03/06/2026
πππππ ππ ππππππππππ, πππππππ ππ πππ πππππππ ππ πππππππ
BANGAG, LAL-LO, CAGAYAN β Isang hinihinalang contact ng Communist Terrorist Group (CTG) ang kusang-loob na nagsubmite ng mga iligal na armas at pampasabog sa Military Community Support Sustainment Team (MCSST) ng 17th Infantry (DO or DIE) Battalion sa pamumuno ni Lt. Col. Alfie R. Sagario noong gabi ng Mayo 15, 2026. Kabilang sa mga isinaling kagamitang pandigma ang isang (1) homemade shotgun, isang (1) homemade carbine rifle na may magasin at mga bala, isang (1) homemade pistol, at ilang piraso ng high-explosive rifle gr***des.
Ayon sa militar, ang mapayapang pagsuko ay bunga ng kanilang pinaigting na pakikipag-ugnayan at localized peace-building efforts sa komunidad na nagpapatibay sa tiwala ng mamamayan sa pamahalaan. Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng yunit ang mga armas para sa dokumentasyon, habang muling nanawagan ang 17th IB sa iba pang kasapi ng CTG na magbalik-loob na rin para sa kapayapaan at matiwasay na makapiling ang mga mahal sa buhay.
ππππ: https://tinyurl.com/7uefr3tn