02/06/2026
Naging matagumpay ang pagdaraos ng ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐.๐ โ ๐๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ฌ๐ฎ๐ฉ๐๐ซ, isang inisyatibang pinangunahan ng ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ katuwang ang ๐๐ก๐ ๐๐๐ง๐๐ ๐๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐๐จ๐ง๐จ๐ฆ๐ข๐๐ฌ ๐๐จ๐๐ข๐๐ญ๐ฒ upang magbigay ng suporta sa ating mga tsuper na patuloy na humaharap sa tumitinding krisis pangkabuhayan.
Sa panahon ng walang tigil na pagtaas ng presyo ng langis at mga pangunahing bilihin, lalong nalulugmok ang kabuhayan ng mga tsuper na araw-araw na nagpapagalaw sa ating komunidad. Ngunit sa halip na pabayaan silang pasanin nang mag-isa ang bigat ng krisis, pinili nating kumilos, makiisa, at magbigay ng kongkretong suporta.
Isa itong pagkilala sa mahalagang papel ng mga tsuper sa lipunan at isang paninindigan na ang kanilang laban ay laban din ng mamamayan. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng mga estudyante, organisasyon, at progresibong sektor, pinatutunayan nating may kapangyarihan ang kolektibong pagkakaisa laban sa kapabayaan at kawalang-katarungan.
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nag-ambag, nakiisa, at sumuporta sa programang ito. Ang bawat donasyon, bawat oras, at bawat pagkilos ay ambag sa pagtatanggol sa kabuhayan at dignidad ng ating mga tsuper.
๐๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐ . ๐๐๐ค๐ข๐๐ฅ๐๐ฆ. ๐๐๐ค๐ข๐๐๐ค๐.
๐๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ญ๐ฌ๐ฎ๐ฉ๐๐ซ. ๐๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐๐ฆ๐๐ฆ๐๐ฒ๐๐ง.
โ๐