Municipal Disaster Risk Reduction Management Council Manaoag

Municipal Disaster Risk Reduction Management Council Manaoag In case of emergency contact us:
09178577715

06/05/2026

๐—”๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ป๐˜†๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐˜€: ๐—•.๐—˜. ๐—™.๐—”.๐—ฆ.๐—ง. ๐Ÿง ๐Ÿš‘
Sa panahon ng emergency, bawat segundo ay mahalaga. Ang maagang pagkilala sa mga sintomas ng ๐—ฆ๐˜๐—ฟ๐—ผ๐—ธ๐—ฒ ay maaaring magligtas ng buhay at makatulong sa mabilis na pag-recover ng pasyente.

Tandaan ang ๐—•.๐—˜. ๐—™.๐—”.๐—ฆ.๐—ง.:

๐—• - ๐—•๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ: Biglaang pagkawala ng balanse, pananakit ng ulo, o pagkahilo.
๐—˜ - ๐—˜๐˜†๐—ฒ๐˜€: Paglabo o pagdilim ng paningin.
๐—™ - ๐—™๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ: Paglaylay o pagtabingi ng isang gilid ng mukha.
๐—” - ๐—”๐—ฟ๐—บ: Panghihina ng mga kamay o binti.
๐—ฆ - ๐—ฆ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฎ๐—ธ: Hirap o pagkabulol sa pagsasalita.
๐—ง - ๐—ง๐—ถ๐—บ๐—ฒ: Oras na para tumawag agad sa ๐Ÿต๐Ÿญ๐Ÿญ.

Kapag maagang nakita ang mga senyales na ito, mas mataas ang chance na maiwasan ang permanenteng pinsala sa utak.




06/05/2026

๐—›๐—˜๐—”๐—ง ๐—œ๐—ก๐——๐—˜๐—ซ ๐—™๐—ข๐—ฅ๐—˜๐—–๐—”๐—ฆ๐—ง
May 6, 2026

๐ŸŒก๏ธ Inaasahang aabot ng 41ยฐC (EXTREME CAUTION) ang Heat Index ngayong araw.

โ˜‚๏ธ Huwag kalimutan magdala ng payong at palaging uminom ng tubig para maiwasan ang dehydration.
Ingat po tayo Kabaleyan!

๐™Ž๐™ค๐™ช๐™ง๐™˜๐™š: ๐˜ฟ๐™Š๐™Ž๐™_๐™‹๐˜ผ๐™‚๐˜ผ๐™Ž๐˜ผ




  Hydrated mga Kabaleyan!
05/05/2026

Hydrated mga Kabaleyan!

๐—›๐—˜๐—”๐—ง ๐—œ๐—ก๐——๐—˜๐—ซ ๐—™๐—ข๐—ฅ๐—˜๐—–๐—”๐—ฆ๐—ง
May 5, 2026

๐ŸŒก๏ธ Inaasahang aabot ng 44ยฐC (DANGER) ang Heat Index ngayong araw.

โ˜‚๏ธ Huwag kalimutan magdala ng payong at palaging uminom ng tubig para maiwasan ang dehydration.

Ingat po tayo Kabaleyan!

๐™Ž๐™ค๐™ช๐™ง๐™˜๐™š: ๐˜ฟ๐™Š๐™Ž๐™_๐™‹๐˜ผ๐™‚๐˜ผ๐™Ž๐˜ผ




27/04/2026
17/04/2026

๐— ๐—”๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—š๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ก๐—จ๐—ก๐—ฆ๐—ฌ๐—ข | ๐— ๐—ด๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—ด๐—ฝ๐—ถ๐˜ ๐—ป๐—ฎ ๐—œ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—š๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—–๐—ฎ๐—ป๐—ผ๐—ป๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐—น ๐—–๐—ผ๐—ฟ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ข๐˜‚๐—ฟ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ฑ๐˜† ๐—ผ๐—ณ ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ผ๐—ฎ๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ ๐—”๐—ฝ๐—ฟ๐—ถ๐—น ๐Ÿฎ๐Ÿฎ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

Upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng pagdiriwang, mahigpit na ipinagbabawal ang mga sumusunod:

โŽ Pagdadala ng anumang uri ng baril
โŽ Pagdadala ng mga matutulis na bagay gaya ng kutsilyo, gunting, at cutter
โŽ Paggamit ng anumang uri ng laser
โŽ Pagpapalipad ng drone/FPV (maliban sa mga awtorisadong bahagi ng event)
โŽ Pagdadala ng backpacks o malalaking bag
โŽ Pagsusuot ng bullcaps, sumbrero, o anumang uri ng headwear
โŽ Pagdadala at pag-inom ng alak o anumang alcoholic beverages (beer, gin, wine, atbp.)
โŽ Paninigarilyo, va**ng, at paggamit ng anumang electronic cigarette sa mga pampublikong lugar

Pinapayuhan din ang lahat na iwasang magsama ng mga batang pitong (7) taong gulang pababa, mga alagang hayop, matatanda, at mga may iniindang kondisyon sa kalusugan gaya ng hypertension, asthma, sakit sa puso, at iba pa.

๐˜๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜“๐˜ฐ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜—๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜”๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฐ๐˜ข๐˜จ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜”๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ณ ๐˜‘๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฎ๐˜บ ๐˜ˆ๐˜จ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ช๐˜ค๐˜ฐ โ€œ๐˜‹๐˜ฐ๐˜ค ๐˜”๐˜ช๐˜ฏ๐˜จโ€ ๐˜‰. ๐˜™๐˜ฐ๐˜ด๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ฐ.

15/04/2026
OPLAN SEMANA SANTA 2026Ang Manaoag MDRRM Office, sa pakikipagtulungan ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fir...
06/04/2026

OPLAN SEMANA SANTA 2026

Ang Manaoag MDRRM Office, sa pakikipagtulungan ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Municipal Traffic Office (MTO), Tourism Office, Municipal Health Office, MENRO, Engineering Office, at General Services Office, katuwang ang ibaโ€™t ibang volunteer groups tulad ng Kabalikat Civicom, Grace Guardians, Eagle Response Team (ERT), at mga BDRRMC ng bawat barangay, ang nanguna sa pagpapatupad ng OPLAN SEMANA SANTA 2026 upang matiyak ang ligtas, maayos, at mapayapang paggunita ng Semana Santa sa bayan ng Manaoag na pinangunahan nang napakasipag na ama ng bayan, Mayor Jeremy Agerico B. Rosario, MD.

Bilang bahagi ng komprehensibong paghahanda, ang mga tauhan mula sa ibaโ€™t ibang ahensya ay maingat na inatasan at sistematikong ipinakalat sa mga pangunahing lugar na inaasahang dadagsain ng mga deboto at bisita. Ang pangunahing Incident Command Post (ICP) at medical station ay itinatag sa sentro ng bayan, partikular sa harap ng Manaoag Church, upang magsilbing pangunahing himpilan para sa koordinasyon at agarang pagtugon sa anumang insidente. Samantala, nagtalaga rin ang Bureau of Fire Protection (BFP) ng isang assistance center malapit sa Centrum Gasoline Station sa Barangay Babasit upang higit na mapalakas ang kanilang kakayahan sa mabilisang pagresponde, lalo na sa mga insidenteng may kaugnayan sa sunog at iba pang emergency.

Samantala, ang mga tauhan ng MDRRMO at Municipal Health Office ay nagsasagawa ng magkasanib na roving operations upang magbigay ng agarang serbisyong medikal sa mga deboto. Kabilang dito ang blood pressure monitoring, pag-asikaso sa mga nakararanas ng pagkahilo o may altapresyon, pagtulong sa mga naka-wheelchair, at pagbibigay ng mga pangunahing gamot at paunang lunas alinsunod sa direktiba ng Municipal Health Officer.

Bukod dito, nagtutulungan din ang MDRRMO at Tourism personnel sa pagsasagawa ng monitoring, roving operations, at crowd control management upang matiyak ang maayos, organisado, at mapayapang daloy ng mga tao sa buong panahon ng paggunita.

Sa pamamagitan ng maayos na koordinasyon at estratehikong deployment ng mga tauhan, layunin ng mga kinauukulang ahensya na mapanatili ang kaayusan, kaligtasan, at kapanatagan ng loob ng publiko sa kabuuan ng pagdiriwang ng Semana Santa.


30/03/2026

๐Ÿ“ข ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐‚ ๐’๐„๐‘๐•๐ˆ๐‚๐„ ๐€๐๐๐Ž๐”๐๐‚๐„๐Œ๐„๐๐“

Ipinapaalam ng Lokal na Pamahalaan ng Manaoag na ipatutupad ang ๐—ง๐—ฒ๐—บ๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฟ๐—ผ๐˜‚๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐˜ ๐—ง๐—ฟ๐˜‚๐—ฐ๐—ธ ๐—•๐—ฎ๐—ป mula Abril 1 hanggang Abril 5, 2026, alinsunod sa Executive Order No. 26, Series of 2026 na nilagdaan ni Mayor Jeremy Agerico 'Doc Ming' B. Rosario, MD, bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga deboto at bisita ngayong Semana Santa.

Bahagi ng mga kalsada sa Rizal St. at Soriano St. sa Barangay Poblacion ay pansamantalang isasara upang matiyak ang kaligtasan, at maayos na daloy ng mga deboto at turista na bibisita sa Minor Basilica of Our Lady of the Rosary of Manaoag.

Pinapayuhan ang lahat ng motorista na gumamit ng alternatibong ruta upang maiwasan ang matinding trapiko sa nasabing mga araw.

Inaasahan ang pakikiisa at kooperasyon upang mapanatili seguridad at kaayusan ng bawat isa.




24/03/2026
Matagumpay at maayos na naisagawa ang 1st Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa pangunguna ni MDRRM...
13/03/2026

Matagumpay at maayos na naisagawa ang 1st Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa pangunguna ni MDRRMO Carlito P. Hernando, sa pakikipagtulungan ng 702nd Infantry Brigade ng Philippine Army at ng Bureau of Fire Protection (BFP) โ€“ Manaoag Fire Station. Layunin ng aktibidad na palakasin ang kahandaan ng komunidad, lalo na ng mga kabataan, sa oras ng lindol at iba pang sakuna.

Isinagawa ang earthquake drill sa apat na Child Development Center sa bayan, kabilang ang Child Development Center ng Poblacion, Babasit, Cabanbanan, at Baritao. Aktibong nakilahok sa pagsasanay ang mga g**o, mag-aaral, magulang, at mga kawani ng lokal na pamahalaan upang matiyak na alam ng bawat isa ang tamang hakbang sa panahon ng emergency.

Sa isinagawang drill, ipinakita at isinabuhay ng mga kalahok ang wastong paraan ng pagresponde sa lindol sa pamamagitan ng โ€œDuck, Cover, and Holdโ€ na pamamaraan, gayundin ang maayos at ligtas na paglikas patungo sa itinalagang evacuation area. Layunin ng pagsasanay na mapalawak ang kaalaman at kahandaan ng mga bata, g**o, at komunidad upang mapanatili ang kaligtasan at maiwasan ang pinsala sa oras ng sakuna.

Dinaluhan din ito ng ating butihing Mayor at MDRRMC Chairman na si Jeremy Agerico โ€œDoc Mingโ€ B. Rosario, na nagbigay ng suporta at paghikayat sa lahat na patuloy na makiisa sa mga programang naglalayong palakasin ang disaster preparedness ng komunidad.

Ang matagumpay na pagsasagawa ng earthquake drill na ito ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan at ng MDRRMC na tiyaking handa at ligtas ang bawat miyembro ng komunidad, lalo na ang mga kabataan, sa anumang sakunang maaaring mangyari.


!

Address

Manaoag

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Disaster Risk Reduction Management Council Manaoag posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share