CALEM Elementary School

Directions

CALEM Elementary School Calem Elementary School
Calem, Guimba, Nueva Ecija

UNITED FOR A SAFE, CARING, AND RESILIENT SCHOOL COMMUNITY! "When we work together, every child has a safer place to lear...
24/09/2026

UNITED FOR A SAFE, CARING, AND RESILIENT SCHOOL COMMUNITY!

"When we work together, every child has a safer place to learn, grow, and dream."

At Calem Elementary School, we believe that the safety, well-being, and success of every learner are strengthened when the entire community works as one. Through teamwork and shared responsibility, we build a child-friendly, inclusive, protective, and disaster-resilient learning environment where every child feels safe, respected, valued, and supported.

🤝 OUR COMMUNITY PARTNERS IN SAFETY

🏫 School Personnel
Teachers, School Head, and Non-Teaching Personnel working together for learner safety and protection

👨‍👩‍👧‍👦 Parents & Guardians
Active participation, guidance, and a strong home-school partnership

🏘️ Barangay Calem
Community support, child protection, and local safety initiatives

🏛️ LGU Guimba
Programs, resources, coordination, and assistance during emergencies

👮 PNP / Local Safety Partners
Support for peace and order, learner protection, anti-bullying, and drug prevention

🚒 BFP / Emergency Responders
Fire safety awareness, emergency preparedness, drills, and disaster response

🤝 Community Stakeholders & Volunteers
Partnerships, volunteerism, and programs that promote learner welfare and development

💚 OUR COMMITMENT TO EVERY LEARNER

✅ Protect every child from abuse, violence, and discrimination
✅ Promote a safe and bully-free learning environment
✅ Support learners' mental health and overall well-being
✅ Strengthen disaster preparedness and school resilience
✅ Uphold inclusive and child-friendly education
✅ Encourage respect, kindness, responsibility, and cooperation
✅ Build a caring community where every learner belongs

Together, we build a safe, respectful, and disaster-ready school community!

A truly safe school is not built by one person alone. It is created through the shared efforts of teachers, parents, learners, community leaders, responders, and stakeholders.

Let us continue to PROTECT. RESPECT. SUPPORT. EMPOWER.

Taos-pusong pasasalamat sa aming mga Brigada Heroes na patuloy na nagbibigay ng suporta at pag-asa sa mga mag-aaral ng C...
03/06/2026

Taos-pusong pasasalamat sa aming mga Brigada Heroes na patuloy na nagbibigay ng suporta at pag-asa sa mga mag-aaral ng Calem Elementary School. 🥰❣️

Lubos naming kinikilala at pinasasalamatan ang aming butihing Kapitan, Bernardo Gabriel kasama ang buong Barangay Officials, si Ma'am Violeta Baguistan Tabaquin, at ang GMA Kapuso Foundation sa kanilang kabutihang-loob at malasakit sa edukasyon.

Ang inyong mga biyaya at walang sawang suporta ay nagsisilbing inspirasyon upang higit pang mapabuti ang kinabukasan ng aming mga mag-aaral. Maraming salamat po sa pagiging katuwang namin sa paghubog ng mga pangarap at tagumpay ng kabataang Calem.




PAGPUPUGAY SA AMING MGA BRIGADA HEROES! ❣️ Lubos na nagpapasalamat ang Calem Elementary School sa pangunguna ng aming Pa...
01/06/2026

PAGPUPUGAY SA AMING MGA BRIGADA HEROES! ❣️

Lubos na nagpapasalamat ang Calem Elementary School sa pangunguna ng aming Pamunuan, kasama ang mga g**o, mag-aaral, at mga magulang, kina , Ma'am Concepcion Leyva Sadornas, Sir Geo Leyva at Ma'am Marie Zetham Laya Bernardo , at sa kanilang buong pamilya para sa kanilang patuloy at taun-taong pagbabahagi ng mga biyaya sa aming paaralan. Ang inyong patuloy na suporta ay hindi lamang mga kagamitan para sa pag-aaral, kundi mga biyayang naghahatid ng pag-asa, inspirasyon, at mga ngiting hindi matutumbasan sa puso ng aming mga mag-aaral at kanilang mga magulang. Sa bawat lapis, kuwaderno, at school supplies na inyong ipinagkakaloob, mas lalo ninyong pinapalakas ang pangarap ng bawat batang Calemian na makapag-aral at magtagumpay.
Kayo po ay tunay na larawan ng malasakit, pagkakaisa, at pagmamahal sa edukasyon. Ang inyong kabutihan ay nagsisilbing ilaw na gumagabay sa aming paaralan at nagbibigay ng inspirasyon sa marami upang magbahagi rin ng kanilang mga biyaya.

Maraming maraming salamat po sa pagiging bahagi ng aming misyon na makapaghatid ng dekalidad na edukasyon at mas maliwanag na kinabukasan para sa aming mga mag-aaral.

🌟 Mabuhay ang aming Brigada Heroes!
🌟 Ang inyong kabutihan ay mananatiling inspirasyon sa bawat batang Calemian.
🌟 Pagpalain pa po kayo nang higit pa sa inyong ibinabahagi.


!

📢🏫 BRIGADA ESKWELA 2026  CALEM ELEMENTARY SCHOOL 🏫 "Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman" Haba...
31/05/2026

📢🏫 BRIGADA ESKWELA 2026
CALEM ELEMENTARY SCHOOL 🏫

"Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman"

Habang papalapit ang pagbubukas ng panibagong taong panuruan, muli nating buhayin ang diwa ng bayanihan para sa ikagaganda at ikaliligtaas ng ating paaralan.

Ang Calem Elementary School ay taos-pusong nag-aanyaya sa lahat ng mga magulang, alumni, barangay officials, stakeholders, at mga kaibigan ng paaralan na makiisa sa Brigada Eskwela 2026.

Sa pamamagitan ng ating sama-samang pagkilos, maihahanda natin ang isang malinis, maayos, ligtas, at kaaya-ayang kapaligiran na magsisilbing pangalawang tahanan ng ating mga mag-aaral.

🤝 Maaari kang tumulong sa:
✅ Paglilinis ng paaralan
✅ Pagkukumpuni ng mga pasilidad
✅ Pagtatanim at pagpapaganda ng kapaligiran
✅ Pagbibigay ng oras, talento, materyales, at iba pang donasyon

Ang bawat oras na inyong ilalaan, bawat pawis na inyong ibubuhos, at bawat tulong na inyong ibibigay ay isang mahalagang ambag sa paghubog ng mas maliwanag na kinabukasan ng ating mga kabataan. Sapagkat ang isang maayos na paaralan ay bunga ng isang nagkakaisang komunidad.

Tara na! Sama-sama nating ipakita na ang diwa ng bayanihan ay buhay na buhay sa Calem Elementary School!

💚 Maging isa sa ating Brigada Heroes!
💛 Makibahagi. Magmalasakit. Magbigay ng Pag-asa.




Congratulations to Daryl G. Aquino for your impressive performance in the 100m dash, and to Dareen Paginag for securing ...
26/03/2026

Congratulations to Daryl G. Aquino for your impressive performance in the 100m dash, and to Dareen Paginag for securing a silver medal in high jump, alongside your dedicated efforts in long jump, triple jump, and 110m hurdles. Your hard work brings great pride to Calem Elementary School and our community.

2026
to Palarong Pambansa
Elementary School

📣 EARLY REGISTRATION, sinimulan na!Ngayong Enero 31, 2026, opisyal nang sinimulan ng Calem Elementary School ang Early R...
31/01/2026

📣 EARLY REGISTRATION, sinimulan na!

Ngayong Enero 31, 2026, opisyal nang sinimulan ng Calem Elementary School ang Early Registration kasama ang mga magulang, PTA officers, at mga opisyal ng Barangay.

Ang aktibidad na ito ay patunay ng aming matibay na pagtutulungan upang matiyak na bawat bata ay may pagkakataong makapag-enrol at makapagsimula ng isang makabuluhang paglalakbay sa edukasyon. Sama-sama nating binubuo ang mas maliwanag na kinabukasan ng ating mga mag-aaral, isang hakbang, isang bata, at isang paaralan sa bawat pagkakataon.🤝🏫📚


📢 EARLY REGISTRATION FOR SY 2026–2027📅 January 31 – February 27, 2026Bilang paghahanda sa pagbubukas ng School Year 2026...
26/01/2026

📢 EARLY REGISTRATION FOR SY 2026–2027
📅 January 31 – February 27, 2026

Bilang paghahanda sa pagbubukas ng School Year 2026–2027, ang Calem Elementary School ay magsasagawa ng Early Registration!

Inaanyayahan namin ang lahat ng magulang at guardian na iparehistro ang kanilang mga anak para sa nalalapit na pasukan.

✨ Kindergarten
Batang limang (5) taong gulang sa o bago mag October 31, 2025
(DepEd Order No. 15, s. 2025)
📄 Mga dokumento:
• PSA Birth Certificate (Photocopy) o
• Local Live Birth Certificate o
• Barangay Certification

✨ Grade One
Para sa mga magtatapos ng Kindergarten sa S.Y. 2025–2026
📄 Mga dokumento:
• Photocopy ng PSA/NSO Birth Certificate

✨ Balik-Aral at Transferees
📄 Mga dokumento:
• Photocopy ng PSA/NSO Birth Certificate
• School Report Card mula sa nakaraang paaralan

ℹ️ Para sa karagdagang impormasyon:
• Makipag-ugnayan sa mga g**o ng paaralan.
• Pumunta sa paaralan upang magsumite ng requirements at mag-fill out ng enrollment form.
• Maaari ring mag-iwan ng mensahe sa official page ng paaralan.

📌 Paalala:
Ang mga mag-aaral ng Grades 2–6 ay pre-registered na at hindi na kinakailangang mag-early registration.

“Makapag-aral ay Karapatan Mo, Magpalista Na!”

Lubos na nagpapasalamat ang pamunuan at buong komunidad ng Calem Elementary School sa ALL IS WELL FOUNDATION sa pangungu...
17/12/2025

Lubos na nagpapasalamat ang pamunuan at buong komunidad ng Calem Elementary School sa ALL IS WELL FOUNDATION sa pangunguna ni Ma'am Jesusa Lucas Lindow sa patuloy ninyong pagbabahagi ng mga regalo para sa aming mga mag-aaral. Ang bawat handog ninyo ay hindi lamang materyal na bagay kundi mensahe ng pag-asa, pagmamahal, at pagkalinga sa mga bata. Malaki ang naitutulong ng inyong malasakit sa paghubog ng tiwala at saya ng aming mga mag-aaral. Maraming salamat po sa pagiging tulay ng kabutihan at kaagapay ng aming paaralan. 💙🎁🎁❣️

Buong pusong nagpapasalamat ang pamunuan ng Calem Elementary School kina Punong Barangay Kapitan Bernardo Gabriel at sa ...
17/12/2025

Buong pusong nagpapasalamat ang pamunuan ng Calem Elementary School kina Punong Barangay Kapitan Bernardo Gabriel at sa kanyang butihing asawa na si Ma’am Imelda Gabriel sa kanilang bukal-sa-loob na pagbibigay ng mga pagkain para sa aming mga mag-aaral. Ang inyong kabutihan ay naghatid ng tuwa, lakas, at pag-asa sa bawat bata. Tunay po kayong huwaran ng malasakit at tunay na paglilingkod sa komunidad. Maraming salamat po sa patuloy ninyong suporta sa kapakanan at kinabukasan ng kabataang Calem. 💙🍽️❣️

Isang taos-pusong pasasalamat mula sa buong pamunuan ng Calem Elementary School sa pangunguna nila Ma’am Concepcion Leyv...
17/12/2025

Isang taos-pusong pasasalamat mula sa buong pamunuan ng Calem Elementary School sa pangunguna nila Ma’am Concepcion Leyva Sadornas, Ma'am Minette Leyva Sadornas, Sir Cielito Leyva Sadornas at Sir Rommel Leyva Sadornas sa kanilang patuloy na bukal-sa-loob na pagbibigay ng mga pagkain at munting regalo para sa aming mga mag-aaral. Ang inyong kabutihang-loob ay nagdulot ng ngiti, saya, at inspirasyon sa bawat bata. Tunay po kayong biyaya sa aming paaralan at patunay na buhay ang diwa ng bayanihan. Maraming salamat po sa inyong malasakit at walang sawang suporta sa edukasyon ng kabataan. 💙🎁📚

Address

Calem Guimba Nueva Ecija
Guimba
3115

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CALEM Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category