19/10/2026
𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐔𝐍𝐀𝐖𝐀 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐇𝐀𝐓 𝐍𝐆 𝐈𝐌𝐔𝐒𝐄𝐍̃𝐎
Dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng diesel bunsod ng sigalot sa Gitnang Silangan, pansamantalang maaapektuhan ang iskedyul ng pangongolekta ng basura sa Lungsod ng Imus. Mula sa halagang mahigit ₱58 kada litro noong panahon ng procurement, umabot na ito sa mahigit ₱100 kada litro, na may direktang epekto sa gastusin sa operasyon ng mga carbage collection truck ng kontratista.
Kaya bilang tugon sa kasalukuyang krisis sa presyo ng diesel at epekto nito sa gastusin sa operasyon, pansamantalang babaguhin ang iskedyul ng pangongolekta ng basura mula sa dalawang beses kada linggo tungo sa isang beses kada linggo hanggang sa susunod na abiso.
Kaugnay nito, hinihikayat ang bawat Imuseño na isagawa ang wastong paghihiwalay ng basura o waste segregation, pagre-recycle, at pagbabawas ng mga basurang itinatapon upang makatulong na mapanatili ang kalinisan ng mga tahanan at komunidad.
Paumanhin sa abalang dulot nito at nakikiusap sa inyong pang-unawa, disiplina, at patuloy na pakikiisa habang hinaharap ang hamong ito.
Abangan ang opisyal na anunsyo para sa panibagong iskedyul ng hakot ng basura.
Maraming salamat po!
𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐔𝐍𝐀𝐖𝐀 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐇𝐀𝐓 𝐍𝐆 𝐈𝐌𝐔𝐒𝐄𝐍̃𝐎
Dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng diesel bunsod ng sigalot sa Gitnang Silangan, pansamantalang maaapektuhan ang iskedyul ng pangongolekta ng basura sa Lungsod ng Imus. Mula sa halagang mahigit ₱58 kada litro noong panahon ng procurement, umabot na ito sa mahigit ₱100 kada litro, na may direktang epekto sa gastusin sa operasyon ng mga garbage collection truck ng kontratista.