22/03/2026
Nakikiisa ang Musicians for Peace sa laban ng mga residente ng Leona Compound laban sa bantang demolisyon sa kanilang komunidad noong March 19. ๐ฅ
Naglunsad ng Solidarity Night ang Leona Compound Neighborhood bilang porma ng pagkilos na itigil ang nakaambang demolisyon sa lugarโmatapos silang padalhan ng notice ng Pasig City LGU noong Pebrero 18 at bigyan ng 30 araw upang boluntaryong lisanin ang kanilang mga tahanan.
Hanggang ngayon, nananatiling hindi malinaw sa mga residente ang tunay na dahilan ng planong demolisyon. May mga usap-usapan na tatayuan umano ito ng paaralan at eskuwelahanโngunit walang malinaw na proseso, sapat na konsultasyon sa mga residente, financial assistance, o maayos na relokasyon, na lahat ay nararapat ayon sa batas.
Hindi dapat iwasan ni Mayor Vico Sotto ang hinaing ng mga residente sa komunidad. Sa halip na magkaroon ng bukas at makataong diyalogo, siya ay itinuturong isa sa mga may pananagutan sa planong pagpapalayas sa mga residente ng Leona Compound.
Hindi lamang mga bahay ang nakataya ritoโkundi pati kabuhayan ng mga manggagawa, edukasyon ng mga kabataan, at maliliit na negosyong bumubuhay sa komunidad.
Sa gitna ng lumalalang krisis sa ekonomiyaโsa mataas na presyo ng bilihin at mababang pasahodโlalong nahihirapan ang mamamayan habang patuloy na nakikinabang ang iilan. Kayaโt mahalagang sama-sama nating tutulan ang ganitong mga paglabag sa karapatang pantao.
Hindi ito simpleng usapin ng kahirapanโito ay usapin ng sistemang nagpapahirap.
Ipaglaban ang karapatan ng maralitang lungsod!
KARAPATAN NG MAMAMAYAN,
IPAGLABAN!