05/08/2026
π½ππΏπΌππ π½πΌππππΌ | ππππππππππ ππ ππππππππ πππππππππ ππ πππππ, πππππππππ πππ; πππ, πππ ππππππ ππ
ππππππππ ππ | Via Frances Ivy Balantes
RAGAY, CAMARINES SUR β Patay ang dalawang magsasaka matapos pagbabarilin habang pauwi mula sa isang inuman sa Sitio Inugican, Zone 4, Barangay F. Simeon, Ragay, Camarines Sur, gabi ng Hulyo 27.
Kinilala ang mga biktima sa mga alyas na Danilo, residente ng Barangay Colacling, Lupi, Camarines Sur, at Dennis, residente ng Barangay F. Simeon, Ragay, Camarines Sur. Pareho na silang wala nang buhay nang datnan ng mga rumespondeng awtoridad mula sa Ragay Municipal Police Station.
Sa follow-up ng GNN TV48 Naga kay PCOL Tyrone Dotimas, Provincial Director ng Camarines Sur Police Provincial Office, sinabi nitong mayroon nang dalawang person of interest na tinutukan ng Ragay PNP kaugnay sa insidente. Ayon pa sa opisyal, isa sa dalawang person of interest ang itinuro ng mga testigo na umano'y may kaalaman sa nangyaring pamamaril.
Hindi muna isinapubliko ni PCOL Dotimas ang posibleng motibo sa krimen upang hindi maapektuhan ang nagpapatuloy na imbestigasyon at ang inihahandang kaso ng Ragay Municipal Police Station laban sa mga person of interest.
Samantala, tiniyak ng Ragay PNP na maisasampa ang kaukulang kaso laban sa dalawang person of interest sa mga susunod na araw.
Para sa buong detalye ng balita, panoorin ang kumpletong ulat sa GNN TV48 Naga page.
Manatiling nakatutok sa GNN TV48 Naga News Break para sa mga balitang Garantisadong Nangunguna at Napapanahon! Mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes ng gabi sa GNN Naga digital TV channel 48.2, GNN TV48 Naga page, at YouTube channel.