25/06/2025
In behalf sa lahat ng mga residente ng BARANGAY 14 - ZONE 01, DISTRICT I, PASAY CITY.. kami po ay lubos na nagpapasalamat sa iyo KAGAWAD ROLANDO ARDURO. Sa iyong matibay na walang tinag na dedikasyon sa iyong sinumpaang tungkulin bilang kagawad at bilang presidente ng Senior Citizens ng ating barangay. Isa kang patunay na kahit may edad na ay kayang kaya pang maglingkod sa iyong nasasakupan. Kitang kita naming lahat ang iyong kasipagan at pagmamahal sa aming mga kabarangay mo, senior man o hindi talagang di ko kami binigo lalong lalo na noong pandemic. Senior na pero laban sa lahat kahit alam na piligro sa inyong edad ang magsilbi sa aming iyong mga kabarangay sa panahon ng pandemic. Isa kang huwaran ng lahat ng public servant, na kung gagawin lang talaga ng lahat ng tulad mong nanunungkulan ang kanilang mga sinumpaang tungkulin ay magiging kapakipakinabang kayo sa aming inyong kabarangay. Malungkot kaming lahat sa iyong pagkawala dahil damang damang namin ang iyong paglisan, nawa'y ang humalili sayo ay hindi kami biguin. Hindi man maging kasing tulad mo, sana'y masipag at may malasakit din sa aming mga kabarangay niyo. Kung malaki kang kawalan sa aming mga kabarangay mo, siguradong lalong mas sobra ang laki ng puwang na iniwan mo sa puso ng iyong mga naulila. Matagal din naming nakuha ang oras at pagmamalasakit mo, naging kahati namin silang mga naulila mo. Nawa'y wag mo silang pabayaan at panatagin mo ang kanilang mga isipan lalo na ngayon lugmok na lugmok sila sa iyong pagkawala. Wag mo kaming isipin kagawad, makakapagpahinga ka na din, tandaan mo lang lagi.. MAHAL KA NAMING LAHAT.. PAALAM KAGAWAD Rolando Arduro Rolando Arduro Rolando Arduro