05/08/2026
๐๐ก ๐ฃ๐๐ข๐ง๐ข๐ฆ | ๐๐ฆ๐ช๐ ๐๐ถ๐ฐ๐ผ๐น ๐ฅ๐ฒ๐น๐ฒ๐ฎ๐๐ฒ๐ โฑ50.1๐ ๐๐บ๐ฒ๐ฟ๐ด๐ฒ๐ป๐ฐ๐ ๐๐ฎ๐๐ต ๐ง๐ฟ๐ฎ๐ป๐๐ณ๐ฒ๐ฟ๐ ๐๐ผ ๐ฆ๐๐ฝ๐ฒ๐ฟ ๐ง๐๐ฝ๐ต๐ผ๐ผ๐ป ๐จ๐๐ฎ๐ป-๐๐ณ๐ณ๐ฒ๐ฐ๐๐ฒ๐ฑ ๐๐ฎ๐บ๐ถ๐น๐ถ๐ฒ๐ ๐ถ๐ป ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฐ๐ฎ๐น๐ฒ
Patuloy ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office V โ Bicol Region sa paghahatid ng Emergency Cash Transfer (ECT) sa mga pamilyang naapektuhan ng Super Typhoon Uwan, bilang bahagi ng mga hakbang ng Kagawaran para sa kanilang agarang pagtugon, rehabilitasyon, at pagbangon.
Ang ECT Pay-Out ay isinagawa sa ibaโt ibang lugar sa Paracale, kabilang ang Ginintuang Bulwagan, Poblacion Sur, Paracale, Camarines Norte para sa Day 1 at Tugos, Paracale, Camarines Norte Covered Court para sa Day 2.
Lubos na pinahahalagahan ng DSWD ang presensya at pakikiisa ni ๐๐๐๐๐ค๐ฃ๐๐ก ๐ฟ๐๐ง๐๐๐ฉ๐ค๐ง ๐๐ค๐ง๐ข๐๐ฃ ๐. ๐๐๐ช๐ง๐๐ค sa isinagawang ECT Pay-Out, gayundin ang mahalagang ambag ng mga kawani ng DSWD at mga katuwang na Local Government Units (LGUs) sa maayos na pagpapatupad ng programa.
Sa kabuuan, 9,198 ๐๐๐ง๐๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐๐ซ๐ฒ๐จ ang nakatakdang makatanggap ng emergency financial assistance na nagkakahalaga ng โฑ50,162,434.00, na ipinagkaloob sa pamamagitan ng grant mula sa Asian Development Bank (ADB). Mula rito, 8,890 slightly-affected families ang tatanggap ng โฑ5,287.00 bawat isa, habang 308 severely-affected families naman ang tatanggap ng โฑ10,263.00 bawat isa.
Ang Emergency Cash Transfer (ECT) ay isang specialized post-disaster multi-purpose cash assistance ng DSWD na naglalayong matulungan ang mga pamilyang nasalanta ng kalamidad na matugunan ang kanilang agarang pangangailangan at magkaroon ng mas maayos na paglipat mula sa emergency relief tungo sa pangmatagalang rehabilitasyon at pagbangon.
Alinsunod sa direktiba ni ๐ท๐๐๐๐๐
๐๐๐ ๐ญ๐๐๐
๐๐๐๐๐
๐น. ๐ด๐๐๐๐๐ ๐ฑ๐. na pabilisin ang pagbangon ng mga komunidad, patuloy na nakikipagtulungan ang DSWD Field Office V sa mga LGU upang masubaybayan at matugunan ang pangangailangan ng mga apektadong pamilya sa buong lalawigan.
Narito ang nakatakdang iskedyul ng ECT Pay-Out para sa mga susunod na araw:
August 6, 2026 โ Day 3
AM โ Batobalani
PM โ Bagumbayan
Ginintuang Bulwagan ng Paracale
August 7, 2026 โ Day 4
AM โ Capacuan, Macolabo
PM โ Casalugan
Brgy. Tugos Covered Court
August 10, 2026 โ Day 5
AM โ Tawig
PM โ Palanas
Ginintuang Bulwagan ng Paracale
August 11, 2026 โ Day 6
AM โ Gumaus
PM โ Malaguit
Ginintuang Bulwagan ng Paracale
August 12, 2026 โ Day 7
Whole Day โ Tugos
Brgy. Tugos Covered Court
August 13, 2026 โ Day 8
AM โ Poblacion Norte
PM โ Poblacion Sur
Ginintuang Bulwagan ng Paracale