03/09/2026
๐จ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐
๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐จ
๐๐ก๐ถ๐ฐ๐ฎ๐ป๐ผ๐ฟ ๐๐ฎ๐ฟ๐ฐ๐ถ๐ฎ ๐ฆ๐ฟ. ๐๐น๐ฒ๐บ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐ฟ๐ ๐ฆ๐ฐ๐ต๐ผ๐ผ๐น | ๐๐ผ๐๐ฒ ๐ ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐๐ฎ๐ ๐๐น๐ฒ๐บ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐ฟ๐ ๐ฆ๐ฐ๐ต๐ผ๐ผ๐น
๐๏ธ September 3, 2026
Nakiisa ang Barangay Olympia sa isinagawang Nationwide Simultaneous School Safety Drill for Active Attack Incidents, bilang bahagi ng patuloy na paghahanda at pagpapaigting ng kamalayan sa kaligtasan ng ating mga mag-aaral, g**o at kawani.
Layunin ng drill na masanay ang bawat isa sa tamang pagkilos, mabilis na pagresponde, at maayos na koordinasyon sakaling magkaroon ng anumang banta o insidente sa loob o paligid ng paaralan.
Ang kaligtasan ng ating mga kabataan ay responsibilidad nating lahat. Sa pamamagitan ng regular na pagsasanay at pagtutulungan ng paaralan, barangay, mga emergency responders, at komunidad, mas nagiging handa tayo sa anumang sitwasyon.
Sa pangunguna ni ๐ฃ๐๐ป๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐๐ผ๐ฏ๐ฏ๐ ๐ฌ๐๐น๐ผ at ng Buong Konseho ng Barangay Olympia, patuloy nating sinusuportahan ang mga programa para sa isang ligtas, handa at protektadong barangay.