24/10/2025
Mula po sa Market Administration Office, isang taos-pusong pagbati ng maligayang kaarawan sa aming butihing Ama ng Lungsod! đź’™
Lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong malasakit, dedikasyon, at patuloy na suporta sa mga palengke ng Maynila. Dahil po sa inyong liderato, mas naging maayos, malinis, at maunlad ang ating mga pamilihan—isang patunay ng inyong tunay na malasakit sa bawat Manileño.
Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Diyos ng kalakasan, kalusugan, at kasiyahan sa inyong buhay.
Maraming salamat po sa inyong serbisyong may puso at malasakit sa tao!