25/05/2026
๐๐ DRUG-CLEARED BARANGAY ๐๐
Isang makasaysayang simula para sa Barangay Guadalupe Viejo matapos nating matanggap ang Certificate of Drug-Cleared Barangay mula sa Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing. ๐
โจ
Alinsunod sa Resolution No. RONCR-2026-02A-L1, Series of 2026, matapos ang masusing assessment at validation sa ating pagsunod sa mga itinakdang alituntunin at programa laban sa ilegal na droga, ang BARANGAY GUADALUPE VIEJO, MAKATI CITY ay opisyal nang idineklarang โDRUG-CLEAREDโ ngayong araw. โจ
Ang pagkilalang ito ay bunga ng sama-samang pagkilos, dedikasyon, at malasakit ng ating Barangay Council, BADAC, kapulisan, mga katuwang na ahensya, at ng buong komunidad na walang sawang nakikiisa para sa isang ligtas, mapayapa, at maunlad na Guadalupe Viejo. ๐๐ช
Lubos po kaming nagpapasalamat sa patuloy na suporta at pakikiisa nina Mayor Nancy Binay, Kons. King Yabut, DILG-Makati Director Mary Jane SE. Nacario, CESOV, DILG-LGOO VI Maricor C. Dayandante, PBGEN Rodelio B. Jocson (Ret.) โ MADAC Focal, Makati Chief of Police PCOL Pedro A. Alagano Jr., P*PT Fadric O. Escobido, P*PT Pamela C. Leal, PMAJ Arjell V. Padilla, at Dr. Jonash B. Montano, MD. ๐
Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa MADAC Team โ Alexis Comoda, Jong Bonrostro, Bobby Veรฑalon, at JP Valencia; sa MSWD sa pangunguna nina Ms. Jovigail S. Pili at Ms. Mariz; gayundin kina Kagawad Bolly Gutierrez, Ex-O Rodora Latorre Kabigting, Marlon U. Hechanova, Johndelu L. Ibaรฑez, Peace and Order Committee, at Vennedict Acacio para sa inyong dedikasyon at malasakit sa ating komunidad. โจ
Special thanks din kay Comsec Marvin Sampaga sa kanyang sipag, tiyaga, at malaking kontribusyon sa pagkakamit ng mahalagang pagkilalang ito. ๐
Ang pagkilalang ito ay hindi nangangahulugang titigil na ang ating laban kontra ilegal na droga. Bagkus, ito ay nagsisilbing inspirasyon at paalala upang lalo pa nating paigtingin ang mga programa, koordinasyon, at pagkakaisa tungo sa ating hangaring makamit ang isang tunay na drug-free at mas ligtas na komunidad para sa bawat residente ng Guadalupe Viejo. ๐ช๐