04/06/2026
π£ππ§π₯π’π π¨π‘ππ§π¦, ππ£ππ‘ππππππ’π’π π¦π π ππ πππ₯ππ‘πππ¬ π‘π π ππ¦ππ‘π§π’π
Personal na tinanggap ni Mayor Danilo Guintu, kasama ang 20 Punong Barangay ng Metro Plaza at Right Bank, ang mga Barangay Patrol Units na ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga sa pangunguna nina Gov. Lilia "Nanay" Pineda, Vice Gov. Dennis Pineda, at ng Sangguniang Panlalawigan.
Ayon kay Mayor Guintu, malaking tulong ang mga patrol units sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa mga barangay at sa pagpapaigting ng kampanya laban sa ilegal na droga.
Dumalo rin sa turnover sina Coun. Bajun Lacap at MLGOO John Lamparas. Naroon din ang mga Board Members ng Pampanga, mga kinatawan mula sa DSWD Region III, PSWDO, Pampanga PESO, Pampanga PNP, at PDEA bilang suporta sa programang naglalayong palakasin ang kapayapaan at seguridad sa mga komunidad.
[Hunyo 4, 2026]