11/09/2026
๐๐๐ ๐๐๐๐๐
, ๐๐๐๐๐๐-๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐; ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐-๐๐ ๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐
Iniutos ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, sa lahat ng kinauukulang tanggapan ng ahensya ang agarang paghinto sa paggamit ng LTO-IT System ng STRADCOM sa mga ๐น๐ฎ๐ต๐ฎ๐ ๐ป๐ด transaksyon at ang mahigpit na pagpapatupad ng ๐ฒ๐ธ๐๐ธ๐น๐๐๐ถ๐ฏ๐ผ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด ๐ด๐ฎ๐บ๐ถ๐ ๐ป๐ด Land Transportation Management System (LTMS).
Ang direktiba ay alinsunod sa kautusan ng Office of the Ombudsman na naglalayong ihinto ang paggamit ng LTO-IT System ng STRADCOM at tiyakin ang paggamit ng LTMS sa mga transaksyon ng ahensya.
Sa ilalim ng Memorandum No. MVL-2026-207 at Memorandum No. MVL-2026-208, ipinag-utos ang agarang paghinto sa paggamit ng LTO-IT System sa Enhanced Driverโs License System (EDLS) Pilot Sites at sa 42 designated Temporary Offsite Printing Offices (TOPOs).
Saklaw din ng direktiba ang pagproseso ng Certificate of Stock Report (CSR) at New Registration of Motor Vehicles, Motor Vehicle Renewal of Registration, lahat ng Driverโs License transactions, at Miscellaneous Transactions.
Kabilang sa mga transaksyon sa Driverโs License na sakop ng direktiba ang renewal, new application, duplicate o replacement, at change of information.
Ang lahat ng nasabing transaksyon ay dapat nang eksklusibong iproseso sa LTMS.
Inatasan din ni Asec. Lacanilao ang mga kinauukulang tanggapan na makipag-ugnayan sa mga kaukulang opisina ng LTO Central Office upang matiyak ang maayos at tuloy-tuloy na transition, kabilang ang kinakailangang system configuration, user access, at iba pang operational requirements.
Anumang system limitation, technical issue, o operational difficulty na mararanasan sa panahon ng transition ay dapat agad i-report sa Management Information Division (MID) upang mabigyan ng agarang kaukulang aksyon.
โPatuloy nating inaayos at pinapahusay ang mga sistema ng LTO upang maging mas mabilis, maayos, at maaasahan ang ating serbisyo. Ang paglipat sa LTMS ay mahalagang bahagi ng ating pagsisikap na magkaroon ng mas episyenteng proseso at mas mahusay na serbisyo para sa ating mga motorista,โ ayon kay Asec. Lacanilao.
Binigyang-diin ng LTO Chief na mahigpit na ipatutupad ang mga direktibang ito upang matiyak ang maayos at tuloy-tuloy na paglipat sa LTMS, kasabay ng pagpapanatili ng episyente at maaasahang serbisyo sa publiko.