15/04/2026
📢 ABISO SA MGA TRICYCLE DRIVERS
Magsisimula na ang pamamahagi ng fuel subsidy mula sa DSWD para sa mga kwalipikadong benepisyaryo (4,287 drivers).
Ang payout ay nakaayos alphabetical (ayon sa apelyido) at hindi per barangay o TODA.
Schedule:
April 16, 2026
📍 Rosario Evacuation Center
🔤 Apelyido: A – I
April 17, 2026
📍 City Hall Ground Floor
🔤 Apelyido: J – Z
Dalhin:
• Original at photocopy ng Driver’s License
Mga minamahal kong kababayan, lalo na po sa ating mga tricycle drivers—
Ipinaaalam po natin na magsisimula na ang pamamahagi ng fuel subsidy mula sa DSWD para sa ating mga kwalipikadong benepisyaryo. Matapos ang masusing pag-aayos at deduplication ng listahan, kabuuang 4,287 na drivers po ang mabibigyan ng tulong na ito.
📌 MAHALAGANG PAALALA:
Hindi po ito per barangay o per TODA. Ang payout ay alphabetical base sa apelyido, ayon sa payroll ng DSWD.
🗓 ISKEDYUL NG DISTRIBUTION:
DAY 1 – April 16, 2026
📍 Rosario Evacuation Center (Rosario Complex)
🔤 Apelyido: A hanggang I
DAY 2 – April 17, 2026
📍 City Hall Ground Floor
🔤 Apelyido: J hanggang Z
📄 Dalhin ang mga sumusunod:
• Driver’s License (original)
• Photocopy ng Driver’s License
📍 Magkakaroon din po ng Grievance Desk sa bawat payout site upang tugunan ang anumang concern o katanungan ng ating mga benepisyaryo.
Ang tulong na ito ay bahagi ng ating patuloy na pagsuporta sa hanapbuhay ng ating mga tsuper, lalo na sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at pag-unawa. Sisikapin po nating maging maayos, mabilis, at patas ang distribusyon para sa lahat.