Barangay Malagasang II-B

Call Directions Website Contact the organization

Barangay Malagasang II-B THE ONLY OFFICIAL PAGE OF BARANGAY MALAGASANG II-B.

MONDAY-FRIDAY / 8AM-5PM
SATURDAY- SUNDAY / CLOSED
HOLIDAY / CLOSED

TELEPHONE # 884-2427

📢 ABISO SA KOMUNIDADPagkuha ng Basura — Bawat HuwebesMahalagang paalala po sa lahat ng kabarangay:Ang pagkuha ng ating m...
14/11/2026

📢 ABISO SA KOMUNIDAD

Pagkuha ng Basura — Bawat Huwebes

Mahalagang paalala po sa lahat ng kabarangay:

Ang pagkuha ng ating mga basura ay tuwing Huwebes lamang. Pakilabas po ang inyong basura bago mag-alas sais ng umaga upang hindi mapag-iwanan.

Huwag kalimutang ihiwalay ang nabubulok sa di-nabubulok. Ang malinis na kapaligiran ay nagsisimula sa ating disiplina.

Maraming salamat po sa inyong pakikipagtulungan.


KAPASKUHAN SA MALAGASANG: TAHANAN NG PUSO AT PAGKAKAISA 🤍💚💙Sa bawat ilaw na nagbibigay-liwanag sa ating kalye, ay may da...
12/11/2026

KAPASKUHAN SA MALAGASANG: TAHANAN NG PUSO AT PAGKAKAISA 🤍💚💙

Sa bawat ilaw na nagbibigay-liwanag sa ating kalye, ay may dalang pag-asa at pagmamahalan. ✨

Ang Pasko ay hindi lamang tungkol sa palamuti at handaan — ito ay tungkol sa atin: magkakapitbahay, magkakapamilya, isang komunidad na magkakasama sa hirap at ginhawa.

Salamat sa inyong tiwala, pagtutulungan, at pagmamahal sa ating Barangay. Ang pinakamagandang regalo natin sa isa’t isa ay ang ating pagkakaisa.

Maligayang Kapaskuhan, aking mga kabarangay! Nawa’y mapuno ng ligaya, kapayapaan, at pagpapala ang bawat tahanan dito sa Malagasang II-B.

Ang inyong Pamunuan ng Barangay Malagasang II-B


Maligayang Kaarawan, Kagawad Erwin Balana! 🥳Nawa’y patuloy kang pagpalain ng Poong Maykapal ng kalakasan, karunungan, at...
12/11/2026

Maligayang Kaarawan, Kagawad Erwin Balana! 🥳

Nawa’y patuloy kang pagpalain ng Poong Maykapal ng kalakasan, karunungan, at inspirasyon sa iyong tapat na paglilingkod para sa Barangay Malagasang II-B!
⁣
Maraming salamat sa iyong may puso at malasakit, sipag, at dedikasyon sa paghubog ng mas maunlad na kinabukasan para sa mga bawat Malagueño.

Mabuhay ka, Kagawad Owen!


Hindi lamang mga litrato — ito ay kwento ng tapat na paglilingkod. Ang bawat larawan ay patunay ng walang pagod na pagtu...
11/11/2026

Hindi lamang mga litrato — ito ay kwento ng tapat na paglilingkod.

Ang bawat larawan ay patunay ng walang pagod na pagtupad sa pangako ni Punong Barangay Lenie kasama ang buong Konseho at kawani ng barangay. Mula sa maliliit na hakbang hanggang sa malalaking tagumpay — naramdaman ninyo ang bawat hinaing, at naging kasama ninyo sa bawat pag-unlad.

Tuloy-tuloy ang ating pag-usad, magkatuwang at nagkakaisa.

Para sa mas maunlad at masayang Malagasang II-B! 🇵🇭

Ramdam niyo na ba ang simoy ng papalapit na Kapaskuhan? 🎄Ramdam niyo rin ba ang pagmamahal at saya na dala ng papalapit ...
09/11/2026

Ramdam niyo na ba ang simoy ng papalapit na Kapaskuhan? 🎄

Ramdam niyo rin ba ang pagmamahal at saya na dala ng papalapit na panahon? Nandito lang kami, kasama ninyo sa pagbibilang ng mga araw, at laging handang magsilbi sa inyong lahat.

Habang unti-unting nagbabago ang paligid, ganito rin ang ating Opisina ng Barangay Malagasang II-B — muling binigyan ng buhay at kulay. Ang simpleng pagpipinta na ito ay higit pa sa pagpapaganda ng ating pader; ito ay ating paraan ng pagsasabi na handang-handa na tayong salubungin ang panahong ito nang may pag-asa at ngiti.

Sa likod ng bagong kulay ay ang parehong puso at dedikasyon — na ang bawat isa sa inyo ay palaging tinatanggap, pinakikinggan, at pinaglilingkuran. Ang ating opisina ay hindi lamang gusali; ito ay inyong tahanan din.

05/11/2026

𝗛𝗔𝗣𝗣𝗘𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗢𝗪 | The Office of Barangay Malagasang II-B conducts the 4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) today, November 5, 2026, in compliance with the directive of the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

PAGTATRIM NG MGA PUNO ✅ Isinasagawa na ang pagtatrim ng mga puno sa ating barangay. Taos-puso kaming nagpapasalamat sa C...
30/10/2026

PAGTATRIM NG MGA PUNO ✅

Isinasagawa na ang pagtatrim ng mga puno sa ating barangay. Taos-puso kaming nagpapasalamat sa City Engineering Team, lalo na kay Engr. Chris Sarno, at kay Mr. Ronel Comia ng para sa inyong agarang pagtugon at mahusay na pagkakagawa. Para sa mas ligtas at maayos na kapaligiran ng ating komunidad.

Maraming salamat po sa inyong pagtutulungan.

🕯️ UNDAS 2026 — PAALALA Oct 31 — SabadoNov 1 — Linggo | Araw ng mga SantoNov 2 — Lunes | Araw ng mga Kaluluwa Sarado ang...
30/10/2026

🕯️ UNDAS 2026 — PAALALA

Oct 31 — Sabado
Nov 1 — Linggo | Araw ng mga Santo
Nov 2 — Lunes | Araw ng mga Kaluluwa

Sarado ang ating tanggapan mula Nobyembre 1 hanggang Nobyembre 2. Magbabalik ang opisina sa Martes, Nobyembre 3, 2026.

Hinihikayat po ang lahat na mag-ingat sa paglalakbay at sa paggamit ng kandila at posporo sa mga sementeryo at tahanan. Panatilihing malinis at maayos ang ating paligid habang nagpupugay tayo sa ating mga mahal sa buhay.

Maligayang Undas at manatiling ligtas po tayong lahat.


MAHALAGANG PAALALA ❗⚡🔌 Barangay Malagasang II-B Power Interruption Advisory Ipinapaalam po sa lahat ng residente na magk...
29/10/2026

MAHALAGANG PAALALA ❗⚡🔌

Barangay Malagasang II-B Power Interruption Advisory

Ipinapaalam po sa lahat ng residente na magkakaroon ng pansamantalang pagkawala ng kuryente dahil sa line reconstruction works.

Petsa: October 29–30, 2026
Oras: 11:00 PM – 4:00 AM
Apektado: Ilang bahagi ng Malagasang II-B, kabilang ang mga kalye malapit sa reconstruction zone

Mga Paalala:
• I-charge ang mga cellphone, power bank, at emergency light nang maaga
• Mag-unplug ng mga sensitibong gamit bago ang outage
• Iwasang hawakan ang anumang nakalantad na kawad ng kuryente
• Sundan ang ating pahina para sa mga susunod na anunsyo

Salamat po sa inyong pag-unawa at pakikipagtulungan. Manatiling ligtas sa lahat.

Para sa mga residente ng Imus! 🚛 Narito ang bagong Garbage Collection Schedule simula ngayong Nobyembre 2, 2026. Alamin ...
27/10/2026

Para sa mga residente ng Imus! 🚛 Narito ang bagong Garbage Collection Schedule simula ngayong Nobyembre 2, 2026. Alamin ang araw ng koleksyon sa inyong barangay para sa mas malinis na komunidad.

Address

Mandarin Homes, Malagasang II-B
Imus
4103

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63468842427

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Malagasang II-B posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay Malagasang II-B:

Shortcuts

Share