01/08/2026
๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก | Nagsagawa ng clearing operation ang ating Punong Barangay Action Command (PBAC) sa Marinella Street, kabilang ang 1st Street, 2nd Street, 3rd Street, hanggang Correctional Road, sa pangunguna ni Ex-O Commander Nerio Campo.
Ang isinagawang operasyon ay bahagi pa rin ng patuloy na programang pangkalinisan at pagpapanatili ng kaayusan na isinusulong ni Kapitan Carlito Tolibas Cernal.
Layunin ng clearing operation na alisin ang mga sagabal sa daanan at mga naipong basura upang matiyak ang kaligtasan at maayos na pagdaan ng mga residente at iba pang gumagamit ng naturang kalsada.