at pamahalaan at pagtatanggal sa mga lokal nilang mga kaalyado, ang mga Marcos, Duterte, at ang mga burukrata-kapitalista. Nangangailangan ng isang pambansang demokrasya, kung saan may tunay na independent foreign policy at sistemang edukasyon na makabayan, siyentipiko, at makamasa.

Hinahamon ng ACS-UPB ang sangkaestudyantehan na pag-aralan ang lipunan at kumilos upang depensahan ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa lahat ng mananakop. Simula pa noon, nanguna ang mga kabataang rebolusyonaryo katulad ni Emilio Jacinto sa paggamit ng kanilang dunong upang itakwil ang mga mananakop na Kastila at US. At ngayon, lalong tumataginting ang parehong gampanin at lugar ng sangkaestudyantehan sa pagtakwil at paglaban sa mga imperyalistang hayok sa ating mga rekurso at lakas.

Sangkaestudyantehan, pag-aralan ang kasaysayan!
Sangkaestudyantehan, ipaglaban ang kalayaan mula ng US-Israel, China, at lahat ng mananakop!

EXERCISE ACADEMIC COMPASSION NOW! LET THEM SABLAY!!At the heart of every educational institution must be the welfare of ...
06/06/2026

EXERCISE ACADEMIC COMPASSION NOW! LET THEM SABLAY!!

At the heart of every educational institution must be the welfare of its students. The worsening socio-political crises creates conditions for uncertain futures— especially for students. It is imperative then that administrations must practice academic compassion and prioritize the student’s rights and welfare above all else.

As approaches, ACS-UPB stands with the BA Communication Seniors, and calls on the Department of Communication to recognize the diligence of the seven BA Communication Seniors who faced termination in their initial internship placement, and received a failing grade (5) despite rendering the required hours in an alternative placement. A failing grade means that they will have to repeat their internship again before being considered for graduation again.

Realities like this show the need for stronger academic policies for internships that aim to protect their rights and welfare. We ask the department to address the case immediately and act with compassion and .

Similarly, 10 years ago, 27 CAC students were also put at risk of not graduating because they were not able to follow a new program checklist, causing them to miss a GE subject. Their campaign was the first . Through the support and clamor of the community, they were still allowed to graduate on time. Moreover, their calls translated into clearer guidelines and accountability from the college.

Time and time again, students and their families are asking for compassion from the administration in view of the pressure to graduate. Our history proves that empathy and excellence are not mutually exclusive. Graduating then must not be a privilege bestowed by the university, but rather their right, after completing their academic requirements. Now, more than ever, the administration must show to us that they stand with the students. That they practice the same values they instill to their students: Honor, Excellence, but most of all: Compassion.


!

MULA SA MGA BULUBUNDUKIN NG KORDILYERA HANGGANG SA KAPATAGAN NG TARLAK, IPANALO ANG KONSEHONG TUNAY, PALABAN, AT MAKABAY...
27/05/2026

MULA SA MGA BULUBUNDUKIN NG KORDILYERA HANGGANG SA KAPATAGAN NG TARLAK, IPANALO ANG KONSEHONG TUNAY, PALABAN, AT MAKABAYAN!

Taas-kamao at buong pusong ineendorso ng Alliance of Concerned Students (ACS) ang mga kandidato ng SANDIGAN TSU!

Hindi naiiba ang danas ng mga Iskolar ng Bayan sa kanilang kapwa mag-aaral sa Tarlac State University. Habang patuloy na nagpapakasasa ang mga garapal sa gobyerno, naghihikahos naman ang kabataang-estudyante dahil sa kakarampot na badyet, kakulangan sa mga batayang serbisyo, at kawalan ng disenteng mga pasilidad sa loob ng pamantasan. Bukod dito, patindi nang patindi rin ang pasistang panunupil ng estado laban sa mga progresibong indibidwal at organisasyon, tulad ng ACS at SANDIGAN, na naglalayong isulong ang karapatan ng bawat sektor ng lipunan.

Sa ganitong kalagayan, malinaw na nararapat lamang na maghalal tayo ng isang konsehong hinubog ng parlamentaryo ng lansangan, matalas ang pagsusuri, at isinasabuhay ang militanteng pakikibaka ng kilusang masa. Isang konsehong hindi lamang kakayahan ang bitbit, bagkus ay may matatag na paninindigan at handang makipagtunggali sa harap ng administrasyon, at higit lalo, sa labas ng mga bulwagan ng pamantasan.

Tiwala ang Alyansa na kayang gampanan ito ng SANDIGAN TSU—at higit pa. Bitbit ang kanilang 9-point agenda na lapat sa tunay na kalagayan at pangangailangan ng mga kabataang-estudyante, tiyak na iigpaw pasulong ang kilusang kabataan sa Inang Larangang matagal nang pinilayan.

Ipanalo ang TUNAY, PALABAN, at MAKABAYANG konseho!
Ipanalo ang SANDIGAN ng Nagkakaisang TSUians!

🔻PRESIDENT | Rafael Jay F. Valix
🔻VICE PRESIDENT | Yuan Christver T. Canary
🔻SEN. ON RECORDS | Hannah Lorey M. Medallon
🔻SEN. ON FINANCE | Kenzo Elle M. Tolentino
🔻SEN. ON AUDIT | Juvy Aira P. Valencia
🔻SEN. ON P.I. | Rachelle B. Flores
🔻SEN. ON WAM | Gino B. Salas

Tayo ang lakas!
Tayo ang Sandigan!




MULA SA BULUBUNDUKIN NG KORDILYERA, HANGGANG SA MGA LANSANGAN NG METRO MANILA, IPANALO ANG KONSEHONG TUNAY, PALABAN, AT ...
18/05/2026

MULA SA BULUBUNDUKIN NG KORDILYERA, HANGGANG SA MGA LANSANGAN NG METRO MANILA, IPANALO ANG KONSEHONG TUNAY, PALABAN, AT MAKABAYAN!

Tass-kamaong ineendorso ng Alliance of Concerned Students (ACS) ang mga kandidato ng Sulong Tayo Coalition (STC) ng UP Diliman!

Sa mga nagdaang taon, patuloy lang na lumalala ang krisis sa lipunan bunsod ng garapal at berdugong pamamahala ng tambalang Marcos-Duterte. Patuloy ang pagyurak sa ating mga demokratikong karapatan, ninanakawan ng pangkabuhayan ang mga mamamayan, at lantaran ang pangdarahas sa mga tumitindig. Sa sektor ng mga kabataang-estudyante, patuloy na pinagdaramot ang akademikong kalayaan habang binabarat ang pondo sa edukasyon.

Sa ganitong konteksto, nararapat lamang na tayo muli ay maghalal ng isang konsehong mula, tungo, at para sa masa. Isang konsehong malalim ang suri at hinubog, hindi lamang sa mga bulwagan ng unibersidad, bagkus at lalo, sa parlyamentaryo ng lansangan.

Kampante ang Alyansa na kaya itong gampanan ng buong puso't may paninindigan ng Sulong Tayo Coalition (STC). Bitbit ang kanilang 5-point agenda na lapat sa tutuong kalagayan at pangangailangan ng bawat sektor, siguradong maningning ang bukas sa pamamahala ng isang konsehong tunay, palaban, at makabayan.

🔻USC Chairperson:
Moira “Emi” Alfonso

🔻USC Vice Chairperson:
Fatima Mendoza

🔻USC COUNCILORS:
• Rommer Publico
•Ayen Yonzon
•Gaia Amri "Geya" Mauricio
•Lorenz Sy
•Wilbert "Wil" Pillos
•Gianna Geronimo
•Thirdy Tolentino
•Sergio "Gio" Biglaen
•Angel Lopez
•Elaina Salvador
•Eimeevelle Basco

🔻EDUK Rep to the USC:
Juan Luizon

🔻CSWCD Rep to the USC:
Julia "Dyul" Avila

🔻AIT Rep to the USC:
Annika Nituma

🔻CS Rep to the USC:
James Lawrence Jaso

🔻CSSP Rep to the USC:
Ace Banatao


SARA, PANAGUTIN! BATO, ARESTUHIN!MGA KABATAAN NG UP BAGUIO, SUMAMA SA PROTESTA!Mariing iginigiit ng Alliance of Concerne...
15/05/2026

SARA, PANAGUTIN! BATO, ARESTUHIN!
MGA KABATAAN NG UP BAGUIO, SUMAMA SA PROTESTA!

Mariing iginigiit ng Alliance of Concerned Students - UPB (ACS-UPB) ang kagyat na pananagot at pagpapatalsik kay Sara Duterte sa gitna ng muling paghahain ng impeachment complaint laban sa kanya noong nakaraang ika-11 ng Mayo, gayundin ang pagpapa-aresto kay Bato Dela Rosa na kasalukuyang hinahabol ng kamay ng batas.

Ang patuloy na paglulustay sa pera ng sambayanan, pang-aabuso sa kapangyarihan, at pagkitil ng buhay ng libo-libong mamamayan ay hindi lamang mga teknikal na paglabag kundi isang tahasang pagkanulo sa tiwala ng mga Pilipinong patuloy na nilulugmok sa samu’t saring krisis.

Ang bilyon-bilyong pisong nawawala sa madidilim na sulok ng badyet ay pondong ninakaw mula sa mga silid-aralan, sa sweldo ng mga g**o, at sa sikmura ng masang Pilipino. Gayundin ang laksa-laksang pamilyang pinaglalamayan ang kanilang mga asawa, anak, at kapatid dahil sa pagpapaputok ng baril ng militar at kapulisan ng gobyerno. Ang ganitong bulok na sistema ay malinaw na manipestasyon ng burukrata kapitalismo at tumitinding pasismo kung saan ang gobyerno ay ginagamit lamang ng mga naghaharing uri upang ialagwa ang kanilang pansariling proteksyon at interes.

Ang hindi mabilang na kaguluhan sa loob at labas ng Senado ay nagtutulak lamang sa atin na lalong kumilos at panagutin ang mga may sala sa hukuman ng taumbayan. Hindi tayo makaaasa sa mga institusyong kontrolado rin ng mga tradisyunal na politiko—dahil ang tunay na hustisya ay makakamit lamang sa pamamagitan ng militanteng pagkilos ng kabataan at ng malawak na hanay ng sambayanan sa mga lansangan.

📌 May 16, 11:00 AM
📍Malcolm Square



CHED, tugunan ang krisis sa edukasyon, itakwil ang huwad na reporma sa edukasyon! Noong ika-5 ng Mayo 2026, nilatag ng C...
10/05/2026

CHED, tugunan ang krisis sa edukasyon, itakwil ang huwad na reporma sa edukasyon!

Noong ika-5 ng Mayo 2026, nilatag ng Comission on HIger Education (CHED) ang “Reframed” General Education (GE) Curriculum na pag-iisahin, tatanggalin, at babawasan ang mga GE sa mga pribado at pampublikong mga institusyon. Sa ilalim ng panukala babawasan ang mga GE yunit mula sa 36 ngayon hanggang sa 18 na lamang ngayon. Katwiran ng CHED na nais ihanda ng reframed na kurikulum ang mga gradweyt para tumugon ang mga gradweyt sa nagbabagong job market. Outcomes-based education ang nais nitong paigtingin, o ang pagbubuo ng mga kakayahan sa mga estudyante na maging murang lakas-paggawa. Lubos na kinokondena ng ACS-UPB ang panukala na ito at bagkus nananawagang magsulong ng makabayan, siyentipiko, at maka-masang tipo ng edukasyon.

Ang tanging “outcome” na nais ng CHED sa panukala ay maging marketable at hireable ang mga estudyante at lubos na nagkukulang sa pagtuturo ng kritikal na pag-iisip, pagiging-makatao, at literasi. Ang panukala ng CHED ay tuluyan lamang na papalalain ito dahil ang mga pundamental na aralin tulad ng Kasaysayan ng Pilipinas, Rizal, Pilosopiya, Sining, at Matematika sa iisang 3-yunit na asignatura ay tatalakayin na lamang nang malawakan sa pagtuturo ng aanim na panukalang GE. Magiging mababaw lamang ang kaalaman at hindi mapapalago ang interes ng mga estudyante sa bawat GE na nais nilang pagsamahin. Malaking kasayangan ito dahil natatanging obligasyon ng kolehiyo ang turuan ang mga estudyante nito ng mga kasanayan sa kanilang area, maging ang mga kritikal na perspektiba ukol dito. Nasasadlak lamang ang sistema sa edukasyon sa represibong pag-iisip ngayong panukalang tipirin ang mga estudyante sa asignatura ng agham-panlipunan at humanidades na kailangan nito.

Alang-alang rin daw ito sa pagtatanggal umano ng mga nag-uulit na asignatura mula pa sa senior at junior high school. Maaalala ang huling mga reporma sa GE sa ating pamantasan noong 2016, kung saan ibinaba sa 36-yunit na GE scheme noong pagtatatag ng K-12. Tinanggal ang pagtuturo ng Kasaysayan at Filipinong naituro na umano na nang mas maaga. Sa praktika, kailangang tuntungan ang mga asignatura katulad ng Arts at Ethics sa iba’t ibang antas upang maikintal nang husto sa mga estudyante ang halaga ng mga ito habang umuunlad ang kanilang kaisipan at nalalapit sila sa pagtratrabaho. Katulad dati, kailangan ding punahin ang realidad na maraming mga g**o ang nadisplace dahil hindi na sila “kailangan” sa bagong kurikulum. Bagamat may pinakitang upskilling scheme ang CHED, wala itong plano para sa mga nagtuturo ng Arts. Pagpapasa lamang ito ng pasanin sa mga institusyon at mga g**o na sumunod sa lumalakas na dikta ng merkado at komersyante.

Sa makikita sa kasalukuyan, hindi tinutugunan ng CHED ang matinding krisis sa edukasyon sa panukala sa mga GE, bagkus pinapalala ito. Hindi pagbabawas sa GE ang kailangan ng mga estudyante; kailangan nila ng pag-aalaga sa kakayahan at kaisipan. Paano nila ito magagawa? Una, makiisa sila sa pagtaas ng gobyerno sa budget ng edukasyon at paramihin ang magtratrabahong mga g**o, pag-aaraling estudyante, at pasilidad na kailangan. Bilang isang komisyon, mandato nilang magsulong ng mga repormang nakatuon sa pagtugon sa pangangailangan ng Pilipinas, hindi ng banyagang employer. Ang pagpaparami naman ng trabaho sa bansa ay dapat magmula sa pagtatatag ng pambansang industriya na matututunan ng mga estudyante sa kolehiyo. Hindi ito maaaring ipasa nang walang maayos na konsultasyon sa mga institusyon, g**o, at estudyante at pag-aaral ng mga epekto nito. Kailangan pang makiisa sa malawak na sangkaestudyantehan na depensahan pa lalo ang karapatan sa edukasyon mula sa repormang hungkag sa pangangailangan ng mga estudyante.

Kaya, itinataas ng ACS-UPB ang panukalang pagtatatag ng isang makabayan, siyentipiko, at maka-masang tipo ng edukasyon sa bansa. Makabayan dapat sa tuon ng pagtuturo sa kasaysayan, panitikan, at realidad ng Pilipinas, at huhubog ng kanilang kontribusyon at pagmamahal sa bansa. Siyentipiko sa pagiging tapat nito sa pangangailangan ng lipunan, mga mamamayan, at ng mga estudyante. Panghuli, maka-masa na dapat libre, aksesible, at kalidad ang edukasyon sa lahat ng antas.

Education not for sale!
We are not for sale!

Address


Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ACS UPB posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to ACS UPB:

Shortcuts

  • Want your organization to be the top-listed government service?

Share