30/06/2026
Pabatid sa Publiko!
Ang Municipal Treasurer's Office at ang Municipal Assessor's Office ay bukas po sa darating na Sabado at Linggo, July 4 at 5, 2026 para sa mga mag-aavail ng Real Property Tax Amnesty Program sa ilalim ng RA 12001 o RPVARA Law. Ito po ang inyong huling pagkakataon upang maka-avail ng Amnesty na kung saan ay hindi na papatawan ng interes at penalty ang mga utang sa RPT simula 1974 hanggang July 4, 2024. Simula po sa isang linggo po, Lunes, July 6, ay balik na po sa regular na pagpataw ng interest at penalty sa mga utang sa RPT.
Para sa kaalaman ng lahat. Maraming Salamat po.