Bayung Kwatro Distrito Movement

Bayung Kwatro Distrito Movement Lahat ay panalo sa Bayung Kwatro Distrito!

Kahit gaano kataas ang baha, hindi nito kayang lunurin ang ating pananampalataya.Patuloy tayong mananalangin, magtutulun...
30/08/2026

Kahit gaano kataas ang baha, hindi nito kayang lunurin ang ating pananampalataya.

Patuloy tayong mananalangin, magtutulungan, at babangon. Ngunit ang katatagan ng mamamayan ay hindi dapat abusuhin o gawing dahilan para palampasin ang kapabayaan.

Manalig tayo sa Diyos, ngunit maningil din tayo ng pananagutan.

Ang baha ay lilipas. Ang pananampalataya ay mananatili at ang pananagutan ay hindi dapat makalimutan. 🙏🏻

Panginoon, grabe na po ang pagdurusa ng aming mga kababayan. Hindi pa po kami lubusang nakakaahon sa nagdaang pagbaha, m...
29/08/2026

Panginoon, grabe na po ang pagdurusa ng aming mga kababayan. Hindi pa po kami lubusang nakakaahon sa nagdaang pagbaha, muli na naman po kaming nilulubog ng malakas na ulan at rumaragasang tubig.

Sama-sama po kaming nananalangin at humihingi ng Inyong tulong at awa. Isinasalig po namin sa Inyo ang aming mga pamilya, tahanan, kabuhayan, at kinabukasan.

Panginoon, sana po ay humupa na ang ulan at bumaba na ang tubig. Hayaan Ninyo pong muling lumiwanag ang pag-asa at sumikat ang panibagong araw ng pagbangon.

Kaawaan Ninyo po kami, Panginoon.

Ito po ang aming panalangin.

Amen.

Taos-pusong pagbati kay Congressman Jorge “PATROL” Bustos, Founding Chairman ng Patrol Partylist, sa paggawad sa kaniya ...
29/08/2026

Taos-pusong pagbati kay Congressman Jorge “PATROL” Bustos, Founding Chairman ng Patrol Partylist, sa paggawad sa kaniya ng Outstanding Public Servant in Criminal Justice ng Professional Criminologists Association of the Philippines (PCAP) Region III!

Ang parangal na ito ay pagkilala sa kanyang tapat na paglilingkod sa bayan at masigasig na pagsusulong sa adbokasiyang pampublikong kaligtasan. Mula sa kanyang karera bilang isang huwarang pulis hanggang sa kanyang pagkakaupo sa Kongreso, patuloy niyang pinatutunayan ang kanyang malasakit at dedikasyon sa bayan at taongbayan.

Lagi po kayong ipinagmamalaki ng buong Bayung Kwatro Distrito!

Congratulations, Congressman Jorge “PATROL” Bustos!

Nawa’y wala nang buhay na mawala. Nawa’y wala nang pamilyang mangamba sa tuwing bumubuhos ang ulan. Nawa’y wala nang tah...
23/08/2026

Nawa’y wala nang buhay na mawala. Nawa’y wala nang pamilyang mangamba sa tuwing bumubuhos ang ulan. Nawa’y wala nang tahanang lumubog sa baha, at wala nang kalsadang lamunin ng rumaragasang tubig.

Sana’y maging maayos na ang lahat. Ngunit sa ating muling pagbangon, sana’y hindi rin natin makalimutan ang mga aral na iniwan ng mga pagsubok na ito.

Sana.

Ito po ang aming taimtim na dalangin.

ITO PO BA ANG MUKHA NG ISANG EPEKTIBONG ECOSYSTEM? Papano na ang mga cabalen nating may mga sakit, matatanda, at PWDs? Y...
22/08/2026

ITO PO BA ANG MUKHA NG ISANG EPEKTIBONG ECOSYSTEM?

Papano na ang mga cabalen nating may mga sakit, matatanda, at PWDs?

Yung mga kailangang isakay sa bangka lulan ng kanilang mga wheelchairs at dalhin sa hospital para magpa-check-up pero ang District Hospital ay lubog sa baha?

Lahat ay apektado sa pagbaha. Lahat nagdurusa dahil sa baha. Walang natutuwa baha. At yung nagsasabing maganda ang baha o magpasalamat sa baha, HINDI KA/KAYO NAKAKATUWA.

Bakit po kaya?Marahil ay alam na po natin ang sagot sa katanungang ito at alam na rin natin ang solusyon dito.
21/08/2026

Bakit po kaya?

Marahil ay alam na po natin ang sagot sa katanungang ito at alam na rin natin ang solusyon dito.

Paano gagaling at maghihilom ang mga sakit at sugat ng ating mga kababayan kung mismong District Hospital natin ay LAGIN...
20/08/2026

Paano gagaling at maghihilom ang mga sakit at sugat ng ating mga kababayan kung mismong District Hospital natin ay LAGING LUBOG SA BAHA na sanang inaaasahang magseserbisyo sa mga mahihirap?

19/08/2026

Tama na at sobra na ang paghihirap ng ating mga cabalen sa Kwatro Distrito.

Kung magkakaisa po tayo para sa pagbabago, matitiyak natin ang pag-ahon at pag-asenso.

TAMA NA. SOBRA NA.

Kailan kaya darating ang bukas na para sa atin?
18/08/2026

Kailan kaya darating ang bukas na para sa atin?

Address

Masantol

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bayung Kwatro Distrito Movement posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share