SAMASA PUP CPSPA

  • Home
  • SAMASA PUP CPSPA

SAMASA PUP CPSPA Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from SAMASA PUP CPSPA, Political organisation, .

TINGNAN | Nakiisa ang SAMASA PUP CPSPA sa ginanap na kilos-protesta ng komunidad ng PUP sa Petron Teresa kahapon, March ...
18/03/2026

TINGNAN | Nakiisa ang SAMASA PUP CPSPA sa ginanap na kilos-protesta ng komunidad ng PUP sa Petron Teresa kahapon, March 17, upang kundenahin ang patuloy na tumataas na presyo ng langis sa bansa primarya na ang mula sa kompanyang Petron.

Kung mas palalalimin, hindi lamang normal na pangyayari ang oil crisis sa Pilipinas. Resulta ito ng patuloy na pambobomba ng Estados Unidos-Israel sa mga bansa sa West Asia lalo na ang Iran โ€” dahilan kung bakit napipilitan ang bansa na magsara ng pinto nito ng oil production at distribution sa kasalukuyan pati ang pagsasara ng Strait of Hormuz sa mga bansang kaalyado ng US-Israel katulad ng Pilipinas.

Mula rito, malinaw ang may sala. Walang iba kung hindi ang imperyalistang US at Zionistang Israel na hindi lamang nang-aapak sa soberanya ng ibang bansa bagkus sinasawalang bahala rin ang karapatan ng mga mamamayang naninirahan rito.

Kaya't sa mga kapwa ko lingkod-bayan, patuloy tayong tumindig at manawagan para sa pagpapabagsak ng IMPERYALISMO!



TINGNAN | Nagpasa ng Clarificatory Letter ang Complainant at CPSPA SC STRAW Councilor na si Francis Cruz at Rise for Edu...
17/03/2026

TINGNAN | Nagpasa ng Clarificatory Letter ang Complainant at CPSPA SC STRAW Councilor na si Francis Cruz at Rise for Education CPSPA Convernor at SAMASA PUP CPSPA Chairperson Wellyssa Torne sa opisina ng University Legal Council Office hinggil sa natanggap na resolution kaugnay sa kaso na isinampa ni Cruz laban kay Sir John Carlo Colot.

Sa resolution, napatunayan na si Sir Colot ay Oppressive at hinatulan ng three (3) months suspension without pay. Ang layunin ng isinumiteng clarificatory letter ay linawin ang implimentasyon at teknikalidad ng nasabing resolution, pagkatapos itong makatanggap ng mga ulat na si Sir Colot ay patuloy pa rin na nakapagtuturo at naghahawak ng klase sa kabila ng nilabas na resolution.

Ang kampanya ng Malayang CPSPA ay patuloy na lumalaban sa opresyon na nararanasan ng bawat estudyante. Ito ay patunay na tumitindig ang bawat lingkod-bayan para sa demokratikong karapatan at kalayaan sa edukasyon ng mga iskolar ng bayan.


!

ISKOLAR NG BAYAN, SUMAMA SA YOUTH-LED NATIONAL DAY OF ACTION AGAINST OIL PRICE HIKE! โœŠ๐Ÿ›ข๏ธโ€Žโ€ŽBukas, March 17, makikiisa ang...
16/03/2026

ISKOLAR NG BAYAN, SUMAMA SA YOUTH-LED NATIONAL DAY OF ACTION AGAINST OIL PRICE HIKE! โœŠ๐Ÿ›ข๏ธ
โ€Ž
โ€ŽBukas, March 17, makikiisa ang komunidad ng PUP sa pangunguna ng mga progresibong organisasyon at mga alyadong grupo at indibidwal, sa sabayang kilos-protesta ng mga pamantasan sa Kalakhang Maynila sa mga kalapit na Petron Gas Station upang i-rehistro ang ating galit sa nangyayaring pagsirit ng presyo ng langis at bilihin sa ating bansa, kaugnay ng nangyayaring panggigiyera ng US-Israel laban sa Iran.
โ€Ž
โ€ŽHabang tumataas ang presyo ng langis tuwing Martes, deklarasyon ng mga kabataang estudyante ang DuesDay upang panagutin ang mga kumpanya ng langis at si Pangulong Marcos Jr. sa kanilang kriminal na kapabayaan sa edukasyon at kabuhayan. Idinedeklara rin ng mga Iskolar ng Bayan ang ating pakikiisa sa transport strike na inanunsyo ng mga tsuper simula March 19 dahil kasama sa laban ng mga tsuper ang mga kabataang komyuter.
โ€Ž
โ€ŽWHAT: Youth-Led National Day of Action Against Oil Price Hike
โ€ŽWHEN: 17 March 2026, 4PM
โ€ŽWHERE: Petron Teresa
โ€Ž
โ€ŽMagkita-kita tayo bukas! Sumali sa Coordinating Group Chat:
โ€Ž
โ€Ž๐Ÿ”—:https://m.me/j/AbbzcHxj_j-refsU/
โ€Ž๐Ÿ”—:https://m.me/j/AbbzcHxj_j-refsU/
โ€Ž๐Ÿ”—:https://m.me/j/AbbzcHxj_j-refsU/
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž

TIGNAN | Nakiisa ang SAMASA PUP CPSPA sa laksa-laksang mga bulto ng kababaihan mula sa iba't ibang sektor at organisasyo...
08/03/2026

TIGNAN | Nakiisa ang SAMASA PUP CPSPA sa laksa-laksang mga bulto ng kababaihan mula sa iba't ibang sektor at organisasyon upang ipagdiriwang ang Pandaigdigang Araw ng mga Kababaihang Anakpawis mula sa Liwasang Bonifacio hanggang sa US Embassy.

Bagama't hinarang ng mga kapulisan ang hanay ng kababaihan bago pa man sila makarating ng embassy ng Estados Unidos, hindi nagpatinag ang mga palaban at militanteng kababaihan na ipanawagan ang pagpapatanggal sa 12% VAT, pag-iimpeach kay Marcos at Duterte, pagpapanagot sa lahat ng mga sangkot sa korapsyon, at pakikiisa sa mga nararanasan ng kababaihan sa buong daigdig lalo na ang mga kababaihang Iranian, Palestina, Valenzeuelan, at marami pang iba.

Nawa'y magsilbi ang araw na ito na patunay na sa pakikiisa ng mga kababaihan sa laban ng lahat ng sektod lang natin makakamtan ang tunay na kalayaan.

ABANTE, BABAE! PALABAN, MILITANTE! โœŠ๐Ÿ’œ





07/03/2026

PANOORIN | Pahayag ng SAMASA CPSPA Chairperson na si Wellyssa Torne hinggil sa mga misogynistic na pahayag na kumakalat ngayong buwan ng kababaihang manggagawa mula sa mga opisyal tulad nina Ferdnand Topacio at B**g Suntay. Malinaw na ang mga kaganapang ito ay manipestasyon ng patriyarkal na sistema na patuloy na nagluluwal ng diskriminasyon at hindi pantay na pasahod sa mga kababaihan.

Kasabay nito, iginiit din ng mga kababaihan ang panawagang tanggalin ang VAT sa mga pangunahing bilihin na lalong nagpapahirap sa masang anak-pawis dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Bukas, ika-8 ng Marso, araw ng Linggo, sa ganap na 9:00 AM, patuloy nating iaabante sa pagkilos ang mga panawagan at kampanya bilang paggunita sa Pandaigdigang Araw ng Kababaihang Anak-pawis. Dumalo at magpadalo!



๐—จ๐—ก๐——๐—˜๐—ฅ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—ก๐——๐—œ๐—ก๐—š ๐—œ๐— ๐—ฃ๐—˜๐—ฅ๐—œ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ฆ๐—  & ๐—ช๐—”๐—ฅ: An Online Discussion on US' Recent Attack on Iran and its National Security Strategy ๐Ÿ‡บ๐Ÿ‡ธ...
01/03/2026

๐—จ๐—ก๐——๐—˜๐—ฅ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—ก๐——๐—œ๐—ก๐—š ๐—œ๐— ๐—ฃ๐—˜๐—ฅ๐—œ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ฆ๐—  & ๐—ช๐—”๐—ฅ: An Online Discussion on US' Recent Attack on Iran and its National Security Strategy ๐Ÿ‡บ๐Ÿ‡ธ๐Ÿ’ฅ

The recent military strikes carried out by the United States and Israel against Iran have once again raised alarm across the international community. Reports indicate multiple air and missile strikes targeting key military and strategic sites, resulting in casualties, infrastructure damage, and heightened regional instability.

In line with this, the Sandigan ng Mag-aaral para sa Sambayanan (SAMASA) PUP along with the League of Filipino Students - PUP, will be spearheading an online discussion later, March 1 (Sun) 7:00 PM via Google Meeting. The discussion will unpack the geopolitical roots of the US-led aggression, examine the role of Zionism and imperialism in shaping foreign policy, and critically analyze how the US National Security Strategy legitimizes military intervention.

We call on all Iskolar ng Bayan to deepen their political awareness, stand in solidarity with oppressed peoples, and join the collective call for peace based on justice and national sovereignty. Join our discussion later!

๐Ÿ”—: https://tinyurl.com/US-NSS

!

TINGNAN | Nakiisa ang SAMASA PUP CPSPA kabilang ang ilang pang-masang organisasyon sa loob at labas ng kolehiyo at paman...
07/02/2026

TINGNAN | Nakiisa ang SAMASA PUP CPSPA kabilang ang ilang pang-masang organisasyon sa loob at labas ng kolehiyo at pamantasan upang kundenahin ang tahasang korapsyon at pasistang nangyayari sa kasalukukuyan sa ginanap na pagkilos kahapon.

Habang malayang nakakagalaw si Marcos Jr. at Duterte sa kabila ng korapsyon at pananamantala nila sa mamamahang Pilipino, kaliwa't kanan ang atake sa mga kabataan lalo na sa mga lider-estudyantesa PUP na si Tiffany Faith Brillante at kampus mamamahayag Jacob Baluyot.

Dagdag pa rito, tapyas budget at iba't iba pang krisis panlipunan ang araw-araw sumasampal sa mga masang anakpawis ngunit nagpapakasasa ang mga naghaharing uri.

Kaya't higit kailanman, nananawagan tayo sa mga kapwa natin lingkod-bayan na lumabas sa apat na sulok ng kanilang mga klasrum at makiisa sa malawakang kampanya at laban sa korapsyon at tiranya!

-----------------------------------------------

Join SAMASA PUP CPSPA!

https://forms.gle/Lg3FJCjGg8CoUk5f7
https://forms.gle/Lg3FJCjGg8CoUk5f7
https://forms.gle/Lg3FJCjGg8CoUk5f7



YOUTH FIGHT BACK AGAINST STATE REPRESSION! DEFEND PRESS FREEDOM! HANDS OFF JACOB BALUYOT!Bukas, January 15, haharap sa D...
14/01/2026

YOUTH FIGHT BACK AGAINST STATE REPRESSION! DEFEND PRESS FREEDOM! HANDS OFF JACOB BALUYOT!

Bukas, January 15, haharap sa Department of Justice (DOJ) si Jacob Baluyot, mamamahayag ng The Catalyst at National Spokesperson ng Alyansa ng Kabataang Mamamahayag PUP, kaugnay ng ipinadalang โ€œsubpoena to respondโ€ sa kaniya hinggil sa mga gawa-gawang kasong planong isampa ng PNP-CIDG kaugnay ng naganap na anti-korapsyon na protesta noong September 21.

Nananawagan tayo sa buong komunidad ng PUP at sa lahat ng mga naninindigan kontra sa panunupil ng estado, habang nananatiling malaya at hindi napapanagot ang mga korap na dahilan ng paghihirap ng mga kabataan at mamamayan, na makiisa sa ating panawagan.

Sumama sa indignation rally na gaganapin bukas bilang panawagan na itigil ang pasistang atake laban sa mga kabataan at mamamayan!

Indignation Protest
๐Ÿ“ Indignation Rally at Department of Justice | 2:00 PM
๐Ÿ“ Local Protest at PUP Charlie Del Rosario Building | 4:30 PM

SUMALI SA COORDINATION GC:
https://m.me/j/AbbOg7UAXy9GYRKQ/

OPISYAL NA PAHAYAG NG SAMASA PUP CPSPA SA NAGANAP NA PAMBOBOMBA NG AFP SA ABRA DE ILOG, OCCIDENTAL MINDORO NOONG ENERO 1...
04/01/2026

OPISYAL NA PAHAYAG NG SAMASA PUP CPSPA SA NAGANAP NA PAMBOBOMBA NG AFP SA ABRA DE ILOG, OCCIDENTAL MINDORO NOONG ENERO 1

Mariing kinokondena ng Sandigan ng Mag-aaral Para sa Sambayanan (SAMASA) PUP CPSPA ang walang awang pambobomba ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa komunidad ng Abra de Ilog, Occidental Mindoro noong bagong taon โ€” siyang dahilan ng pagkasawi ng ilang mamamayan at pulang mandirigma kabilang na ang marahas na atake na siyang nagdulot sa pagkamatay ng estudyanteng mananaliksik na si Jerlyn Doydora mula sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM).

Taliwas sa mga propaganda ng estado at ng mga mainstream media, palaging nasa kapahamakan at kawalan ng katahimikan ang lalawigan ng Mindoro dahil sa pambobomba, pamamaril, at mga operasyon ng AFP-PNP na siyang may malaking epekto sa buhay ng mga katutubo, magsasaka, at mga normal na mamamayan sa kanayunan. Hindi lang ito ang una at huling beses na may naganap na mga pagsabog at human rights violation. Dahil sa nakalipas na mga taon, kaliwa't kanan ang atake sa mga normal at tahimik na buhay ng mga mamamayan sa probinsya.

Sa halip na maayos na serbisyo mula sa pamahalaan lalo na sa mga pinaka-pinagsasamantalahang mga sektor sa kanayunan, walang tigil na pamamaslang at pang-aatake ang hatid ng estado sa mga mamamayang lumalaban. Kung susuriin, ang Mindoro ang tahanan ng ilang mga IP communities โ€” ngunit dito mas sumisirit ang iba't ibang isyu katulad ng pagnanakaw ng estado at ng mga burukrata kapitalista sa kanilang mga lupang ninuno; gayundin ang iba't ibang paraan ng mga ganid na naghaharing uri para sirain ang kalikasan.

Kaya naman, tumitindig ang organisasyon katuwang ng iba pang mga indibidwal, organisasyon, at alyansa; at nananawagan na itigil ang pamamaslang sa mga taong lumalaban! Itigil ang pambobomba sa Mindoro! At ibalik ngayon din ang bangkay ni Jerlyn sa kaniyang pamilya!

MILITAR SA KANAYUNAN, PALAYASIN!
ITIGIL ANG PAMAMASLANG! HUSTISYA PARA KAY JERLYN!




MARCOS-DUTERTE , NUMBER ONE HUMAN RIGHTS VIOLATOR? Patapos na naman ang isang taong pamunuan ng Marcos-Duterte administr...
09/12/2025

MARCOS-DUTERTE , NUMBER ONE HUMAN RIGHTS VIOLATOR?

Patapos na naman ang isang taong pamunuan ng Marcos-Duterte administration, ngunit kaliwa't kanan ang pagsirit ng kanilang patuloy na pagyurak sa karapatang-pantao ng mamamayan lalo na ang mga mamamayang lumalaban.

Mula sa red-tagging cases, forced disappearances, sexual assault and harassment, human trafficking, filing of illegal charges, bilang iba't ibang porma ng state attacks, number one ang tambalang MARCOS-DUTERTE sa dami ng kanilang nalabag.

Sa kabilang banda, korapsyon ang pinaka-malaking anyo ng pagsawalang bahala sa basikong karapatan ng mga mamamayan dahil tinatanggalan nito ng pagkakataon ang mga Pilipino na mamuhay ng maayos at may dignidad.

Kaya't bilang pagdiriwang sa makasaysayang Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao, sama-sama nating singilin at panagutin si Marcos Jr. at Sara Duterte sa kanilang pagnanakaw sa pondo ng taumbayan at sa patuloy nilang pagtapak sa ating karapatan!

Kumilos at makibaka sa Disyembre 10, Liwasang Bonifacio, mula 9:00 AM!



-----------------------------------------
----------------------------------------

Sumali na sa SAMASA PUP CPSPA:

https://forms.gle/Lg3FJCjGg8CoUk5f7
https://forms.gle/Lg3FJCjGg8CoUk5f7
https://forms.gle/Lg3FJCjGg8CoUk5f7

TIGNAN | PAKIKIISA NG SAMASA PUP CPSPA SA UNITY STATEMENT NG CPSPA COMMUNITY PARA SA PAGKILOS SA DISYEMBRE 10 AT PAGPAPA...
09/12/2025

TIGNAN | PAKIKIISA NG SAMASA PUP CPSPA SA UNITY STATEMENT NG CPSPA COMMUNITY PARA SA PAGKILOS SA DISYEMBRE 10 AT PAGPAPANAGOT KAY MARCOS AT DUTERTE

๐—˜๐—ก๐—— ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—ฅ๐—˜๐—œ๐—š๐—ก ๐—ข๐—™ ๐—ฃ๐—Ÿ๐—จ๐—ก๐——๐—˜๐—ฅ ๐—”๐—ก๐—— ๐—œ๐— ๐—ฃ๐—จ๐—ก๐—œ๐—ง๐—ฌ! ๐—›๐—ข๐—Ÿ๐—— ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—–๐—ข๐—ฅ๐—ฅ๐—จ๐—ฃ๐—ง ๐—จ๐—ฆ-๐— ๐—”๐—ฅ๐—–๐—ข๐—ฆ-๐——๐—จ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—ง๐—˜ ๐—ฅ๐—˜๐—š๐—œ๐— ๐—˜ ๐—”๐—–๐—–๐—ข๐—จ๐—ก๐—ง๐—”๐—•๐—Ÿ๐—˜!

Unity Statement of CPSPA Formations on International Human Rights Day

As we mark the 77th year of the Universal Declaration of Human Rights, the Filipino people stand not in celebration but in dire discontent and rage. The nation is besieged by a system that has institutionalized plunder and repression.

History has repeatedly demonstrated that no alliance between two power-hungry factions is permanent. They will eventually be driven by the intense friction of their conflicting ambitions. It is this same reason that the so-called "unity" between Marcos and Duterte factions was dissolved into a dynastic war as they tear each other apart in a desperate struggle for influence and dominance. While two camps collide, the Filipino people are being trampled over -- they remain mired in poverty, their interests sidelined, while they endure consistent state attacks on their rights and civil liberties.

๐— ๐—ฎ๐—ธ๐—ฒ ๐—ป๐—ผ ๐—บ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ธ๐—ฒ: ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฐ๐—ผ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐——๐˜‚๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐˜๐—ฒ ๐—ณ๐—ฎ๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ถ๐˜€ ๐—ฐ๐˜‚๐˜ ๐—ณ๐—ฟ๐—ผ๐—บ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฒ ๐—ฟ๐—ผ๐˜. They remain united in a singular, parasitic objective: to bleed the nation dry. History has already cast its judgment upon them -- they are nothing more than unrepentant plunderers and fascists.

๐—–๐—ข๐—ฅ๐—ฅ๐—จ๐—ฃ๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—œ๐—ฆ ๐—” ๐—ฉ๐—œ๐—ข๐—Ÿ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ข๐—™ ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—ฅ๐—œ๐—š๐—›๐—ง ๐—ง๐—ข ๐—Ÿ๐—œ๐—™๐—˜
The right to life is meaningless when the funds meant to save lives are siphoned into the pockets of dynastic warlords. The exposure of the P545-billion Flood Control Scam stands as a monument to this administration's criminal negligence. While typhoons battered our provinces and submerged our cities this year, leaving thousands displaced and livelihoods destroyed, we learned that the dikes and spillways promised to us were nothing but "ghost projects."

๐—˜๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜† ๐—ฝ๐—ฒ๐˜€๐—ผ ๐˜€๐˜๐—ผ๐—น๐—ฒ๐—ป ๐—ณ๐—ฟ๐—ผ๐—บ ๐—ณ๐—น๐—ผ๐—ผ๐—ฑ ๐—ฐ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ฟ๐—ผ๐—น, ๐—ฝ๐˜‚๐—ฏ๐—น๐—ถ๐—ฐ ๐—ต๐—ฒ๐—ฎ๐—น๐˜๐—ต, ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ฒ๐—ฑ๐˜‚๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ถ๐˜€ ๐—ฎ ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฎ๐˜๐—ต ๐˜€๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ฝ๐—ผ๐—ผ๐—ฟ. The Marcos administrationโ€™s unprogrammed funds and the Vice Presidentโ€™s confidential funds are not just budgetary issues -- they are instruments of economic violence. They represent the theft of our right to survival, safety, and a dignified existence.

The systemic corruption is not only an issue of plunder on public funds, but also a strong manifestation of the administration's piling human rights violence to the nation.

๐—” ๐—ฅ๐—˜๐—š๐—œ๐— ๐—˜ ๐—ข๐—™ ๐—ง๐—›๐—œ๐—˜๐—ฉ๐—˜๐—ฆ ๐—”๐—ก๐—— ๐—•๐—จ๐—ง๐—–๐—›๐—˜๐—ฅ๐—ฆ
As systemic plunder bleeds the nation dry, the peopleโ€™s resistance is surging into an undeniable tide. The Marcos-Duterte regime is not merely watching; it is actively weaponizing the national budget to bankroll state fascism. They are oiling the gears of terror machineries by funding NTF-ELCAC, PNP, and AFP to red-tag dissenters, abduct and intimidate citizens and activists, and further militarize the countryside.

๐—ง๐—ต๐—ฒ๐˜€๐—ฒ ๐—ฐ๐—ผ๐—ป๐˜€๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ฎ๐˜๐˜๐—ฎ๐—ฐ๐—ธ๐˜€ ๐˜๐—ผ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—™๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ ๐—ฎ๐—ป ๐—ผ๐—ฟ๐—ฐ๐—ต๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ฒ๐—ฑ ๐—ฎ๐˜€๐˜€๐—ฎ๐˜‚๐—น๐˜ ๐—ผ๐—ป ๐—ผ๐˜‚๐—ฟ ๐—ต๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐—ฟ๐—ถ๐—ด๐—ต๐˜๐˜€ ๐—ฑ๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—ด๐—ป๐—ฒ๐—ฑ ๐˜๐—ผ ๐—ฐ๐—ฟ๐˜‚๐˜€๐—ต, ๐˜€๐—ถ๐—น๐—ฒ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ, ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ผ๐—ฏ๐—น๐—ถ๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ฒ ๐—ฎ๐—ป๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ฒ ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฒ๐—ป๐—ผ๐˜‚๐—ด๐—ต ๐˜๐—ผ ๐—ณ๐—ถ๐—ด๐—ต๐˜ ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ณ๐˜‚๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฒ ๐˜๐—ต๐—ฒ๐˜† ๐—ฑ๐—ฒ๐˜€๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ฒ. ๐—ง๐—ต๐—ถ๐˜€ ๐—ถ๐˜€ ๐—ฎ ๐—ฑ๐—ฒ๐—น๐—ถ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ฒ ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ฒ๐—ด๐˜† ๐˜๐—ผ ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ๐—ฐ๐—ฒ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ฝ๐—ฒ๐—ผ๐—ฝ๐—น๐—ฒ ๐—ถ๐—ป๐˜๐—ผ ๐˜€๐˜‚๐—ฏ๐˜€๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ถ๐—ฒ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ.

Yet, the State forgets a stark lesson in our long history of struggle: repression and crisis breeds resistance. Every blood spilled, every rights denied, and every future taken only fuels the necessity of our struggle for genuine liberation.

๐—–๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ ๐—ง๐—ข ๐—”๐—–๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก
The time for observing history from the comfort of our screens and classrooms is over. We are witnessing the systemic plunder of our future. If there is something to root for amidst this crisis, it is nothing but the strong unity of the Filipino people. Our unity has already toppled a dictatorship, exposed the corruption and injustice of every regime, and has championed the rights and justice we enjoy today. ๐—œ๐˜ ๐—ถ๐˜€ ๐—ป๐—ผ๐˜„ ๐—บ๐—ผ๐—ฟ๐—ฒ ๐˜๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ ๐˜๐—ต๐—ฎ๐˜ ๐˜„๐—ฒ ๐—ฒ๐—ป๐—น๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ป ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฒ ๐˜€๐—ฝ๐—ถ๐—ฟ๐—ถ๐˜ ๐˜๐—ผ ๐—ต๐—ผ๐—น๐—ฑ ๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ฒ ๐—ถ๐—ป๐˜ƒ๐—ผ๐—น๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฑ ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฐ๐—ผ๐˜‚๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฏ๐—น๐—ฒ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฐ๐—น๐—ฎ๐—ถ๐—บ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ณ๐˜‚๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฒ ๐˜๐—ต๐—ฎ๐˜ ๐—ถ๐˜€ ๐—ฟ๐—ผ๐—ฏ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฑ ๐—ณ๐—ฟ๐—ผ๐—บ ๐˜‚๐˜€.

๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐˜†๐—ผ๐˜‚๐˜๐—ต ๐—ต๐—ฎ๐˜€ ๐—ฎ๐—น๐˜„๐—ฎ๐˜†๐˜€ ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฒ๐—ป ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐˜€๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ธ ๐—ผ๐—ณ ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ -- ๐—ณ๐—ฟ๐—ผ๐—บ ๐—ž๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ฝ๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ป ๐˜๐—ผ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—™๐—ถ๐—ฟ๐˜€๐˜ ๐—ค๐˜‚๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ฒ๐—ฟ ๐—ฆ๐˜๐—ผ๐—ฟ๐—บ. ๐—ก๐—ผ๐˜„, ๐—ต๐—ถ๐˜€๐˜๐—ผ๐—ฟ๐˜† ๐—ฑ๐—ฒ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐˜€ ๐˜๐—ต๐—ฎ๐˜ ๐˜„๐—ฒ ๐˜๐—ฎ๐—ธ๐—ฒ ๐—ผ๐˜‚๐—ฟ ๐—ฝ๐—น๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ ๐—ฎ๐˜ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ๐—ฒ๐—ณ๐—ฟ๐—ผ๐—ป๐˜ ๐—ผ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ถ๐—ป.

The power of the people is the only force capable of ending this nightmare. From the streets of Manila to the countryside, we will march and struggle toward social justice and freedom.

๐— ๐—š๐—” ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š๐—ž๐—ข๐——-๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก, ๐—Ÿ๐—จ๐— ๐—”๐—›๐—ข๐—ž ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—Ÿ๐—ฌ๐—”๐— ๐—˜๐—ก๐—ง๐—ข ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ก!
๐—ฆ๐—จ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—œ ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ž๐—œ๐—Ÿ๐—ข๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐——๐—˜๐—–๐—˜๐— ๐—•๐—˜๐—ฅ 10!

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SAMASA PUP CPSPA posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to SAMASA PUP CPSPA:

  • Want your organization to be the top-listed Government Service?

Share