21/06/2026
𝐇𝐀𝐏𝐏𝐘 𝐅𝐀𝐓𝐇𝐄𝐑'𝐒 𝐃𝐀𝐘 | JUNE 21 2026
Ang araw na ito ay hindi lamang isang pangkaraniwang araw, sapagkat ngayong araw ay ipinagdiriwang natin ang isang napakahalagang okasyon, ito ay ang araw ng ating mga magigiting na 𝑯𝒂𝒍𝒊𝒈𝒊 𝒏𝒈 𝑻𝒂𝒉𝒂𝒏𝒂𝒏.
Hindi maikakaila ang kanilang pagmamahal at sakripisyo. Sa bawat hamon ng buhay, sila ang ating nagiging sandigan at lakas. Madalas nilang isinasantabi ang kanilang sariling pangangailangan upang matugunan lamang ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya. Mas Inuuna nila ang ating mga kaligayahan bago ang kanila, at kanilang ginagawa ang lahat ng kanilang makakaya, upang matiyak na tayo ay 𝗟𝗶𝗴𝘁𝗮𝘀,𝗠𝗮𝘀𝗮𝘆𝗮, at may 𝗠𝗮𝗴𝗮𝗻𝗱𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗶𝗻𝗮𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻. 🌟👨👩👧👦
Sa likod ng kanilang mga matatamis na mga ngiti, ay nakatago rito ang mga pagod, pangamba, at bawat sakripisyong tahimik nilang pinapasan, para lamang maibigay sa atin ang pinakamagandang buhay na kaya nilang ialay para saatin. Sila ang mga bayaning hindi natin nakikitang nakasuot ng kapa, ngunit sila ang mga bayaning araw-araw na lumalaban para sa kanilang pamilya. 🦸♂️✨
Kaya naman sa araw na ito, ay ating ipadama sa kanila ang ating taos-pusong pagmamahal, paggalang, at ang walang sawang pasasalamat natin para sakanila. 💝🙏 Ipaalala natin sa kanila kung gaano sila kahalaga at kung gaano natin pinahahalagahan ang lahat ng kanilang sakripisyo at walang sawang pag-aaruga.
Sa lahat ng mga 𝐓𝐚𝐭𝐚𝐲, 𝐋𝐨𝐥𝐨, 𝐓𝐢𝐭𝐨, at sa lahat ng 𝐓𝐮𝐦𝐚𝐭𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐀𝐦𝐚 at 𝐇𝐚𝐥𝐢𝐠𝐢 𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐡𝐚𝐧𝐚𝐧, ang araw na ito ay para sa inyo. Maraming salamat sa inyong walang kapantay na 𝙿𝚊𝚐𝚖𝚊𝚖𝚊𝚑𝚊𝚕, 𝚃𝚒𝚢𝚊𝚐𝚊, 𝚂𝚊𝚔𝚛𝚒𝚙𝚒𝚜𝚢𝚘, at 𝙳𝚎𝚍𝚒𝚔𝚊𝚜𝚢𝚘𝚗. Kayo ang aming inspirasyon, gabay, at lakas sa bawat yugto ng aming buhay. 🤍✨
💙 𝐌𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐀𝐫𝐚𝐰 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐦𝐚𝐠𝐢𝐠𝐢𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐇𝐚𝐥𝐢𝐠𝐢 𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐡𝐚𝐧𝐚𝐧! 💙
✍️: Andrew L. Zorilla | Vice-President
🖼️: Maureen Mahilum | PIO