Office of the Vice President of the Philippines

Office of the Vice President of the Philippines This is the Official page of the Office of the Vice President of the Philippines

OVP EXTRA+ORDINARY POP-UP EXHIBIT, BINUKSAN SA ROBINSONS GALLERIA, CEBU CITYBinuksan kahapon ang ikalimang Pop-Up Exhibi...
03/09/2026

OVP EXTRA+ORDINARY POP-UP EXHIBIT, BINUKSAN SA ROBINSONS GALLERIA, CEBU CITY

Binuksan kahapon ang ikalimang Pop-Up Exhibit ng Office of the Vice President – Cebu, Bohol, Siquijor Satellite Office (OVP-CBSSO) bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mailapit sa mas maraming Pilipino ang mga programa, inisyatiba, at adhikain ng Office of the Vice President.

Bisitahin ang exhibit sa Robinsons Galleria, Cebu City na bukas sa publiko hanggang Septyembre 15, 2026.

Tampok sa exhibit ang "EXTRA+Ordinary," isang bilingual at interaktibong installation na naglalahad ng kasaysayan, mandato, at patuloy na paglilingkod ng OVP bilang katuwang ng sambayanan sa pagsusulong ng nation-building. Sa pamamagitan ng makabuluhang mga kuwento, larawan, at interactive displays, mas mauunawaan ng mga bisita ang mahalagang papel ng Tanggapan ng Pangalawang Pangulo sa paglilingkod sa bayan.

Inaanyayahan ang lahat na makiisa at bisitahin ang exhibit upang higit na makilala at mapahalagahan ang mahahalagang ambag, pamumuno, at paglilingkod ng mga nagdaan at kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas—mga pinunong patuloy na nagbibigay-inspirasyon at nagsisilbing huwaran sa tapat na paglilingkod sa sambayanan.

Sama-sama nating pahalagahan ang kasaysayan, paglingkuran ang kasalukuyan, at isulong ang mas maunlad na kinabukasan para sa bawat Pilipino.

Mahalin Natin ang Pilipinas!




02/09/2026

OVP BUDGET PARA SA TAONG 2027

Nagmungkahi ang Office of the Vice President (OVP) ng P785.204 milyong budget para sa taong 2027 upang maipagpatuloy ang paghahatid ng mahahalagang programa at serbisyo sa mga Pilipino.

Kabilang dito ang PagbaBAGo Campaign, Mag Negosyo Ta 'Day, Disaster Operations, R.I.I.C.E. Program, Libreng Sakay, Kalusugan Food Truck, Wheelchair Distribution, Al-Janazah Kits, at iba pang programa ng OVP.

Patuloy na titiyakin ng OVP ang maingat, responsable, at maayos na paggamit ng pondo ng bayan para sa kapakinabangan ng mga Pilipino.

Mahalin natin ang Pilipinas!



02/09/2026

WATCH LIVE | Press Briefing on the Impeachment Trial of Vice President Sara Duterte

September 2, 2026

EXTRA+ORDINARY POP-UP EXHIBIT: SEPTEMBER 2026 SCHEDULEInaanyayahan ng Office of the Vice President (OVP) ang publiko na ...
02/09/2026

EXTRA+ORDINARY POP-UP EXHIBIT: SEPTEMBER 2026 SCHEDULE

Inaanyayahan ng Office of the Vice President (OVP) ang publiko na bisitahin ang EXTRA+Ordinary: The Vice Presidents of the Philippines Pop-Up Exhibit na ginaganap sa iba’t ibang piling lokasyon sa bansa ngayong buwan ng Setyembre.

Layunin ng gawaing ito na maipakita at maipagdiwang ang kultura, kasaysayan, at mga kwento ng mga naging Bise Presidente ng ating bansa bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng pagmamahal sa Pilipinas.

Bukas ang exhibit para sa lahat at malayang mapupuntahan ng mga nais makibahagi sa isang makabuluhang karanasan.

Abangan din ang iba pang mga lugar sa paglilibot ng nasabing exhibit sa buong bansa.

Maaari ring makita ang docuseries ng Philippine Vice Presidents sa aming YouTube channel:
https://www.youtube.com/playlist

Mahalin natin ang Pilipinas!




02/09/2026

WATCH LIVE | Day 21 of Impeachment Trial of Vice President Sara Duterte

September 2, 2026

01/09/2026

PAGBABAGO CAMPAIGN PARA SA KABATAAN SA QUEZON PROVINCE

Naghatid ng PagbaBAGo Bags ang Office of the Vice President (OVP) para sa mga kabataan sa Quezon Province bilang bahagi ng patuloy na pagsuporta sa kanilang edukasyon.

Bawat PagbaBAGo Bag ay naglalaman ng school supplies, dental kits, at kapote—mga kagamitang makatutulong sa mga mag-aaral sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan sa paaralan. Malaking tulong ang pagbibigay ng kapote sa mga lugar na madalas dumanas ng biglaang pag-ulan upang matiyak ang kaligtasan at kahandaan ng mga mag-aaral sa kanilang pagpasok.

Ngunit higit pa sa mga kagamitang ipinagkakaloob, ang PagbaBAGo Campaign ay nagpapakita ng malasakit at pagkilala sa mahalagang papel ng edukasyon sa paghubog ng kinabukasan ng ating kabataan.

Sa bawat batang nabibigyan ng suporta, nabubuksan ang mas maraming pintuan upang sila ay matuto, mangarap, at magtagumpay sa buhay.

Mahalin natin ang Pilipinas!







01/09/2026

R.I.I.C.E. PROGRAM: SERBISYO PARA SA MGA MANGINGISDA SA POLILLO GROUP OF ISLANDS, QUEZON PROVINCE

Naghatid ng tulong ang Office of the Vice President (OVP) sa mga pamilyang apektado ng habagat sa Polillo Group of Islands, Quezon Province.

Sa pamamagitan ng Disaster Operations Center (DOC), isinagawa ang pamamahagi ng mga relief boxes sa ilalim ng Relief for Indigents and Individuals in Crises and Emergencies (R.I.I.C.E.) Program. Layunin ng programa na mabigyan ng agarang suporta at tulong ang mga Pilipinong nangangailangan, lalo na ang mga pamilyang higit na naapektuhan ng mga kalamidad at krisis.

Mahalin natin ang Pilipinas!





01/09/2026

WATCH LIVE | Press Briefing on the Impeachment Trial of Vice President Sara Duterte

September 1, 2026

ATM | TULONG AT SERBISYO PARA SA MASANTOL, PAMPANGAPatuloy ang paghahatid ng serbisyo at suporta sa ating mga kababayang...
01/09/2026

ATM | TULONG AT SERBISYO PARA SA MASANTOL, PAMPANGA

Patuloy ang paghahatid ng serbisyo at suporta sa ating mga kababayang nabahaan sa Municipality of Masantol, Pampanga, kung saan umabot sa 2,500 benepisyaryo ang nabigyan ng tulong.

Ang serbisyong ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap na matugunan ang pangangailangan ng bawat sektor at maihatid ang tulong malapit sa mga Pilipino—lalo na sa mga higit na nangangailangan.

Mahalin natin ang Pilipinas!



01/09/2026

WATCH LIVE | Day 20 of Impeachment Trial of Vice President Sara Duterte

September 1, 2026

Address

11F, Robinsons Cybergate Plaza, EDSA Cor. Pioneer St
Mandaluyong
1550

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Office of the Vice President of the Philippines posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Office of the Vice President of the Philippines:

Shortcuts

Share