21/08/2026
ππ‘π πππππ§πππ‘, π ππ¬ π£ππ‘ππ‘ππ‘πππππ‘
Hindi sapat ang manahimik kapag may mali. Hindi sapat ang makialam kapag convenient. At lalong hindi sapat ang magkaroon lamang ng posisyon kung wala namang paninindigan.
Ngayong Ninoy Aquino Day, inaalala natin ang tapang ni Senador Benigno βNinoyβ Aquino Jr. na harapin ang panganib at manindigan para sa Tama.
Bilang Inyong Sangguniang Kabataan, hindi lamang tayo tagapagpatupad ng mga programa. Kinakatawan natin ang boses ng kabataan. At ang boses na ito ay dapat marunong magsalita, makinig, magtanong, manindigan, at managot.
Dahil ang kabataan ay hindi lamang pag-asa ng bayan.
TAYO ANG KABATAANG MAY PANININDIGAN. TAYO ANG KABATAANG KUMIKILOS. TAYO ANG KABATAANG MAY BOSES.
Maligayang paggunita ng Ninoy Aquino Day!