Camiling Public Market

Call Directions Contact the organization

Camiling Public Market Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Camiling Public Market, Public & Government Service, Brgy. Poblacion H Quezon Avenue, Camiling.

TAMANG TIMBANG, PROTEKTADONG MAMIMILIBilang bahagi ng Consumer Welfare Month 2026, patuloy ang mas pinaigting na pag-che...
08/10/2026

TAMANG TIMBANG, PROTEKTADONG MAMIMILI

Bilang bahagi ng Consumer Welfare Month 2026, patuloy ang mas pinaigting na pag-check ng mga timbangan sa Camiling Public Market.

Mahalagang malaman ng ating mga mamimili na ang pag-check ng timbangan ay regular na gawain ng aming Opisina. Isinasagawa ito linggu-linggo at sa ibaโ€™t ibang araw, hindi lamang tuwing Consumer Welfare Month.

GAMITIN ANG TIMBANGAN NG BAYAN!

Maaari ninyong gamitin ang Timbangan ng Bayan upang masuri ang timbang ng inyong mga binili. Ito ay regular na kinakalibrate upang matiyak na tama ang sukat nito.

MAY REKLAMO O NAPANSING PROBLEMA?

Kung may concern kayo tungkol sa timbang, presyo, o inyong naging transaksyon, ipagbigay-alam agad sa amin.

๐Ÿ“ข PAANO MAGREKLAMO?

1๏ธโƒฃ Tumungo sa Information Desk sa gilid ng hagdanan sa East Meshwire Section, malapit sa mga nagbebenta ng prutas.

2๏ธโƒฃ Maaari ring hanapin ang mga Guard on Duty at sabihin sa kanila ang inyong concern.

3๏ธโƒฃ Ibigay ang mga detalye tulad ng petsa, oras, puwesto, produkto, at nangyari. Kung mayroon, maaari ring magpakita ng larawan o video.

4๏ธโƒฃ Maaari rin kayong mag-message sa ating page para sa inyong reklamo o katanungan.

Huwag mag-atubiling magsabi. Ang tamang timbang ay karapatan ng bawat mamimili, at ang bawat reklamo ay makakatulong sa pagpapanatili ng patas na transaksyon sa ating pamilihan.

Tamang Timbang. Tamang Sukat. Protektadong Mamimili.

PAMPUBLIKONG ANUNSYOMagandang araw, mga minamahal naming manininda at mamimili!Ipinapaalam po na ang Camiling Public Mar...
08/10/2026

PAMPUBLIKONG ANUNSYO

Magandang araw, mga minamahal naming manininda at mamimili!

Ipinapaalam po na ang Camiling Public Market ay pansamantalang isasara ng kalahating araw (half-day) sa Sabado, Oktubre 10, 2026, simula alas-12:00 ng tanghali, upang bigyang-daan ang paglilinis at pagsasaayos ng ating Pamilihang Bayan.

Layunin nito na mapanatili ang kalinisan, kaayusan at kaginhawaan para sa ating mga manininda at mamimili.

Ang regular na whole-day operation ay muling magpapatuloy sa Linggo, Oktubre 11, 2026.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at patuloy na pakikiisa.

Mula sa Pamunuan ng Pamilihang Bayan ng Camiling,

PAMPAUBLIKONG ANUNSYO | HALF-DAY SA IKA-2 AT IKA-4 NA SABADOAlinsunod sa kahilingan ng Camiling Tarlac Market Vendors As...
05/10/2026

PAMPAUBLIKONG ANUNSYO | HALF-DAY SA IKA-2 AT IKA-4 NA SABADO

Alinsunod sa kahilingan ng Camiling Tarlac Market Vendors Association (CTMVA), magkakaroon ng kalahating araw lamang na operasyon ang Camiling Public Market tuwing ika-2 at ika-4 na Sabado ng bawat buwan.

Para sa buwan ng Oktubre 2026, ang nakatakdang araw ay:

๐Ÿ“… Sabado, Oktubre 10
๐Ÿ“… Sabado, Oktubre 24
๐Ÿ•› Hanggang 12:00 ng tanghali lamang ang operasyon.

Muling magbubukas at magpapatuloy ang regular na operasyon ng palengke kinabukasan, Linggo.

Layunin nito na mabigyan ng pagkakataon ang ating mga market vendor na makapagpahinga at asikasuhin ang kanilang personal at pampamilyang pangangailangan, gayundin ang mga kinakailangang paglilinis at pagsasaayos ng palengke.

๐Ÿ“Œ Para sa mga susunod na buwan, maglalabas ng panibagong abiso ang Camiling Public Market para sa mga nakatakdang araw ng kalahating araw na operasyon.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

BAGONG PUWESTO, BAGONG PAGKAKATAON!Ngayong Setyembre 28, 2026, isinagawa ang adjudication ng 15 bakanteng puwesto sa Mes...
28/09/2026

BAGONG PUWESTO, BAGONG PAGKAKATAON!

Ngayong Setyembre 28, 2026, isinagawa ang adjudication ng 15 bakanteng puwesto sa Meshwire Sections ng Camiling Public Market sa Liga ng mga Barangay Office.

Sa pamamagitan ng palabunutan, maayos at patas na nailaan ang mga puwesto sa ating mga aplikante.

Pinangunahan ito ng Market Committee, kasama sina Hon. Joyce B. Agustin, Municipal Mayor at Committee Chairperson; Hon. Edward Quintos, Municipal Councilor at Chairman on Public Market and Slaughterhouse; Ms. Tonilyn Lagrada, Municipal Treasurer; Ms. Maribel Arteche, Chairperson at Representative ng CTMVAI; at ang Office of the Camiling Public Market.

Binabati natin ang ating mga bagong stallholder! Sana ay maging magandang simula ang inyong bagong puwesto para sa inyong negosyo at kabuhayan.

Para sa mga interesado sa available na puwesto sa Camiling Public Market at Camiling Food Park, magtungo lamang sa aming Tanggapan sa 2nd Floor, East Baratillo, Camiling Public Market, malapit sa Del Pilar Street para magtanong tungkol sa available na puwesto at proseso ng pag-aapply.

Maraming salamat at maligayang pagdating sa ating mga bagong vendor!

WEEKLY GENERAL CLEANING SA CAMILING PUBLIC MARKETNgayong Setyembre 26, 2026, isinagawa ang Weekly General Cleaning sa pa...
26/09/2026

WEEKLY GENERAL CLEANING SA CAMILING PUBLIC MARKET

Ngayong Setyembre 26, 2026, isinagawa ang Weekly General Cleaning sa pangunguna ng Office of the Camiling Public Market, katuwang ang Camiling Tarlac Market Vendors Association (CTMVA) sa pamumuno nina G. Charlie M. Perez, President, at Mr. Kalic Badio, Vice President.

Kasama rin sa pagkilos ang mga Section Chairpersons na sina Ms. Virgie Mangabay, Ms. Virginia Asuncion, Ms. Tita Ballesteros, Ms. Tantua Linog, Ms. Estela Cariaga, at Ms. Rosanna Rosal, kasama ang kanilang mga kinatawan.

Ngayong linggo, nakatuon ang paglilinis sa drainage ng Wet Section upang mapanatiling maayos ang daluyan ng tubig, mas maging presko ang paligid, at makatulong sa pagpapanatili ng malinis at maaliwalas na Pamilihan.

Ang ganitong regular na paglilinis ay bahagi ng patuloy na pagpapanatili ng kalinisan, kaayusan, at kaligtasan ng ating Pamilihan para sa mga vendor, mamimili, at buong komunidad.

Gayundin, namahagi ng libreng palugaw ang Kusina ni Ate Joyce para sa mga tumulong sa paglilinis, mga vendor, at ating mga kailian.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at tumulong ngayong araw!

Sama-sama nating alagaan ang ating Pamilihang Bayan para sa mas malinis at mas maayos na palengke.

KALINISAN, ARAW-ARAW AT TULOY-TULOY!Bilang bahagi ng regular na operasyon ng Camiling Public Market, isinasagawa ang:DAI...
23/09/2026

KALINISAN, ARAW-ARAW AT TULOY-TULOY!

Bilang bahagi ng regular na operasyon ng Camiling Public Market, isinasagawa ang:

DAILY CLEANING โ€“ regular na paglilinis sa mga common areas, pathways, paligid ng mga stalls, at iba pang bahagi ng pamilihan.

WEEKLY GENERAL CLEANING โ€“ mas malawakang paglilinis sa buong market premises, kabilang ang mga common areas at iba pang bahagi na nangangailangan ng masinsinang paglilinis.

๐Ÿ“Œ Sa Sabado, Setyembre 26, 2026, isasagawa ang WHOLE-OF-MARKET GENERAL CLEANING ACTIVITY kasama ang Market Vendors Association at iba pang Civil Society Organizations (CSOs).

PAALALA: BUKAS PA RIN ANG CAMILING PUBLIC MARKET SA BUONG ARAW NG SABADO, SETYEMBRE 26, 2026. MAGPAPATULOY ANG REGULAR NA OPERASYON HABANG ISINASAGAWA ANG CLEANING ACTIVITY.

Makikiisa tayo sa pagpapanatili ng kalinisan. Panatilihing malinis ang sariling puwesto, itapon ang basura sa tamang lugar, at makipagtulungan sa mga cleaning activities.

Sama-sama para sa MALINIS, MAAYOS, AT LIGTAS na Camiling Public Market!

MULA SA PAMUNUAN NG PAMILIHANG BAYAN NG CAMILING

FYI!
29/06/2026

FYI!

๐‚๐š๐ฅ๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐€๐ฅ๐ฅ ๐„๐ง๐ญ๐ซ๐ž๐ฉ๐ซ๐ž๐ง๐ž๐ฎ๐ซ๐ฌ, ๐Œ๐’๐Œ๐„๐ฌ, ๐’๐ญ๐š๐ซ๐ญ๐ฎ๐ฉ๐ฌ, ๐‚๐จ๐จ๐ฉ๐ž๐ซ๐š๐ญ๐ข๐ฏ๐ž๐ฌ & ๐€๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐ข๐ง๐  ๐๐ฎ๐ฌ๐ข๐ง๐ž๐ฌ๐ฌ ๐Ž๐ฐ๐ง๐ž๐ซ๐ฌ!

Be part of the ๐Ÿ’๐ญ๐ก ๐“๐€๐‘๐‹๐€๐‚ ๐๐”๐’๐ˆ๐๐„๐’๐’ ๐‚๐Ž๐๐…๐„๐‘๐„๐๐‚๐„ & ๐„๐—๐๐Ž (๐๐ˆ๐™๐‚๐Ž๐๐„๐— ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”)

๐Ÿ“… ๐‰๐ฎ๐ฅ๐ฒ ๐Ÿ๐Ÿ“โ€“๐Ÿ๐Ÿ”, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ6
๐Ÿ“ ๐“๐š๐ซ๐ฅ๐š๐œ ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ ๐‚๐จ๐ง๐ฏ๐ž๐ง๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐‡๐š๐ฅ๐ฅ
๐ŸŽŸ๏ธ ๐…๐‘๐„๐„ ๐„๐๐“๐‘๐€๐๐‚๐„!

Discover exciting opportunities to:
โœ… Connect with industry leaders and fellow entrepreneurs
โœ… Learn from inspiring business experts
โœ… Explore innovative products and services
โœ… Build valuable partnerships and grow your network
โœ… Support and celebrate local businesses

Whether you're starting your entrepreneurial journey or expanding your business, BizConEx 2026 is the place to be!

This event is proudly organized by the ๐“๐š๐ซ๐ฅ๐š๐œ ๐Œ๐ข๐œ๐ซ๐จ, ๐’๐ฆ๐š๐ฅ๐ฅ, ๐š๐ง๐ ๐Œ๐ž๐๐ข๐ฎ๐ฆ ๐„๐ง๐ญ๐ž๐ซ๐ฉ๐ซ๐ข๐ฌ๐ž ๐ƒ๐ž๐ฏ๐ž๐ฅ๐จ๐ฉ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐‚๐จ๐ฎ๐ง๐œ๐ข๐ฅ in its continuing commitment to empower local enterprises and strengthen the province's business community.

Mark your calendars and invite your colleagues, friends, and fellow entrepreneurs!

๐ˆ๐ง๐ญ๐ž๐ซ๐ž๐ฌ๐ญ๐ž๐ ๐ข๐ง ๐›๐ž๐œ๐จ๐ฆ๐ข๐ง๐  ๐š๐ง ๐ž๐ฑ๐ก๐ข๐›๐ข๐ญ๐จ๐ซ? Showcase your products and services to potential customers, partners, and investors during the expo. For inquiries and booth packages, please send a message to the PCCI Tarlac page or contact 0918 909 7918.

See you at Tarlac Business Conference & Expo 2026 โ€“ 4th Edition!

PAMPUBLIKONG ANUNSYO PARA SA MANININDA AT MAMIMILIANG PAMILIHANG BAYAN AY PANSAMANTALANG ISASARA NG BUONG ARAW SA SABADO...
19/05/2026

PAMPUBLIKONG ANUNSYO PARA SA MANININDA AT MAMIMILI

ANG PAMILIHANG BAYAN AY PANSAMANTALANG ISASARA NG BUONG ARAW SA SABADO, MAY 30, 2026, UPANG BIGYANG-DAAN ANG MASUSING PAGLILINIS AT PAGSASAAYOS.

Layunin nitong mapabuti ang kalinisan at kaayusan ng ating Pamilihan para sa kaginhawaan ng ating manininda at mamimili.

MULA NAMAN SA JUNE 06, 2026, MULING BABALIK ANG BUONG ARAW (WHOLE DAY) NA SCHEDULE NG OPERASYON TUWING SABADO ALINSUNOD SA NAKASANAYAN.

Lubos po naming pinahahalagahan ang inyong pang-unawa at patuloy na suporta para sa ikabubuti ng ating Pamilihang Bayan. Maraming salamat.

MULA SA PAMUNUAN NG PAMILIHANG BAYAN NG CAMILING, TARLAC

Address

Brgy. Poblacion H Quezon Avenue
Camiling
2306

Telephone

+639702798092

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Camiling Public Market posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Camiling Public Market:

Shortcuts

Share