ATI-MIMAROPA

ATI-MIMAROPA Department of Agriculture extension arm in providing extension services for farmers, fisherfolks, students, senior citizens, Differently abled Persons,etc.
(3)

Matagumpay na isinagawa ng   ang Training on Chicken Layer Production ngayong ika-6 ng Agosto, sa ATI-RTC MIMAROPA, Barc...
06/08/2026

Matagumpay na isinagawa ng ang Training on Chicken Layer Production ngayong ika-6 ng Agosto, sa ATI-RTC MIMAROPA, Barcenaga, Naujan, Oriental Mindoro.

Pormal na isinagawa ang pagtatapos ng pagsasanay sa pangunguna ni Engr. Cristina P. Intong, OIC-Chief ng Partnerships and Accreditation Section. Sa kanyang mensahe, nagpahayag siya ng pasasalamat sa mga kalahok sa kanilang aktibong pakikilahok, masiglang pakikibahagi sa mga talakayan, at mahusay na pagtutulungan sa mga hands-on activities sa buong tatlong araw ng pagsasanay.

Hinikayat din niya ang mga kalahok na gamitin at ibahagi sa kanilang mga samahan ang mga kaalamang kanilang natutuhan upang makatulong sa pagpapalakas ng kanilang mga gawaing pangkabuhayan.

May kabuuang 21 farmer-beneficiaries ng Livestock Economic Enterprise Development (LEED) Program mula sa iba't ibang asosasyon at kooperatiba sa Oriental Mindoro ang matagumpay na nakapagtapos sa nasabing pagsasanay.

Para sa ibang impormasyon, bisitahin ang ati.da.gov.ph/ati-4b

Matagumpay na naisagawa ng   ang Training on Farm Management with Financial Literacy noong Agosto 4–6, 2026, kung saan m...
06/08/2026

Matagumpay na naisagawa ng ang Training on Farm Management with Financial Literacy noong Agosto 4–6, 2026, kung saan matagumpay na nakapagtapos ang 18 magsasaka mula sa Puerto Princesa City, Palawan.

Upang mapaunlad ang kaalaman at kakayahan ng mga magniniyog sa pamamahala ng sakahan at financial literacy, tinalakay sa pagsasanay ang mga paksa hinggil sa Coconut Farmers and Industry Development Plan (CFIDP), wastong pamamahala sa taniman ng niyog, ekonomiks ng niyog, at batayang kaalaman sa financial literacy.

Naging mas makabuluhan ang pagsasanay sa pagdalo ni ATI-MIMAROPA Center Director Pat Andrew B. Barrientos, na nagbahagi ng kanyang mensahe sa mga kalahok. Binigyang-diin niya ang mga benepisyong hatid ng Republic Act No. 11524 at hinikayat ang mga magsasaka na patuloy na pagyamanin ang kanilang kaalaman at ibahagi ito sa susunod na henerasyon, lalo na sa mga kabataan.

“Ang magandang ani sa bukid ay isang biyaya, at ang wastong pamamahala ang susi upang ito ay mapakinabangan at mapanatili. Sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng kaalaman, ang biyayang ito ay magiging pangmatagalang kabuhayan para sa bawat pamilya,” ani niya.

Nagsilbing mga tagapagsalita sina Bb. Jovielyn M. Fajardo, Insurance Representative ng PCIC–Palawan; G. Jussart I. Obsanga, Account Officer ng LBP–Palawan; at sina Bb. April Christine F. Robea, Accountant I; G. Christian Albert R. Sarabia, Training Specialist I; at Bb. Charlot M. Sapungan, Technical Staff, mula sa ATI-MIMAROPA.

Bukod sa mga lecture-discussion, aktibong lumahok ang mga kalahok sa iba't ibang workshop activities upang higit na mapalalim ang kanilang pag-unawa at kasanayan.

Para sa ibang impormasyon, bisitahin ang ati.da.gov.ph/ati-4b

Ikinagagalak ng   na makita ang Mobile FITS na aktibong ginagamit ng FITS Center–Abra de Ilog, Occidental Mindoro sa isi...
06/08/2026

Ikinagagalak ng na makita ang Mobile FITS na aktibong ginagamit ng FITS Center–Abra de Ilog, Occidental Mindoro sa isinagawang Culminating Activities on the Nutrition Convergence Program at Serbisyo Caravan.

Ang Mobile FITS ay isang portable at madaling i-set up na information booth na maaaring gamitin sa iba't ibang aktibidad, programa, at extension activities sa komunidad. Layunin nitong gawing mas accessible ang mga impormasyon, teknolohiya, at serbisyong pang-agrikultura, upang mas maraming magsasaka, mangingisda, at iba pang stakeholders ang maabot sa iba't ibang lugar.

Lubos na nagpapasalamat ang ATI-MIMAROPA sa LGU Abra de Ilog sa patuloy na pakikiisa at mahusay na paggamit ng Mobile FITS.

Para sa ibang impormasyon, bisitahin ang ati.da.gov.ph/ati-4b

𝗦𝗘𝗔𝗦𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗔𝗚𝗥𝗢𝗠𝗘𝗧 𝗔𝗗𝗩𝗜𝗦𝗢𝗥𝗬 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗔𝗚𝗢𝗦𝗧𝗢 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗛𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗘𝗥𝗢 𝟮𝟬𝟮𝟳𝗜𝗡𝗔𝗔𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗣𝗘𝗞𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗔𝗚𝗥𝗜𝗞𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗔 🌾🌦️𝗔𝗴𝗼𝘀𝘁𝗼 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗦𝗲𝘁...
06/08/2026

𝗦𝗘𝗔𝗦𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗔𝗚𝗥𝗢𝗠𝗘𝗧 𝗔𝗗𝗩𝗜𝗦𝗢𝗥𝗬 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗔𝗚𝗢𝗦𝗧𝗢 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗛𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗘𝗥𝗢 𝟮𝟬𝟮𝟳

𝗜𝗡𝗔𝗔𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗣𝗘𝗞𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗔𝗚𝗥𝗜𝗞𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗔 🌾🌦️

𝗔𝗴𝗼𝘀𝘁𝗼 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗦𝗲𝘁𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗲 𝟮𝟬𝟮𝟲
• 𝗞𝗮𝗻𝗹𝘂𝗿𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝗻𝗴 𝗟𝘂𝘇𝗼𝗻: Samantalahin ang pag-ulan para sa pagtatanim ng palay at iba pang pananim, ngunit maghanda sa mabilis na pagtuyo ng lupa pagsapit ng Setyembre.
• 𝗩𝗶𝘀𝗮𝘆𝗮𝘀 𝗮𝘁 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗮𝗻𝗮𝗼: Maaaring magamit ng mga magsasaka ang pag-ulan sa Setyembre para sa kanilang pagtatanim.

𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿𝗲 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗘𝗻𝗲𝗿𝗼 𝟮𝟬𝟮𝟳
• Maaring magkaron ng 𝗱𝗿𝘆 𝘀𝗽𝗲𝗹𝗹 𝗮𝘁 𝗱𝗿𝗼𝘂𝗴𝗵𝘁 (𝘁𝗮𝗴𝘁𝘂𝘆𝗼𝘁) dahil sa mababang dami ng ulan sa karamihan ng mga lugar.
• Ang pangunahing produksyon ng palay at mais sa 𝗚𝗶𝘁𝗻𝗮 𝗮𝘁 𝗧𝗶𝗺𝗼𝗴 𝗟𝘂𝘇𝗼𝗻, pati na rin sa 𝗛𝗶𝗹𝗮𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗮𝗻𝗮𝗼, ay maaaring makaranas ng kawalan ng moisture sa lupa (soil moisture stress), na pwedeng magdulot ng mas mababang ani para sa second cropping season.

𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗗𝗿𝗼𝘂𝗴𝗵𝘁 𝗢𝘂𝘁𝗹𝗼𝗼𝗸:
• May umiiral nang 𝗱𝗿𝗼𝘂𝗴𝗵𝘁 𝘀𝗶𝗴𝗻𝗮𝗹 sa ilang bahagi ng 𝗖𝗮𝗴𝗮𝘆𝗮𝗻, 𝗜𝘀𝗮𝗯𝗲𝗹𝗮, 𝗮𝘁 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗮𝘀𝗶𝗻𝗮𝗻 na posibleng lalo pang mag-intensify.
• Ang iba pang mga lalawigan ay nagpapakita rin ng lumalaking tyansa ng tagtuyot mula Agosto 2026 hanggang Enero 2027.

Mag-report agad sa DA Regional Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Office o sa inyong Provincial/Municipal Agricultural Office kung mayroong damage and losses sa inyong lugar dulot ng panahon. 📝

📢 Ang Seasonal Agrometeorological Advisory ay ina-update buwan-buwan; para sa karagdagang impormasyon para sa mga pananim na palay at mais, basahin ang 𝗧𝗲𝗰𝗵𝗻𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗡𝗼𝘁𝗲 𝗱𝗶𝘁𝗼: bit.ly/TechnicalNote_SF-001 🌾🌧️

Ang mga impormasyon na nakalaap dito ay nagmula sa 198th Climate Outlook Forum ng DOST-PAGASA at Agricultural Drought Outlook mula Hulyo hanggang Disyembre 2026 ng DA-Bureau of Soils and Water Management.

[SF-CO-2026-001]

𝗦𝗘𝗔𝗦𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗔𝗚𝗥𝗢𝗠𝗘𝗧 𝗔𝗗𝗩𝗜𝗦𝗢𝗥𝗬 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗔𝗚𝗢𝗦𝗧𝗢 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗛𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗘𝗥𝗢 𝟮𝟬𝟮𝟳

𝗜𝗡𝗔𝗔𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗣𝗘𝗞𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗔𝗚𝗥𝗜𝗞𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗔 🌾🌦️

𝗔𝗴𝗼𝘀𝘁𝗼 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗦𝗲𝘁𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗲 𝟮𝟬𝟮𝟲
• 𝗞𝗮𝗻𝗹𝘂𝗿𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝗻𝗴 𝗟𝘂𝘇𝗼𝗻: Samantalahin ang pag-ulan para sa pagtatanim ng palay at iba pang pananim, ngunit maghanda sa mabilis na pagtuyo ng lupa pagsapit ng Setyembre.
• 𝗩𝗶𝘀𝗮𝘆𝗮𝘀 𝗮𝘁 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗮𝗻𝗮𝗼: Maaaring magamit ng mga magsasaka ang pag-ulan sa Setyembre para sa kanilang pagtatanim.

𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿𝗲 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗘𝗻𝗲𝗿𝗼 𝟮𝟬𝟮𝟳
• Maaring magkaron ng 𝗱𝗿𝘆 𝘀𝗽𝗲𝗹𝗹 𝗮𝘁 𝗱𝗿𝗼𝘂𝗴𝗵𝘁 (𝘁𝗮𝗴𝘁𝘂𝘆𝗼𝘁) dahil sa mababang dami ng ulan sa karamihan ng mga lugar.
• Ang pangunahing produksyon ng palay at mais sa 𝗚𝗶𝘁𝗻𝗮 𝗮𝘁 𝗧𝗶𝗺𝗼𝗴 𝗟𝘂𝘇𝗼𝗻, pati na rin sa 𝗛𝗶𝗹𝗮𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗮𝗻𝗮𝗼, ay maaaring makaranas ng kawalan ng moisture sa lupa (soil moisture stress), na pwedeng magdulot ng mas mababang ani para sa second cropping season.

𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗗𝗿𝗼𝘂𝗴𝗵𝘁 𝗢𝘂𝘁𝗹𝗼𝗼𝗸:
• May umiiral nang 𝗱𝗿𝗼𝘂𝗴𝗵𝘁 𝘀𝗶𝗴𝗻𝗮𝗹 sa ilang bahagi ng 𝗖𝗮𝗴𝗮𝘆𝗮𝗻, 𝗜𝘀𝗮𝗯𝗲𝗹𝗮, 𝗮𝘁 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗮𝘀𝗶𝗻𝗮𝗻 na posibleng lalo pang mag-intensify.
• Ang iba pang mga lalawigan ay nagpapakita rin ng lumalaking tyansa ng tagtuyot mula Agosto 2026 hanggang Enero 2027.

Mag-report agad sa DA Regional Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Office o sa inyong Provincial/Municipal Agricultural Office kung mayroong damage and losses sa inyong lugar dulot ng panahon. 📝

📢 Ang Seasonal Agrometeorological Advisory ay ina-update buwan-buwan; para sa karagdagang impormasyon para sa mga pananim na palay at mais, basahin ang 𝗧𝗲𝗰𝗵𝗻𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗡𝗼𝘁𝗲 𝗱𝗶𝘁𝗼: bit.ly/TechnicalNote_SF-001 🌾🌧️

Ang mga impormasyon na nakalaap dito ay nagmula sa 198th Climate Outlook Forum ng DOST-PAGASA at Agricultural Drought Outlook mula Hulyo hanggang Disyembre 2026 ng DA-Bureau of Soils and Water Management.

[SF-CO-2026-001]

The  , represented by Center Director Pat Andrew B. Barrientos, participated in the 30th Regional Research and Developme...
06/08/2026

The , represented by Center Director Pat Andrew B. Barrientos, participated in the 30th Regional Research and Development Coordinating Council (RRDCC) Meeting of the MIMAROPA Agriculture, Aquatic, and Natural Resources Research and Development Consortium (MAARRDEC) on August 4, 2026, at St. Giles Hotel, Makati City.

The meeting brought together Consortium Member Institutions (CMIs), government agencies, and partner organizations to discuss regional priority commodities, proposed MAARRDEC activities, the Consortium's accomplishments, and updates from DOST-PCAARRD.

Together, MAARRDEC and its partners continue to strengthen collaboration, foster innovation, and promote sustainable development across the MIMAROPA Region.

Para sa ibang impormasyon, bisitahin ang ati.da.gov.ph/ati-4b

Kasalukuyang isinasagawa ng  , katuwang ang DA MIMAROPA Region, ang Training on Chicken Layer Production mula Agosto 4-6...
06/08/2026

Kasalukuyang isinasagawa ng , katuwang ang DA MIMAROPA Region, ang Training on Chicken Layer Production mula Agosto 4-6 sa ATI-RTC MIMAROPA, Barcenaga, Naujan, Oriental Mindoro.

Lumalahok sa pagsasanay ang 21 farmer-beneficiaries ng Livestock Economic Enterprise Development (LEED) Program mula sa iba't ibang asosasyon at kooperatiba sa Oriental Mindoro. Layunin nitong mapalawak ang kanilang kaalaman at kasanayan sa wastong pamamahala ng chicken layer production upang mapataas ang produksyon at higit pang mapalago ang kanilang kabuhayan.

Pormal na binuksan ang pagsasanay ni G. Jayson N. Erondo, OIC-Assistant Center Director ng ATI-MIMAROPA. Sa kanyang mensahe, hinikayat niya ang mga kalahok na seryosohin at isabuhay ang mga kaalamang kanilang matututuhan.

"Isa lamang ang hiling ng ahensya: anuman ang inyong matutunan sa pagsasanay na ito, sana ay inyong seryosohin, isa-puso, isa-isip, at higit sa lahat, ay isabuhay at isagawa sa pagpapatupad ng mga programang inyong natanggap," ani niya.

Nagsisilbing mga taga-pagsalita sina Gng. Monette S. De Castro-Naagas ng Mindoro State University at Bb. Kristel Joy M. Obando ng ATI-MIMAROPA.

Bilang bahagi ng pagsasanay, bibisita ang mga kalahok sa isang chicken layer farm sa Brgy. Paniquian, Naujan, ngayong Agosto 6, upang masaksihan ang aktuwal na operasyon at wastong pamamahala ng isang chicken layer enterprise.

Para sa ibang impormasyon, bisitahin ang ati.da.gov.ph/ati-4b

In a major thrust to strengthen urban and peri-urban food security and sufficiency, the Department of Agriculture (DA) a...
05/08/2026

In a major thrust to strengthen urban and peri-urban food security and sufficiency, the Department of Agriculture (DA) and the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) signed a Memorandum of Agreement today, August 5, 2026, at the TESDA Headquarters, Taguig City.

This strategic partnership is set to scale up sustainable food production systems across the nation’s urban and peri-urban communities.

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalawak ng access sa makabago at napapanahong impormasyon sa agrikultura, nagsagawa ang...
05/08/2026

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalawak ng access sa makabago at napapanahong impormasyon sa agrikultura, nagsagawa ang , sa pamamagitan ng Information Services Section, ng pamamahagi ng Mobile FITS sa mga Farmers' Information and Technology Services (FITS) Centers at FITS Kiosks sa lalawigan ng Romblon noong Agosto2-4, 2026.

Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, lalo pang mapapalakas ang paghahatid ng mga serbisyong pang-agrikultura sa pamamagitan ng Mobile FITS—isang portable at madaling i-set up na information booth na maaaring gamitin sa iba't ibang aktibidad, programa, at extension activities sa komunidad.

Kasabay nito, nagsagawa rin ng FITS monitoring sa mga nasabing lalawigan upang masuri ang kasalukuyang kalagayan ng mga pasilidad at matukoy ang kanilang mga pangangailangan at hamon sa operasyon.

Para sa ibang impormasyon, bisitahin ang ati.da.gov.ph/ati-4b

05/08/2026

Mga Ka-Agri!

Halina't makinig sa unang episode ng 𝐀𝐠𝐫𝐢-𝐔𝐬𝐚𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐇𝐢𝐠𝐡-𝐕𝐚𝐥𝐮𝐞, 𝘬𝘸𝘦𝘯𝘵𝘶𝘩𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘺 𝘬𝘢𝘣𝘶𝘭𝘶𝘩𝘢𝘯 𝘵𝘶𝘯𝘨𝘬𝘰𝘭 𝘴𝘢 𝘏𝘪𝘨𝘩-𝘝𝘢𝘭𝘶𝘦 𝘊𝘳𝘰𝘱𝘴 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘴𝘢𝘴𝘢𝘬𝘢 𝘴𝘢 𝘳𝘦𝘩𝘪𝘺𝘰𝘯 𝘯𝘨 𝘔𝘐𝘔𝘈𝘙𝘖𝘗𝘈.

Mapapanood din ang ating pagsasaere sa ating mga katuwang na partner radio stations: Radyo Natin Calapan, Radyo Natin Bongabong, Radyo Natin Looc-Romblon, Radyo Natin Sta. Cruz-Marinduque, DWRM Palawan, at Radyo Natin Sablayan.

Tumutok at matuto dahil ang kaalaman ay simula ng pagbabago. At ang pagbabago ay nagsisimula sa bawat magsasakang patuloy na nagsusumikap para sa patuloy na pag-unlad ng agrikultura!

Address

Barcenaga, Oriental Mindoro
Naujan
5204

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639498895477

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ATI-MIMAROPA posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to ATI-MIMAROPA:

Shortcuts

Share

Category