Lisa Ermita

Lisa Ermita The Official page of ๐— ๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ฅ ๐—Ÿ๐—œ๐—ฆ๐—” ๐—˜๐—ฅ๐— ๐—œ๐—ง๐—”-๐—”๐—•๐—”๐——

Sa ๐๐€๐†๐Ž๐๐† ๐๐€๐‹๐€๐˜๐€๐, UNA ang ๐Œ๐€๐Œ๐€๐Œ๐€๐˜๐€๐ โ™ฅ๏ธ๐Ÿซฐ๐Ÿ’™


๐Ÿ“ˆ

06/08/2026

#๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—ข๐—ž | AUGUST 07, 2026 (BIYERNES)

Alinsunod sa rekomendasyon ng MDRRMC, kanselado ang lahat ng face-to-face classes bukas, August 07, 2026, (Biyernes) Lahat ng Antas mula Pre-School hanggang College (pampubliko at pribado) sa Bayan ng Balayan bunsod ng habagat dulot ng Bagyong Maymay ayon sa forecast ng PAGASA.

Sa halip, ang mga paaralan ay inaatasang magpatupad ng Online/Modular Distance Learning.

Manatili po tayong ligtas at alerto. Ingat po mga kababayan!

#๐—•๐—”๐—š๐—ข๐—ก๐—š๐—•๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก โ™ฅ๏ธ๐Ÿซฐ๐Ÿ’™

๐Ÿ“ˆ

06/08/2026

Ngayong araw ay naging bahagi tayo ng Matatag na Batangas Award โ€“ Visionary Leadership Towards Sustainable & Resilient Local Government Units Assessment and Validation.

Hindi ito tungkol sa isang pagkilala, kundi isang pagkakataon upang maipakita ang mga sama-sama nating nagawa para sa Balayan. Bawat programa, proyekto, at serbisyong ating naipapatupad ay bunga ng pagtutulungan ng ating mga kawani, mga katuwang, at higit sa lahat, ng bawat Balayeรฑong patuloy na nagtitiwala at nakikiisa.

Habang ibinabahagi natin ang ating mga nagawa, lalo akong nagiging inspirado na pagbutihin pa ang ating paglilingkod. Marami pa tayong gustong marating, at naniniwala akong sa patuloy nating pagkakaisa, mas marami pa tayong magagawa para sa ating bayan.

Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng validation assessment na ito. Gayundin, sa mga department heads, mga kawani ng munisipyo at sa bawat isa sa inyong patuloy na sumusuporta sa ating hangarin para sa Balayan.

Mabuhay ang Matatag na Balayan at Matatag na Batangas.

#๐—•๐—”๐—š๐—ข๐—ก๐—š๐—•๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฌ๐—”๐—กโ™ฅ๏ธ๐Ÿซฐ๐Ÿ’™

Noong ika-21 ng Hulyo, naging pribilehiyo ko pong dumalo sa State of the Provincial Address (SOPA) ni Gov. Vilma Santos-...
04/08/2026

Noong ika-21 ng Hulyo, naging pribilehiyo ko pong dumalo sa State of the Provincial Address (SOPA) ni Gov. Vilma Santos-Recto na ginanap sa Batangas City Sports Complex. Isa itong pagkakataon upang mapakinggan ang mga nagawa ng Pamahalaang Panlalawigan at ang mga layuning magbibigay ng mas magandang kinabukasan para sa buong lalawigan ng Batangas.

Bilang Punong Bayan ng Balayan, naniniwala po ako na ang tunay na pag-unlad ay bunga ng pagkakaisa, maayos na pamamahala, at sama-samang pagtutulungan ng bawat pamahalaan. Ang bawat plano at programang inilalatag ay nagsisilbing inspirasyon upang lalo pa nating pagbutihin ang ating paglilingkod at patuloy na makapaghatid ng mga serbisyong may tunay na malasakit sa ating mga kababayan.

Patuloy po nating palalakasin ang ating pakikipag-ugnayan sa Pamahalaang Panlalawigan upang mas marami pang pagkakataon at programa ang maihatid sa ating bayan. Sa sama-sama nating pagkilos, naniniwala akong mas marami pa tayong magagawa para sa Balayan at para sa isang matatag na Batangas.

04/08/2026

Bilang inyong Punong Bayan, hinihiling ko po ang inyong pakikiisa sa ๐‹๐ข๐ ๐ญ๐š๐ฌ ๐“๐ข๐ ๐๐š๐ฌ: ๐Œ๐ž๐š๐ฌ๐ฅ๐ž๐ฌ-๐‘๐ฎ๐›๐ž๐ฅ๐ฅ๐š ๐’๐ฎ๐ฉ๐ฉ๐ฅ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ฅ ๐ˆ๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐ณ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐€๐œ๐ญ๐ข๐ฏ๐ข๐ญ๐ฒ (๐Œ๐‘ ๐’๐ˆ๐€) ng ating Rural Health Unit mula mula ๐ข๐ค๐š-10 ๐ก๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ง๐  28 ๐ง๐  ๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ, 2026.

Bilang isang magulang at lingkod-bayan, alam ko pong walang katumbas ang kaligtasan at kalusugan ng ating mga anak. Kaya sama-sama po nating tiyakin na bawat batang Balayeรฑo ay may pagkakataong maging ligtas laban sa tigdas at rubella.

Ang simpleng pagpapabakuna ngayon ay malaking hakbang para sa kanilang mas malusog at mas maliwanag na kinabukasan.

Mahalaga ang bawat batang Balayeรฑo. Sama-sama natin silang pangalagaan.

#๐—•๐—”๐—š๐—ข๐—ก๐—š๐—•๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฌ๐—”๐—กโ™ฅ๏ธ๐Ÿซฐ๐Ÿ’™

It is with deep sorrow that the Ermita family announces the passing of our beloved matriarch, Mrs. Elvira R. Ermita. She...
28/07/2026

It is with deep sorrow that the Ermita family announces the passing of our beloved matriarch, Mrs. Elvira R. Ermita.

She passed away peacefully today, July 28, 2026, at the age of 89, surrounded by the family she cherished more than anything.

She was the loving wife of the late General Eduardo Ermita and was the heart of our home, the one who held our family together with her warmth, her prayers, and her unwavering love.

Our Mother was a woman of quiet strength and gentle grace. She taught us what it truly means to love unconditionally, to serve selflessly, and to face life's challenges with faith and courage.

Her laughter filled our home, and her wisdom guided us through every storm.

She was everyone's favorite Lola to her 10 grandchildren and 5 great-grandchildren, always ready with a warm embrace and a kind word.

We love you, Mama. We know you are happy now up there with Papa in heaven! ๐Ÿค๐Ÿ•Š๏ธ

We invite our friends, colleagues, and the community to join us in celebrating her life:

Wake
July 28โ€“30, 2026
Heritage Memorial Park

Mass Schedule
July 28 - 6:30PM
July 29-30 - 7 PM

Interment
July 31, 2026
Heritage Memorial Park
Mass at 9 AM

Interment follows for immediate family only.

We respectfully ask for your prayers and continued support as we face this difficult time. Your love and kindness mean the world to us.

With gratitude and love,

The Ermita Family

๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ-๐Ÿญ๐Ÿญ๐Ÿฎ ๐—ป๐—ฎ ๐—”๐—ป๐—ถ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ฎ๐—ฟ๐˜†๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—œ๐—ด๐—น๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—ฎ ๐—ก๐—ถ ๐—–๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ผ! ๐Ÿค๐Ÿ‡ฎ๐Ÿ‡นAng inyo pong lingkod at ang Lokal na Pamahalaan...
27/07/2026

๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ-๐Ÿญ๐Ÿญ๐Ÿฎ ๐—ป๐—ฎ ๐—”๐—ป๐—ถ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ฎ๐—ฟ๐˜†๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—œ๐—ด๐—น๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—ฎ ๐—ก๐—ถ ๐—–๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ผ! ๐Ÿค๐Ÿ‡ฎ๐Ÿ‡น

Ang inyo pong lingkod at ang Lokal na Pamahalaan ng Balayan ay taos-pusong nakikiisa at bumabati sa ating mga kapatid sa Iglesia Ni Cristo sa pagdiriwang ng inyong ika-112 na taong pagkakatatag.

Sa loob ng mahigit isang siglo, nanatili po kayong matatag sa inyong pananampalataya at naging huwarang halimbawa ng pagkakaisa, disiplina, at pagmamahal sa kapwa.

Ang inyong kontribusyon sa pagpapalaganap ng mabuting asal at pagpapahalaga sa bayan ay isang malaking bahagi ng ating bayan.

Nawaโ€™y patuloy kayong pagpalain ng Ama at gabayan sa inyong mga gawain at adhikain.

Sa inyong anibersaryo, ipinagdiriwang namin ang inyong dedikasyon at patuloy na pakikiisa sa pag-unlad ng ating komunidad.

Mabuhay ang Iglesia Ni Cristo! ๐Ÿ‡ฎ๐Ÿ‡น๐Ÿ™

Sa nagdaang tuloy-tuloy na pag-ulan, nais ko pong ipaabot ang aking taos-pusong pasasalamat sa lahat ng ating mga kawani...
14/07/2026

Sa nagdaang tuloy-tuloy na pag-ulan, nais ko pong ipaabot ang aking taos-pusong pasasalamat sa lahat ng ating mga kawani at katuwang na agad na kumilos upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga kababayan.

Sa ating Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), maraming salamat sa inyong pag-antabay upang matiyak ang kalagayan at kaligtasan ng ating mga mamamayan, lalo na sa mga baybaying barangay, at sa inyong maagap na pagbibigay ng kaukulang tulong at aksyon.

Maraming salamat din sa ating Municipal Engineering Office, General Services Office (GSO), mga utility personnel, at mga watchmen na agad na tumugon sa mga kailangang ayusin sa loob ng ating munisipyo upang manatiling ligtas ang ating mga kawani at ang mga mamamayang nagtutungo rito.

Sa loob ng ilang araw na malalakas ang naging pagbuhos ng ulan, nakita po natin ang mga pinsalang idinulot nito sa loob ng ating Balayan Government Center, kabilang ang mga tumutulong bahagi ng gusali at iba pang lugar na nangangailangan ng agarang pagkukumpuni. Nais kong tiyakin sa ating mga kawani at sa bawat mamamayang nagtutungo sa ating munisipyo na kaunting panahon na lamang po ang inyong ipagtitiis. Patuloy nating isinusulong ang mga kinakailangang pagsasaayos upang magkaroon tayo ng isang mas matibay, mas ligtas, at maayos na gusaliโ€”isang Balayan Government Center na hindi na tutulo tuwing tag-ulan at hindi lamang maganda sa panlabas, kundi tunay na de-kalidad at maaasahan sa mahabang panahon.

Muli, taos-puso akong nagpapasalamat sa ating MDRRMO, MSWDO, Municipal Engineering Office, General Services Office (GSO), mga utility personnel, mga watchmen, at sa lahat ng ating mga katuwang na ahensya at kawani. Ang inyong dedikasyon, malasakit, at mabilis na pagtugon ay malaking tulong sa pagpapanatiling ligtas ng ating mga kababayan.

Kaunting tiis na lamang po. Alam ko pong matagal na itong hinahangad ng marami, at ginagawa natin ang lahat upang maisakatuparan ito. Hindi tayo titigil hangga't hindi natin naibibigay sa ating mga kawani at sa bawat Balayeรฑong nagtutungo sa munisipyo ang isang Balayan Government Center na tunay na ligtas, matibay, maayos, at karapat-dapat sa ating bayan. Ito ang ating layunin, at ito ang ating sama-samang pagsisikapang makamit.

Happy 91st Birthday in Heaven, Papa. ๐Ÿ•Š๏ธ๐ŸคIto ang unang kaarawan mo na wala ka sa tabi namin, pero walang araw na hindi ka...
13/07/2026

Happy 91st Birthday in Heaven, Papa. ๐Ÿ•Š๏ธ๐Ÿค

Ito ang unang kaarawan mo na wala ka sa tabi namin, pero walang araw na hindi ka namin naiisip.

Ngayong araw, nag-alay kami ng misa at dinalaw ka sa Libingan ng mga Bayani. Doon, muling sumariwa sa amin ang iyong mga aral, sakripisyo, at ang walang kapantay mong pagmamahal sa ating pamilya at sa bayan.

Miss na miss ka namin, Papa. Ang iyong pamana ng integridad at paglilingkod ang magsisilbing gabay at inspirasyon sa aming buhay.

Mahal na mahal ka namin. ๐Ÿค๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

13/07/2026

๐๐€๐๐€๐“๐ˆ๐ƒ ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž

๐€๐ฅ๐ข๐ง๐ฌ๐ฎ๐ง๐จ๐ ๐ฌ๐š ๐„๐ฑ๐ž๐œ๐ฎ๐ญ๐ข๐ฏ๐ž ๐Ž๐ซ๐๐ž๐ซ ๐๐จ. 25, ๐’๐ž๐ซ๐ข๐ž๐ฌ ๐จ๐Ÿ 2026, ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ฉ๐š๐›๐š๐ญ๐ข๐ ๐ง๐š ๐ฌ๐ข๐ง๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฌ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ž ๐š๐ง๐  ๐ญ๐ซ๐š๐›๐š๐ก๐จ ๐ฌ๐š ๐ฅ๐š๐ก๐š๐ญ ๐ง๐  ๐ญ๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ฉ๐š๐ง ๐ง๐  ๐Œ๐ฎ๐ง๐ข๐ฌ๐ข๐ฉ๐ฒ๐จ ๐›๐ฎ๐ค๐š๐ฌ, ๐š๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ซ๐ญ๐ž๐ฌ, ๐ข๐ค๐š-14 ๐ง๐  ๐‡๐ฎ๐ฅ๐ฒ๐จ, ๐›๐ฎ๐ง๐ฌ๐จ๐ ๐ง๐  ๐ง๐š๐ค๐š๐ญ๐š๐ค๐๐š๐ง๐  ๐ฉ๐จ๐ฐ๐ž๐ซ ๐ข๐ง๐ญ๐ž๐ซ๐ซ๐ฎ๐ฉ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐›๐š๐ฒ๐š๐ง.

Bilang kapalit, ang regular na araw ng trabaho ng mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Balayan ay ililipat sa Biyernes, ๐ข๐ค๐š-17 ๐ง๐  ๐‡๐ฎ๐ฅ๐ฒ๐จ.

Samantala, ang suspensyon ng klase sa mga pampubliko at pribadong paaralan ay ipauubaya sa pagpapasya ng kani-kanilang school heads, alinsunod sa kanilang magiging sitwasyon.

Inaanyayahan ang lahat na manatiling nakaantabay sa mga opisyal na anunsyo ng Pamahalaang Bayan ng Balayan.

Maraming salamat sa inyong pakikiisa.

Address

Batangas
Balayan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Lisa Ermita posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category