28/07/2026
SABAYANG PAGTATANIM NG MGA PUNO 2026 🌱
Bilang pakikiisa sa paggunita ng Provincial Arbor Day, matagumpay na nakilahok ang Pamahalaang Bayan ng Pagsanjan sa Sabayang Pagtatanim ng mga Puno na ginanap noong Hulyo 28, 2026 sa Barangay Calusiche, Pagsanjan, Laguna.
Pinangunahan ito ng ating butihing Punong Bayan, Hon. Juanario Ferry Garcia, kasama ang iba't ibang tanggapan ng Pamahalaang Bayan ng Pagsanjan at ang Climate Change Group – Pagsanjan, bilang patunay ng ating sama-samang adhikain na pangalagaan ang kalikasan at mapalakas ang mga hakbang laban sa epekto ng climate change.
Ang bawat punong itinanim ay simbolo ng ating pagmamahal sa kalikasan at pamana para sa mga susunod na henerasyon. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, patuloy nating isinusulong ang isang mas luntian, mas malinis, at mas ligtas na Pagsanjan.
🌱 "Magtanim ngayon, upang ang kinabukasan ay manatiling luntian."