1Limay

Directions Website Contact the organization

1Limay Tapat na Serbisyo, Diretso sa Tao. Para sa Diyos!

𝐆𝐫𝐚𝐝𝐮𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐂𝐞𝐫𝐞𝐦𝐨𝐧𝐲 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐫𝐚𝐥 𝐋𝐮𝐳𝐨𝐧 𝐂𝐢𝐯𝐢𝐥 𝐒𝐨𝐜𝐢𝐞𝐭𝐲 𝐎𝐫𝐠𝐚𝐧𝐢𝐳𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐜𝐚𝐝𝐞𝐦𝐲 𝟐𝟎𝟐𝟔Mula sa TinigTungo sa TindigStronger voi...
10/10/2026

𝐆𝐫𝐚𝐝𝐮𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐂𝐞𝐫𝐞𝐦𝐨𝐧𝐲 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐫𝐚𝐥 𝐋𝐮𝐳𝐨𝐧 𝐂𝐢𝐯𝐢𝐥 𝐒𝐨𝐜𝐢𝐞𝐭𝐲 𝐎𝐫𝐠𝐚𝐧𝐢𝐳𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐜𝐚𝐝𝐞𝐦𝐲 𝟐𝟎𝟐𝟔

Mula sa Tinig
Tungo sa Tindig
Stronger voices. Stronger organizations.
Stronger partnerships.

Mainit na pagbati sa mga kinatawan ng Limay, Bataan na nagtapos sa Graduation Ceremony ng Central Luzon Civil Society Organization (CSO) Academy 2026 na ginanap ngayong Oktubre 10, 2026, sa Bulacan State University.

Kabilang sa mga nagtapos mula sa Limay sina:

-Ramil T. Dela Rea
-Jennylyn C. Fermin
-Robelyn R. Manuel

Ang seremonya ay nagbigay-diin sa mahalagang papel ng mga Civil Society Organization (CSO) sa pagsusulong ng aktibong pakikilahok ng mamamayan, pagpapalakas ng mga organisasyon, at pagpapatatag ng ugnayan sa pagitan ng pamahalaan at komunidad.

Bitbit ang diwa ng “Mula sa Tinig, Tungo sa Tindig,” nawa’y magsilbing inspirasyon ang inyong pagtatapos upang higit pang mapalakas ang boses ng mamamayan at maisulong ang makabuluhang pakikilahok sa pagpapaunlad ng ating komunidad.

𝐶𝑜𝑛𝑔𝑟𝑎𝑡𝑢𝑙𝑎𝑡𝑖𝑜𝑛𝑠, 𝐵𝑎𝑡𝑐ℎ 𝑆𝑖𝑏𝑜𝑙!



𝐌𝐀𝐋𝐈𝐆𝐀𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐈 𝐒𝐀𝐍 𝐃𝐀𝐍𝐈𝐄𝐋 𝐂𝐎𝐌𝐁𝐎𝐍𝐈 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐃𝐔𝐀𝐋𝐄Sa pagdiriwang ng kapistahan ni San Daniel Comboni ng Baran...
10/10/2026

𝐌𝐀𝐋𝐈𝐆𝐀𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐈 𝐒𝐀𝐍 𝐃𝐀𝐍𝐈𝐄𝐋 𝐂𝐎𝐌𝐁𝐎𝐍𝐈 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐃𝐔𝐀𝐋𝐄

Sa pagdiriwang ng kapistahan ni San Daniel Comboni ng Barangay Duale ngayong Oktubre 10, 2026, nawa’y magsilbi siyang inspirasyon sa bawat isa sa atin na mamuhay nang may pananampalataya, pagmamahal, at malasakit sa kapwa.

Nawa’y patuloy tayong gabayan ng kanyang halimbawa ng paglilingkod at dedikasyon sa pagtulong sa ating kapwa, lalo na sa mga higit na nangangailangan.

Mula kina Mayor Richie Jason David, Vice Mayor Grace David, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan, isang mapagpalang kapistahan sa lahat!

09/10/2026
𝐊𝐖𝐄𝐍𝐓𝐔𝐇𝐀𝐍 𝐓𝐀𝐘𝐎, 𝐁𝐀𝐓𝐀𝐄𝐍̃𝐎-𝐋𝐈𝐌𝐀𝐘 𝐖𝐈𝐍𝐍𝐄𝐑𝐒! 🎉Magandang balita po sa lahat ng nagwagi sa nakaraang Kwentuhan Tayo, Bataeño-Li...
09/10/2026

𝐊𝐖𝐄𝐍𝐓𝐔𝐇𝐀𝐍 𝐓𝐀𝐘𝐎, 𝐁𝐀𝐓𝐀𝐄𝐍̃𝐎-𝐋𝐈𝐌𝐀𝐘 𝐖𝐈𝐍𝐍𝐄𝐑𝐒! 🎉

Magandang balita po sa lahat ng nagwagi sa nakaraang Kwentuhan Tayo, Bataeño-Limay! Maaari na po ninyong i-claim ang inyong mga premyo sa 3rd Floor, Office of the Municipal Mayor. Magdala lamang po ng any Valid ID para sa beripikasyon ng inyong pagkakakilanlan.

John Mark Gemotra
In N Out GC (free 12pcs Wings)

Arturo Arlie A. Roxas
In N Out Cash worth P500

Arth Anglon
In N Out Cash worth P500

Lea May Ison-Gemotra
Kopikart GC (5 Big Drinks)

Anabel Manansala
10kgs of Rice from Nezza Private Resort & Events Place

Helen Demayo Ison
10kgs of Rice from Nezza Private Resort & Events Place

Filipinas Marcial
10kgs of Rice from Nezza Private Resort & Events Place

Emmanuel Quisay
Kurt Manansala Photography & Films GC with P500 Discount)

Kairine Kim Ison
Raku's Grill and Restaurant GC worth P1000

Jether Jane Balumaga-Padilla
Raku's Grill and Restaurant GC worth P1000

Veronica Gaile Fider
Raku's Grill and Restaurant GC worth P1000

Raven Grace Reño
Limay Grocery GC worth P1000

Hannah Manansala
Limay Grocery GC worth P1000

Michelle Anne S. Labbao-Gloria
Grocery Package

Marilou Atendido Nisay
Grocery Package

Landel Esguerra
Grocery Package

Edmon Manansala
Grocery Package

Marbelita Anglon
Grocery Package

Napskie Baldueza
D’Bherew Resto Cafe GC woth P200

Maraming salamat po sa inyong pakikilahok at patuloy na pagsuporta sa ating programa!
Muli, congratulations po sa lahat ng winners! 🎊

𝐌𝐀𝐋𝐈𝐆𝐀𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐀𝐑𝐀𝐖𝐀𝐍, 𝐊𝐀𝐏𝐈𝐓𝐀𝐍 𝐃𝐀𝐍𝐈𝐋𝐎 𝐂. 𝐋𝐈𝐍𝐓𝐀𝐆!Taos-puso po ang aming pagbati ng Maligayang Kaarawan kay Barangay Captain...
08/10/2026

𝐌𝐀𝐋𝐈𝐆𝐀𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐀𝐑𝐀𝐖𝐀𝐍, 𝐊𝐀𝐏𝐈𝐓𝐀𝐍 𝐃𝐀𝐍𝐈𝐋𝐎 𝐂. 𝐋𝐈𝐍𝐓𝐀𝐆!

Taos-puso po ang aming pagbati ng Maligayang Kaarawan kay Barangay Captain Danilo C. Lintag ng Barangay Reformista! Nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng mabuting kalusugan, karunungan, lakas at pagpapala upang patuloy ninyong magampanan ang inyong tungkulin at mapaglingkuran ang mga mamamayan ng Barangay Reformista.

Maraming salamat po sa inyong dedikasyon, malasakit at tapat na paglilingkod sa inyong barangay. Muli, mula po sa pamunuang bayan ng Limay, maligayang kaarawan po Kapitan Danilo Lintag!

𝐅𝐈𝐄𝐒𝐓𝐀 𝐆𝐑𝐎𝐎𝐕𝐄 𝟐𝟎𝟐𝟔 — 𝐑𝐎𝐔𝐓𝐄 & 𝐏𝐑𝐄𝐂𝐀𝐔𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐆𝐔𝐈𝐃𝐄OCTOBER 9, 2026 | LIMAY, BATAANPara sa mas maayos, ligtas, at organisadong ...
08/10/2026

𝐅𝐈𝐄𝐒𝐓𝐀 𝐆𝐑𝐎𝐎𝐕𝐄 𝟐𝟎𝟐𝟔 — 𝐑𝐎𝐔𝐓𝐄 & 𝐏𝐑𝐄𝐂𝐀𝐔𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐆𝐔𝐈𝐃𝐄

OCTOBER 9, 2026 | LIMAY, BATAAN

Para sa mas maayos, ligtas, at organisadong pagdaraos ng Fiesta Groove 2026, hinihiling sa lahat ng dadalo na basahin at sundin ang mga sumusunod na route guidelines at safety precautions.

𝐑𝐎𝐔𝐓𝐄 𝐆𝐔𝐈𝐃𝐄𝐋𝐈𝐍𝐄𝐒

GATE 1 — WALK-IN ENTRANCE ONLY
VIP VEHICLE & VENDOR ACCESS ONLY
ALL VENDORS MUST BE IN POSITION BY 4:00 PM

GATE 2 — ENTRANCE ONLY
WALK-IN & VEHICLE
NO RIGHT TURN
LEFT TURN FOR PARKING ACCESS ONLY

GATE 3 — EXIT ONLY

GATE 4 — EXIT ONLY

Mangyaring gamitin lamang ang mga itinalagang entrance at exit gate at sundin ang mga traffic instructions upang mapanatili ang maayos na daloy ng mga sasakyan at mga taong dadalo.

𝐒𝐀𝐅𝐄𝐓𝐘 𝐏𝐑𝐄𝐂𝐀𝐔𝐓𝐈𝐎𝐍𝐒
Para sa kaligtasan ng lahat, mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng anumang matutulis o mapanganib na bagay sa event area.

𝐃𝐑𝐎𝐍𝐄 𝐑𝐄𝐒𝐓𝐑𝐈𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍
Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapalipad ng drone ng mga hindi awtorisadong indibidwal. Ang official media team lamang ang pinahihintulutang magpalipad upang maiwasan ang aksidente at mapanatili ang kaligtasan ng lahat.

𝐕𝐀𝐋𝐔𝐀𝐁𝐋𝐄 𝐈𝐓𝐄𝐌𝐒
Pinapayuhan ang lahat na iwasang magdala ng mga mahahalagang gamit. Ang LGU ay hindi mananagot sa anumang pagkawala o pagkasira ng personal na kagamitan.

Hinihiling din sa mga dadalo na huwag mag-iwan ng mahahalagang gamit sa loob ng mga sasakyan, lalo na ang mga bagay na maaaring madaling makita o makuha.

Makiisa, sumunod sa mga alituntunin, at tumulong na gawing ligtas at maayos ang Fiesta Groove 2026 para sa lahat.

Kita-kits sa Fiesta Groove 2026!
October 9, 2026 6:00PM | Limay Park

Isinagawa noong Oktubre 6, 2026 ang isang makahulugang Blessing ng Sangguniang Bayan Building ng Bayan ng Limay, bilang ...
08/10/2026

Isinagawa noong Oktubre 6, 2026 ang isang makahulugang Blessing ng Sangguniang Bayan Building ng Bayan ng Limay, bilang pasasalamat at paghingi ng patnubay at pagpapala para sa patuloy na paglilingkod sa ating mga kababayan.

Ang seremonya ay pinangunahan ni Rev. Fr. Edilbert “Lides” S. Pomer at dinaluhan nina Mayor Richie Jason David, kasama si Vice Mayor Grace David, mga Konsehal ng Bayan, at mga kawani ng Sangguniang Bayan. Nawa’y ang gusaling ito ay patuloy na magsilbing lugar ng maayos na talakayan, pagkakaisa, at mga makabuluhang desisyon para sa ikauunlad ng Bayan ng Limay at kapakanan ng bawat Limayeño. Isang bagong tahanan ng serbisyo, pagkakaisa, at malasakit para sa bayan.

Isang taos-pusong pagbati at pagpupugay sa bayan ng Limay, Bataan sa pagkamit ng mga sumusunod na parangal mula sa Phili...
08/10/2026

Isang taos-pusong pagbati at pagpupugay sa bayan ng Limay, Bataan sa pagkamit ng mga sumusunod na parangal mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) sa ginanap na 5th National Convention on Civil Registration and Vital Statistics:

🥇 REGIONAL WINNER - 2026 Most Innovative Local Civil Registry Office
🥉 2ND RUNNER UP (National) - 2026 Most Innovative Local Civil Registry Office

Mula sa pamahalaang bayan ng Limay, sa pangunguna ni Mayor Richie Jason David, Vice Mayor Grace David at Sangguniang Bayan Members, taos-puso ang ating pagpupugay at pasasalamat sa ating Municipal Civil Registrar, sa pamumuno ni Ma'am Analiza R. Gultiano, kasama ang buong kawani ng MCR Limay. Ang tagumpay na ito ay patunay ng patuloy na kahusayan, makabagong serbisyo, at dedikasyon ng ating Local Civil Registry Office sa pagbibigay ng mabilis, maayos, at tapat na serbisyo sa bawat Limayeño. Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng tagumpay na ito! Patuloy tayong maglilingkod nang buong puso at husay para sa mas maunlad na Limay!

Address

Limay

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 1Limay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to 1Limay:

Shortcuts

Share