19/03/2026
News Alert
Migrant Workers Protection Bureau
19 March 2026
๐๐ ๐ช ๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ด-๐๐๐ผ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐น๐ถ๐๐ฒ๐ป๐๐๐ฎ๐ฑ๐ผ๐ป๐ด ๐ฎ๐ต๐ฒ๐ป๐๐ถ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ป๐๐ฟ๐ฎ๐บ๐๐ฟ๐ผ๐ ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ฝ๐ผ๐ ๐บ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ผ๐๐ถ๐๐ถ๐ฏ๐ผ ๐๐ฎ ๐ถ๐น๐น๐ฒ๐ด๐ฎ๐น ๐ฟ๐ฒ๐ฐ๐ฟ๐๐ถ๐๐บ๐ฒ๐ป๐
๐๐ข๐ฏ๐ช๐ญ๐ข, ๐๐ฉ๐ช๐ญ๐ช๐ฑ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ฆ๐ด โ Ipinag-utos ng Department of Migrant Workers (DMW) ngayong araw, Marso 19, 2026, ang pagpapasara sa HRInternational Inc. (HRI), isang hindi lisensyadong ahensiya, sa pangunguna ni Assistant Secretary Jerome A. Alcantara, Assistant Secretary for Licensing and Adjudication, kasama sina Atty. Romelson E. Abbang at Atty. Eric D. Dollete, ng Migrant Workers Protection Bureau, at Atty. Falconi V. Millar, ng DMW-NCR matapos mapag-alamang positibo umano sa illegal recruitment ang operasyon nito.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ng DMW, ang naturang ahensiya na matatagpuan sa Intramuros, Manila ay nag-aalok umano ng mga trabaho sa larangan ng hospitality sa Dubai, United Arab Emirates. Samantala, ang alok naman umano nitong trabaho para sa New Zealand ay depende raw sa kakayahan ng isang aplikante. Dagdag pa, ang mga trabaho ay iniaalok umano sa pamamagitan ng diumanoโy partner employers ng HRI sa mga nasabing bansa.
Nangangako umano ang ahensiya ng hanggang Php 60, 000 kada buwan na sahod sa Dubai at hanggang Php200, 000 kada buwan naman sa New Zealand kapalit ang Php 355, 000 na processing fee.
Dahil dito, ibinaba ng DMW ang Closure Order No. 5, Series of 2026, na nag-uutos ng agarang pagpapasara ng HRI dahil sa paglabag nito sa batas at upang maiwasan ang pagkakaroon pa ng iba pang biktima.
Nanawagan ang DMW sa mga biktima na makipag-ugnayan sa DMW Migrant Workers Protection Bureau sa pamamagitan ng page na DMW Anti-Illegal Recruitment and Trafficking in Persons Program o email: [email protected].