Mayor Nas Ona

Directions Website

Mayor Nas Ona Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Mayor Nas Ona, Government Official, Calaca City Hall, Calaca.

22/10/2026

TRABAHO SA CALACA, OPORTUNIDAD PARA SA CALACAZEN! 🫑

Inilalapit ng JOB FAIR 2026, sa pangunguna ng CALACA PESO Office, ang mga oportunidad sa trabaho mula sa mga kumpanyang narito mismo sa Calaca, na nagbibigay-prayoridad sa mga Calacazen!

Bahagi ng Feria Octubre de Rafael, layunin ng job fair na pagtagpuin ang husay ng ating mamamayan at pangangailangan ng mga lokal na kumpanya. Dahil sa bawat trabahong nabubuksan, may pangarap na umuusad at pamilyang nabibigyan ng mas magandang bukas. Maraming salamat sa lahat ng sumaling employers sa aktibidad na ito!

Sa pag-unlad ng Calaca, kasama lagi ang Calacazen!


22/10/2026

MAY BALAHIBO, PAKPAK, O KALISKIS MAN, LAHAT MAY LUGAR DITO! 🐎🐾🦜🦎

Mga kapwa ko Calacazen, iba-iba man ang ating alaga, iisa ang nagbubuklod sa atin, ang pagmamahal at malasakit sa kanila! 🧑

Sa kauna-unahang PET EXPO ng Calaca City, tampok ang makulay at kamangha-manghang mundo ng iba’t ibang hayop mula sa mga pamilyar nating kasama sa tahanan hanggang sa mga exotic pet na may kakaibang ganda at katangian.

Bahagi pa din ng Feria Octubre de Rafael, isang pagkakataon ito para mas makilala sila, matuto sa mga kapwa tagapag-alaga, at maunawaan ang tamang pangangalagang kailangan ng bawat uri ng hayop.

Anuman ang ating alaga, TAMA ANG GAWA kapag may kaalaman, malasakit, at responsibilidad!

21/10/2026

BIDA ANG INDUSTRIYA: TUNOG, TAWA, AT TALENTO DITO SA CALACA CITY!

Hindi lang sipag at galing sa trabaho ang bida sa ating mga industriya, pati talento sa pagkanta, todo-bigay! πŸŽ€πŸ˜„

Tampok sa Feria Octubre de Rafael ang Bida ang Industriya Singing Contest, isang masayang kantahan na nagbigay ng aliw, tawanan, at pagkakataong ipamalas ang talento ng ating mga kalahok mula sa iba’t ibang industriya dito sa ating lungsod.

Congratulations sa mga nanalo!

WINNERS:
𝐆𝐑𝐀𝐍𝐃 π‚π‡π€πŒππˆπŽπ
Vincent Maullon Humarang
SEM – Calaca Power Corporation / Southwest Luzon Power Generation

πŸπ’π“ 𝐑𝐔𝐍𝐍𝐄𝐑-𝐔𝐏
Mark Dharell G. Zara
BATELEC 1

πŸππƒ 𝐑𝐔𝐍𝐍𝐄𝐑-𝐔𝐏
Kristine Ruby Candilada
SLTEC

Dahil sa Calaca, hindi lang industriya ang umaangat, giving din pati talento at samahan ng ating mga Calacazens!

21/10/2026

KUNG ANG BOT AY KAYANG MANLOKO, ANG CALACAZEN, HINDI BASTA MALOLOKO! 🧠

Mukhang totoo? Parang gawa ng tao?

Talino, diskarte, at mapanuring pag-iisip ang ipinamalas ng mga estudyante ng Calaca City Global College sa BOT OR NOT, bahagi ng pagdiriwang ng Feria Octubre de San Rafael 2026! πŸŽ‰

At ang mga nagwagi sa hamon ng pagkilatis…

πŸ₯‡ 1ST PLACE β€” BS ENTREPRENEURSHIP
β€’ Angelyn Mendoza
β€’ May Angel Bruce
β€’ Kassandra Pelone

πŸ₯ˆ 2ND PLACE β€” BS IN COMPUTER SCIENCE
β€’ Aldrin G. Alamag
β€’ Errol Justine D. Mendoza
β€’ Maezel Anne P. Marquez

πŸ₯‰ 3RD PLACE β€” BS IN COMPUTER SCIENCE
β€’ Esperanza R. Alvarez
β€’ Camille D. Villalobos
β€’ Angeline E. Castor

Pagbati sa ating winners at sa lahat ng sumabak! Sa bawat tanong at sagot, isang mahalagang paalala ang baon natin: hindi lahat ng kapani-paniwala ay dapat paniwalaan agad.

Sa mundong kayang gumawa ng AI, kayang-kaya rin nating magsuri!

BOT OR NOT? FAKE OR REAL? Bago ka mag-WOW, siguraduhing hindi ka nauto! πŸ‘€Mukhang totoo? Boses na pamilyar? Balitang vira...
19/10/2026

BOT OR NOT? FAKE OR REAL? Bago ka mag-WOW, siguraduhing hindi ka nauto! πŸ‘€

Mukhang totoo? Boses na pamilyar? Balitang viral?πŸ“± Hindi lahat ng nasa feed mo, dapat paniwalaan at i-share mo!

Bilang bahagi ng Feria Octubre de Rafael, makikilahok ang mga estudyante ng Calaca City Global College (CCGC) sa BOT OR NOT, isang hamon sa talas ng isip at husay sa pagkilatis ng impormasyon! πŸ”πŸ§ 

Kilalanin ang mga panlilinlang gamit ang mga TROLLS o BOTS, o kaya naman AI, tuklasin ang mga taktika ng fake news, at hasain ang fact-checking skills para maging responsable sa bawat click, comment, at share.

Sa feria, bida ang saya. Sa social media, bida ang may alam! πŸ’ͺ

SIMPLENG SAYA, MAKULAY NA KULTURA! πŸŽ‰ FERIA OCTUBRE DE RAFAEL 2026!Mga Calacazen, simula na ng ating selebrasyon ng Feria...
19/10/2026

SIMPLENG SAYA, MAKULAY NA KULTURA! πŸŽ‰ FERIA OCTUBRE DE RAFAEL 2026!
Mga Calacazen, simula na ng ating selebrasyon ng Feria Octubre de Rafael! Halina't ipagdiwang natin ang mga tradisyong kinalakhan, talentong sariling atin, at kulturang Calaca na siyang ipinagmamalaki.

Simple man ang ating pagdiriwang, sagana naman sa ngiti, pagkakaisa, at pasasalamat sa ating patron, San Rafael Arkanghel. Maraming nakahandang pagpapasalamat at pagdiriwang ang naghihintay ngayong linggo!

Kasabay ng pagbubukas ng ating Feria, naglaan din tayo ng β‚±1.8 milyong suporta para sa ating mga kooperatiba at Calaca City Cooperative Development Council. Kabilang dito ang β‚±700,000 na dagdag-puhunan para sa pitong kooperatiba, β‚±1 milyon para sa generator set at water pumps ng community water supply project ng SRAP-MPC, at β‚±100,000 para sa mga pagsasanay at programa ng Konseho.

Sa ating mga kooperatiba, salamat sa pagiging katuwang sa kabuhayan at serbisyo para sa mga Calacazen. Mas masaya ang pista kapag kasama sa pagdiriwang ang pagkakataong umasenso ang bawat pamilya!

Tara na, makisaya at makiisa! Buhayin natin ang tradisyon at ipasa sa susunod na henerasyon ang pagmamahal sa ating lungsod.

Maligayang Feria Octubre de Rafael! Viva San Rafael! πŸ™πŸŽŠ


See less
Shared post

Happy birthday to our greatest blessing, Faye! No matter where life takes you, you will always have our hearts and endle...
15/10/2026

Happy birthday to our greatest blessing, Faye! No matter where life takes you, you will always have our hearts and endless love. May happiness and love always surround you! ❀️❀️❀️

Address

Calaca City Hall
Calaca
4212

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mayor Nas Ona posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share