02/02/2026
TINGNAN: Patuloy ang pagtulong ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa sektor ng kalusugan, matapos magkaloob ng ahensiya sa dalawang lokal na pamahalaan ng halos ₱100,000 na halaga ng iba’t ibang gamot noong Biyernes, Enero 16, 2026, sa PCSO Main Office, Mandaluyong City.
Ang mga benepisyaryo ay ang Munisipalidad ng Jaen, Nueva Ecija, na nakatanggap ng halos ₱60,000 na halaga ng iba’t ibang gamot, at Barangay Lamot 2 ng Calauan, Laguna, na tumanggap naman ng ₱30,000 na halaga ng mga gamot, sa pangunguna ni PCSO Assistant General Manager Lauro Patiag ng Charity Sector, kinatawan ni PCSO General Manager Melquiades Robles.
Ang awtorisasyon para sa mga supply ng gamot ay isinagawa sa pamamagitan ng tanggapan ni PCSO Director Imelda Papin at pormal na ipinagkaloob kina Jaen, Nueva Ecija Mayor Silvester Austria at Hon. Angelica Jones Alarva ng Barangay Lamot 2 ng Calauan, Laguna.
Ang mga ito ay ilalaan sa mga komunidad sa pamamagitan ng mga medical mission at outreach activities bilang tulong sa mga mamamayang may limitadong akses sa mga serbisyong pangkalusugan.