MENRO Indang

MENRO Indang The Official page of the Municipal Environment and Natural Resources Office - Indang, Cavite

Green today, greener tomorrow! ๐ŸƒStay tuned for more fresh updates!
04/08/2026

Green today, greener tomorrow! ๐Ÿƒ
Stay tuned for more fresh updates!

๐Ÿ“ข NOTICE OF VIOLATION | BAWAL ANG PAGSUSUNOG NG BASURAMahigpit na pinaaalalahanan ng Municipal Environment and Natural R...
03/08/2026

๐Ÿ“ข NOTICE OF VIOLATION | BAWAL ANG PAGSUSUNOG NG BASURA

Mahigpit na pinaaalalahanan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ang lahat ng mamamayan na mahigpit na ipinagbabawal ang pagsusunog ng anumang uri ng solid waste alinsunod sa Republic Act No. 9003 (Ecological Solid Waste Management Act of 2000), Republic Act No. 8749 (Philippine Clean Air Act of 1999) at Municipal Ordinance No. 08, Series of 2019 - โ€œPagbabawal sa Pagsusunog ng Basura sa Bayan ng Indang.โ€

Ang open burning ng basura ay nagdudulot ng polusyon sa hangin at panganib sa kalusugan ng tao at sa ating kapaligiran. Ang sinumang mapapatunayang lumalabag ay maaaring mapatawan ng kaukulang parusa alinsunod sa umiiral na batas at mga lokal na ordinansa.

๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—ง๐—” ๐—”๐—ง/๐—ข ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ž๐—”๐—ž๐—”๐—ž๐—จ๐—Ÿ๐—ข๐—ก๐—š
โ‚ฑ300.00 โ€“ Pagsusunog ng nabubulok (biodegradable) na basura
โ‚ฑ1,000.00 โ€“ Pagsusunog ng halo-halong (mixed) na basura

๐—”๐—Ÿ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—•๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—จ๐—ฆ๐—”
(Para sa mga indigent o walang kakayahang magbayad)
โ‚ฑ300.00 โ€“ Animnapu (60) oras na community service
โ‚ฑ1,000.00 โ€“ Isang (1) araw na Environmental Seminar at animnapu (60) oras na community service

๐— ๐—˜๐—ก๐—ข๐—ฅ ๐——๐—˜ ๐—˜๐——๐—”๐——
Ang magulang o legal na tagapag-alaga ang mananagot sa multa at iba pang kaparusahan.

๐—•๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ ๐—–๐—Ÿ๐—˜๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก๐—–๐—˜
Hindi bibigyan ng Barangay Clearance ang lumabag hangga't hindi nababayaran ang multa sa Municipal Treasurer's Office.

๐—›๐—œ๐—ก๐——๐—œ ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฆ๐—จ๐—ก๐—ข๐——
Ang lumabag na hindi makikipag-ugnayan sa MENRO sa loob ng pitong (7) araw ay sasailalim sa kaukulang legal na aksyon.

๐Ÿ“Œ Hinihikayat ang bawat residente na maging responsable sa tamang pamamahala ng basura at makiisa sa pagpapanatili ng malinis, ligtas at malusog na kapaligiran para sa lahat.

๐ŸŒฟ WORLD RANGER DAY ๐ŸŒฟNgayong World Ranger Day, ating kinikilala at pinaparangalan ang mga environmental rangers, forest r...
31/07/2026

๐ŸŒฟ WORLD RANGER DAY ๐ŸŒฟ

Ngayong World Ranger Day, ating kinikilala at pinaparangalan ang mga environmental rangers, forest rangers, park rangers, at iba pang tagapagbantay ng kalikasan na walang sawang nagsisilbi upang pangalagaan ang ating mga kagubatan, protected areas, wildlife, at likas na yaman.

Sa kabila ng mga hamon at panganib na kanilang kinakaharap, patuloy silang nagsisilbing mga bantay ng ating kalikasan para sa kapakanan ng kasalukuyan at ng mga susunod na henerasyon.

๐ŸŒฑ Maging kabalikat natin sila sa pangangalaga ng kalikasan sa pamamagitan ng:
โœ… Pagsunod sa mga batas pangkalikasan.
โœ… Pag-uulat ng mga ilegal na gawain tulad ng illegal logging, wildlife poaching, at kaingin.
โœ… Pakikilahok sa mga programang pangkalikasan sa ating komunidad.

Ang bawat hakbang para sa kalikasan ay hakbang tungo sa mas ligtas at mas luntiang kinabukasan.

๐Ÿ’š Mabuhay ang ating mga Rangers!


๐ŸŒ Four Tips para Magsimula ng Sustainable Lifestyle! ๐ŸŒฑAng pangangalaga sa ating kalikasan ay nagsisimula sa maliliit na ...
27/07/2026

๐ŸŒ Four Tips para Magsimula ng Sustainable Lifestyle! ๐ŸŒฑ

Ang pangangalaga sa ating kalikasan ay nagsisimula sa maliliit na hakbang na maaari nating gawin araw-araw. Sama-sama nating isabuhay ang mga simpleng gawaing ito:

โ™ป๏ธ Gumamit ng mga reusable na produkto sa halip na single-use plastics.
๐Ÿ“ฆ Gamitin ang mga produkto hanggang sa lubos itong magamit.
๐Ÿ—‘๏ธ Itapon ang mga basura sa tamang basurahan at ugaliing mag-segregate.
๐Ÿ›๏ธ Maging matalinong mamimiliโ€”bumili lamang ng mga bagay na tunay na kailangan.

Ang bawat maliit na hakbang ay may malaking epekto sa ating kalikasan ๐Ÿ’š

๐ŸŒฟ INTERNATIONAL CONSERVATION DAY FOR MANGROVE ECOSYSTEM ๐ŸŒฟNgayong International Conservation Day for Mangrove Ecosystem, ...
26/07/2026

๐ŸŒฟ INTERNATIONAL CONSERVATION DAY FOR MANGROVE ECOSYSTEM ๐ŸŒฟ

Ngayong International Conservation Day for Mangrove Ecosystem, ating kilalanin ang mahalagang papel ng mga bakawan (mangroves) sa pangangalaga ng ating kalikasan.

Ang mga bakawan ay nagsisilbing likas na panangga laban sa bagyo, pagbaha, at pagguho ng lupa. Tahanan din ito ng iba't ibang isda, alimango, ibon, at iba pang yamang-dagat na nagbibigay ng kabuhayan sa ating mga komunidad.

Bukod dito, malaki ang naitutulong ng mga bakawan sa pagsipsip ng carbon na nakatutulong sa paglaban sa epekto ng climate change.

๐ŸŒฑ Sama-sama nating pangalagaan ang ating mga bakawan sa pamamagitan ng:
โœ… Hindi pagtatapon ng basura sa mga baybayin at estero.
โœ… Pakikiisa sa mga mangrove planting at clean-up activities.
โœ… Pagprotekta sa mga likas na tirahan ng mga hayop at halaman.

Ang pangangalaga sa bakawan ay pangangalaga rin sa ating kinabukasan. ๐ŸŒŠ๐Ÿ’š


Maligayang kaarawan sa isang tunay na bayani ng kalikasan! ๐ŸŽ‚๐ŸŽˆ๐ŸฅณNawaโ€™y patuloy kayong pagpalain ng karunungan at lakas sa ...
25/07/2026

Maligayang kaarawan sa isang tunay na bayani ng kalikasan! ๐ŸŽ‚๐ŸŽˆ๐Ÿฅณ

Nawaโ€™y patuloy kayong pagpalain ng karunungan at lakas sa inyong makabuluhang pamumuno at walang humpay na adbokasiya para sa pangangalaga, proteksyon, at sustenableng pamamahala ng ating kapaligiran.

Isang espesyal na pagbati para sa mga bayani ng kalikasan ๐Ÿฅณ๐ŸŽˆ Nawa'y ang iyong taon ay maging puno ng mga oportunidad tul...
25/07/2026

Isang espesyal na pagbati para sa mga bayani ng kalikasan ๐Ÿฅณ๐ŸŽˆ

Nawa'y ang iyong taon ay maging puno ng mga oportunidad tulad ng pagbabago na iyong hatid para sa ikagaganda ng ating bayan.

๐—˜๐—–๐—ข๐—ง๐—ฅ๐—”๐——๐—˜: ๐—ช๐—”๐—ฆ๐—ง๐—˜๐—ฆ ๐—œ๐—ก, ๐—š๐—ข๐—ข๐——๐—ฆ ๐—ข๐—จ๐—ง ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—๐—˜๐—–๐—งPatuloy na isinasagawa ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENR...
23/07/2026

๐—˜๐—–๐—ข๐—ง๐—ฅ๐—”๐——๐—˜: ๐—ช๐—”๐—ฆ๐—ง๐—˜๐—ฆ ๐—œ๐—ก, ๐—š๐—ข๐—ข๐——๐—ฆ ๐—ข๐—จ๐—ง ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—๐—˜๐—–๐—ง

Patuloy na isinasagawa ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) โ€“ Indang ang ๐‘ฌ๐’„๐’๐‘ป๐’“๐’‚๐’…๐’†: ๐‘พ๐’‚๐’”๐’•๐’†๐’” ๐‘ฐ๐’, ๐‘ฎ๐’๐’๐’…๐’” ๐‘ถ๐’–๐’• ๐‘ท๐’“๐’๐’‹๐’†๐’„๐’•, isang inisyatibo ng Pamahalaang Bayan ng Indang na naglalayong higit pang mapalakas ang pagpapatupad ng wastong solid waste management sa mga barangay at mabawasan ang dami ng basurang dinadala sa sanitary landfill.

Sa nasabing programa, binigyang pagkilala muli ang mga barangay na nakapagtala ng ๐ฆ๐š๐ญ๐š๐š๐ฌ ๐ง๐š ๐ฏ๐จ๐ฅ๐ฎ๐ฆ๐ž ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐ซ๐ž๐ฌ๐ข๐๐ฐ๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐ฆ๐š๐ฒ ๐ฉ๐จ๐ญ๐ž๐ง๐ฌ๐ฒ๐š๐ฅ, na nakolekta mula sa mga households at business establishments at nadala sa Municipal Centralized Materials Recovery Facility upang sumailalim sa wastong pagproseso at magawang mas kapaki-pakinabang na materyales o produkto para sa mga buwan ng Hulyo 2026.

๐Ÿ† ๐„๐œ๐จ ๐‚๐ก๐š๐ฆ๐ฉ๐ข๐จ๐ง ๐€๐ฐ๐š๐ซ๐ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐๐ฅ๐š๐ฌ๐ญ๐ข๐œ ๐‘๐ž๐ฌ๐ข๐๐ฎ๐š๐ฅ ๐‘๐ž๐œ๐จ๐ฏ๐ž๐ซ๐ฒ ๐‚๐š๐ญ๐ž๐ ๐จ๐ซ๐ฒ
๐Ÿฅ‡Barangay Buna Lejos I
๐ŸฅˆBarangay Guyam Malaki
๐Ÿฅ‰Barangay Tambo Ilaya

Bilang bahagi ng insentibo, namahagi ang MENRO ng mga cleaning tools na magagamit ng mga barangay sa pagsasagawa ng kanilang regular na clean-up drives.

Kasabay nito, kinilala rin ang mga miyembro ng Association of Barangay Environment and Natural Resources Officers (ABENROs) na patuloy na nagpapakita ng aktibong pakikilahok at suporta sa mga programang pangkalikasan.

๐Ÿ†๐Œ๐จ๐ฌ๐ญ ๐€๐œ๐ญ๐ข๐ฏ๐ž ๐„๐ง๐ฏ๐ข๐ซ๐จ๐ง๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ฅ ๐’๐ญ๐ž๐ฐ๐š๐ซ๐๐ฌ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐‚๐˜ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”
(๐’๐ž๐œ๐จ๐ง๐ ๐๐ฎ๐š๐ซ๐ญ๐ž๐ซ)
๐Ÿ…Hon. Bernadeth Aveles - Kagawad, Barangay Banaba Cerca
๐Ÿ…Hon. Eladio F. Perea, Jr. - Kagawad, Barangay Kayquit III

Isang taos-pusong pagbati sa mga kinilalang barangay! Ang inyong dedikasyon at aktibong pakikiisa ay patunay na ang sama-samang pagkilos ay may malaking epekto sa pangangalaga ng ating kapaligiran.

โ™ป๏ธ โ€œIsa lang naman na plastikโ€ฆโ€Ngunit kapag pinagsama-sama, nagiging sanhi ito ng matinding polusyon sa ating mga ilog, ...
20/07/2026

โ™ป๏ธ โ€œIsa lang naman na plastikโ€ฆโ€

Ngunit kapag pinagsama-sama, nagiging sanhi ito ng matinding polusyon sa ating mga ilog, estero, at karagatan. Ang bawat plastik na basta itinapon ay may malaking epekto sa kalikasan, kalusugan, at kinabukasan ng susunod na henerasyon.

Maging responsable sa paggamit at pagtatapon ng plastik. Ugaliin ang tamang segregasyon, pagre-recycle, at paggamit ng reusable na kagamitan upang mabawasan ang basura sa ating kapaligiran.

๐—ฃ๐˜‚๐—ป๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป: Harvest the power of nature to fuel your curiosity ๐Ÿคฏ๐Ÿƒ
13/07/2026

๐—ฃ๐˜‚๐—ป๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป: Harvest the power of nature to fuel your curiosity ๐Ÿคฏ๐Ÿƒ

Adresse

A. Mojica Street Poblacion 3, Ground Floor, New Municipal Building, Indang, Cavite
Democratic Republic Of The
4122

Tรฉlรฉphone

+639159336775

Site Web

Notifications

Soyez le premier ร  savoir et laissez-nous vous envoyer un courriel lorsque MENRO Indang publie des nouvelles et des promotions. Votre adresse e-mail ne sera pas utilisรฉe ร  d'autres fins, et vous pouvez vous dรฉsabonner ร  tout moment.

Contacter Lโ€™organisation

Envoyer un message ร  MENRO Indang:

Raccourcis

Partager