26/04/2026
💨 HAZE ALERT SA METRO MANILA DULOT NG NAGPAPATULOY NA SUNOG SA NAVOTAS SANITARY LANDFILL 🔥
As of 10:00 PM, April 26, 2026, Sunday
Dahil sa nagpapatuloy na sunog na sumiklab sa Navotas Sanitary Landfill, asahan ang haze na dinadala ng kasalukuyang direksyon ng hangin sa ilang bahagi ng ngayong gabi:
METRO MANILA
• Navotas City
• Malabon City
• Valenzuela City
• Caloocan City
• Quezon City
• Manila City
• San Juan City
• Mandaluyong City
• Makati City
• Pasay City
• Taguig City
• Paranaque City
• Las Piñas City
Ang haze ay mapanganib sa kalusugan, lalo na sa mga bata, matatanda, at mga may sakit sa baga. Hanggang sa hindi pa humuhupa ang sunog, narito ang mga paalala sa lahat ng mga residenteng nakatira sa mga nabanggit na lugar:
• Manatili sa loob ng bahay at isara ang lahat ng bintana at pinto.
• Magsuot ng face mask kung kailangang lumabas ng bahay.
• Iwasan ang pag-eehersisyo o mabibigat na gawain sa labas.
• Uminom ng maraming tubig upang manatiling hydrated.
• Mag-ingat sa pagmamaneho dahil sa malabong paningin sa kalsada (low visibility).
• Agad magpatingin sa doktor kung nahihirapang huminga o sumasakit ang dibdib.
Manatiling ligtas at alerto! Mag-antabay sa mga susunod na updates.
Philippine Emergency Alerts Monitoring Center