23/07/2026
๐๐๐๐๐๐๐ก๐๐ฉ๐๐จ๐ฎ๐ค๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐ง๐ค๐ฉ๐๐๐ฉ๐๐ซ๐ ๐๐ค๐๐ข ๐จ๐ ๐๐๐ง๐๐๐จ๐ค ๐ฝ๐๐ง๐ฃ๐๐ง๐๐ค ๐ผ๐ง๐๐ฃ๐
Bilang bahagi pa rin ng ating patuloy na rehabilitasyon at pagpapaganda ng ating mga common use areas, pinangunahan ng ating Maintenance Team ang pagsasaayos at pagpapalit ng mga protective foam na nakabalot sa mga poste ng ating Narciso Bernardo Arena.
Sa concern at suporta ng ating Punong Barangay, isinagawa ang proyektong ito upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng gumagamit ng ating covered court, lalo na ang mga manlalaro at kabataang aktibong nakikilahok sa ibaโt ibang sports at programa ng barangay. Ang mga lumang foam na napudpod at nasira na sa paglipas ng panahon ay unti-unti nang pinapalitan upang mabawasan ang panganib ng aksidente at pinsala.
Patuloy po nating pagsisikapan na mapanatiling ligtas, maayos, at komportable ang ating mga pasilidad para sa kapakinabangan ng buong komunidad.