Toby Tiangco

Directions Website

Toby Tiangco The Official page of Navotas City Congressman Toby Tiangco

Lubos po tayong nagpapasalamat sa ating kapwa Navoteño at Executive Director at Undersecretary ng National Authority for...
04/09/2026

Lubos po tayong nagpapasalamat sa ating kapwa Navoteño at Executive Director at Undersecretary ng National Authority for Child Care (NACC), Atty. Maria Gabriela Concepcion, sa kanyang paghatid ng napakagandang programa na magsusulong ng alternative child care sa ating lungsod.

Katuwang ang , ako ’y puno ng pagasa na lalong mapapatibay ang mga serbisyo at suporta ng ating pamahalaang lungsod para sa mga batang Navoteño na nangangailangan ng kalinga at proteksyon.











03/09/2026
Congratulations po sa napakaswerteng graduates ng DOLE Integrated Livelihood Program! Nakakuha na sila ng libreng traini...
02/09/2026

Congratulations po sa napakaswerteng graduates ng DOLE Integrated Livelihood Program! Nakakuha na sila ng libreng training, nabigyan pa sila ng kabuhayan packages gaya ng Karinderya Livelihood Package na kumpleto – may manok, bigas, baboy, rice cooker, at iba’t ibang sangkap kaya iluluto na lang at may instant business na 😀

Tayo po ay lubos na nagpapasalamat sa national government at sa sa kanilang suporta sa ating request para masangkatuparan ito 😊

Sa hirap po ng buhay po ngayon maganda na marami tayong skills para marami tayong oportunidad kumita.

‘Pag nag-aral po kayo sa DOLE Integrated Livelihood Program, basta’t may pondo, ay sagot na nila ang inyong paunang gamit sa business kaya hindi ninyo na pro-problemahin ang puhunan para magsimula ng kabuhayan.

Kaya, inquire na po sa ating Pamahalaang Lungsod ng Navotas ukol sa mga programang meron tayo para sa pag-angat ng skills at ng inyong buhay 😊💚😊








Ang ganda po ng energy pagpasok ko sa graduation ceremony ng Navotaas Institute noong nakaraang August 27.  Dama mo yung...
01/09/2026

Ang ganda po ng energy pagpasok ko sa graduation ceremony ng Navotaas Institute noong nakaraang August 27. Dama mo yung feeling ng tagumpay at kita mo ang mga ngiting tagumpay ng mga naroroon 😊💚

Nakakatuwa na ang 27 na graduates ng Automotive Engine Repair ay mga Coast Guards po. up po sila ng kaalaman at skills kasi nagbibigay sila ng libreng sakay ‘pag masama ang panahon kaya tama nga naman na marunong sila mag-ayos ng mga sasakyang ginagamit nila pang service sa ating mga kababayan👍👍

Muli, congratulations po sa inyo at sa 26 trainees ng Shielded Metal Arc Welding NC2, 47 trainees ng Bread and Pastry Production NC2, 22 trainees ng tailoring, 61 trainees ng Japanese language, 34 trainees ng Korean language,19 trainees ng Barista, 43 trainees ng Food and Beverage Services, 22 trainees ng massage Therapy, At 28 trainees ng Housekeeping!

Proud po ako sa inyong lahat sa inyong pagpupursigi na matuto at iangat ang inyong kakayahan at hangad ko po sa inyo ay tuloy-tuloy na pag-angat ng inyong mga buhay 😊💚😊

Sa lahat po ng mga katuwang natin sa pag-angat ng buhay ng Navoteño sa maraming salamat po at mabuhay kayong lahat!







31/08/2026

Malugod na pagbati po ngayong Araw ng Mga Bayani po sa inyong lahat 😊💚🇵🇭

Bilang pagpupugay sa mga magigiting nating bayani, sikapin po natin na sundin ang batas ng Diyos at batas ng bayan.

Maging mabuti mga anak at mga mamamayan.😊💚😊

Lumaban sa katiwalian.

At iangat ang bawat isa at magtulungan 🙂









30/08/2026

po sa mga nagwagi sa contest at salamat po sa lahat ng nakilahok sa ating munting pampa 😀

Kung isa po kayo sa nanalo, i-claim ang inyong cash prize na P1,000 sa 2nd floor, Navotas City General Services Office, Navotas City Hall Compound mula Monday – Friday, 9AM-5PM. Magdala ng valid ID at ipakita po ang inyong 😊

Congrats po muli at happy long weekend! 😊







Pinatawag po natin uli ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) National Capital Region (NCR) sa ngala...
30/08/2026

Pinatawag po natin uli ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) National Capital Region (NCR) sa ngalan ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ukol sa pinahintong pag-repair ng pader sa Celest St, Barangay San Jose.

Dapat po ay nuong Agosto 18 ang meeting namin kaya lang dahil kanselado ang trabaho sa lakas ng ulan ay nuong Lunes, Agosto 24 natuloy ang aming meeting.

Ito po yung gumuhong retaining wall sa private property noong nakaraang taon noong panahon ng bagyo.

Dahil may tatamaang mangroves, pinahinto ng DENR ang paggawa ng pader at ang rekomendasyon nila ay iadjust ang retaining wall ng ilang metro.

Ang probema po ay ang katabi ng pinagtatayuan ng pader ay private property na ayaw magbenta.

Ang tanong po natin sa DENR ay “Ano po ba ang mas importante? Mangroves o buhay ng tao?"

Hindi naman po tayo tutol na protektahan ang mangroves, pero sa sitwasyong ito ay buhay ng tao ang nakasalalay.

Ipinaliwanag ko din sa kanila at pinakita ang Google Map na puro kabahayan ang nakapaligid duon.

Nung Myerkules, Agosto 26 ay pinaalam nila na may solusyon na at bibigyan na nila ng pahintulot na ipagpatuloy ang paggawa ng pader




Address

Navotas

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Toby Tiangco posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category