28/07/2026
Sa utos ng ating butihing Kapitan Pol Casale at BHRAO Kagawad Tess Castillo, ligtas na naihatid sa Pangasinan ang isa nating kabarangay na naging biktima ng pang-aabuso.
Sa pagtutulungan ng City Social Welfare and Development (CSWD) at Barangay San Antonio Womens Desk naging maayos at ligtas ang pagbabalik nila sa kanilang pamilya. Patuloy nating ipinaaalala na ang ating barangay ay handang umalalay at magbigay ng suporta sa mga biktima ng anumang uri ng karahasan at pang-aabuso.
Maraming salamat sa lahat ng naging katuwang sa misyong ito. Sama-sama nating isulong ang isang komunidad na ligtas, may malasakit, at may paggalang sa karapatan ng bawat isa.