FITS Center - Pililla, Rizal

FITS Center - Pililla, Rizal Official page of Municipal Agriculture Office - Pililla

🌧️ Para sa mga Magsasaka at Mangingisda ng Bayan ng Pililla, RizalAyon sa kasalukuyang weather forecast, inaasahan ang m...
03/08/2026

🌧️ Para sa mga Magsasaka at Mangingisda ng Bayan ng Pililla, Rizal

Ayon sa kasalukuyang weather forecast, inaasahan ang malalakas na pag-ulan ngayong araw (Lunes) at may posibilidad na magpatuloy ang maulan at may pagkidlat-pagkulog sa mga susunod na araw.

🌾 Para sa mga Magsasaka:
βœ… Siguraduhing maayos ang daluyan ng tubig sa mga bukirin upang maiwasan ang pagbaha.
βœ… Kung may planong pag-aani o pagpapatuyo ng ani, isaalang-alang ang lagay ng panahon bago magsagawa ng gawain.
βœ… Bantayan ang mga alagang hayop at ilipat sa ligtas at tuyong lugar kung kinakailangan.

🎣 Para sa mga Mangingisda:
⚠️ Iwasan ang paglalayag kung may malakas na ulan, pagkidlat, o pabugso-bugsong hangin.
⚠️ Ugaliing alamin ang pinakahuling weather bulletin bago pumalaot.
⚠️ Unahin ang kaligtasan at magsuot ng life jacket kung kinakailangang bumiyahe sa katubigan.

πŸ“Œ 🌧️ Ingat po ang lahat. Ang kaligtasan ng bawat magsasaka at mangingisda ang ating pangunahing prayoridad.


11/07/2026
🌧️ PAALALA SA LAHAT, LALO NA SA MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA 🌊Ayon sa lagay ng panahon, inaasahang magpapatuloy ang mga ...
11/07/2026

🌧️ PAALALA SA LAHAT, LALO NA SA MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA 🌊

Ayon sa lagay ng panahon, inaasahang magpapatuloy ang mga pag-ulan at pabagu-bagong kondisyon ng panahon sa mga susunod na araw. Posible ring makaranas ng malalakas na buhos ng ulan, pagbugso ng hangin, at pagtaas ng alon sa ilang lugar.

🌾 Sa ating mga magsasaka: Ugaliing bantayan ang inyong mga pananim at magsagawa ng mga kinakailangang hakbang upang mabawasan ang posibleng pinsala dulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan at pagbaha.

🎣 Sa ating mga mangingisda: Mahigpit na pinapayuhan ang lahat na maging mapagmatyag at iwasang pumalaot kung masama ang kondisyon ng dagat. Unahin ang kaligtasan at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso tungkol sa lagay ng panahon.

πŸ“’ Manatiling updated sa mga opisyal na weather bulletin at sundin ang mga abiso ng ating lokal na pamahalaan at mga kinauukulang ahensya.

Ang kaligtasan ng bawat isa ang ating pangunahing prayoridad. Mag-ingat po tayong lahat!

Bilang bahagi ng ating patuloy na kampanya laban sa rabies, isinagawa ang Emergency Rabies Response: Mass Vaccination of...
11/07/2026

Bilang bahagi ng ating patuloy na kampanya laban sa rabies, isinagawa ang Emergency Rabies Response: Mass Vaccination of Dogs and Cats sa Barangay Hulo upang maprotektahan ang kalusugan ng ating mga alagang hayop at ng buong komunidad.

Maraming salamat sa lahat ng mga pet owners na nakiisa at nagpabakuna ng kanilang mga alagang a*o at pusa. Sa sama-samang pagkilos, mas mapapalakas natin ang ating laban kontra rabies at mapananatiling ligtas ang ating barangay.

Responsableng pag-aalaga, ligtas na komunidad. Sama-sama nating wakasan ang rabies! πŸ’‰πŸΎ




Patuloy na isinasagawa ang Pregnancy Diagnosis sa Bayan ng Pililla upang matukoy ang pagbubuntis ng mga alagang hayop at...
10/07/2026

Patuloy na isinasagawa ang Pregnancy Diagnosis sa Bayan ng Pililla upang matukoy ang pagbubuntis ng mga alagang hayop at matiyak ang kanilang maayos na pangangalaga.

Layunin ng programang ito na matulungan ang mga nag-aalaga ng hayop sa tamang pagpaplano ng pagpaparami, pagpapakain, at pangangalaga upang mapanatili ang kalusugan ng mga inahing hayop at mapataas ang produktibidad ng kanilang alaga.

Sama-sama nating suportahan ang mga programang pangbeterinaryo para sa mas maunlad na sektor ng paghahayupan sa ating bayan.

Bilang bahagi ng ating patuloy na kampanya para sa Responsible Pet Ownership at pag-iwas sa rabies, tuloy-tuloy ang pags...
10/07/2026

Bilang bahagi ng ating patuloy na kampanya para sa Responsible Pet Ownership at pag-iwas sa rabies, tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng Libreng Rabies Vaccination sa iba't ibang barangay ng Bayan ng Pililla, Rizal.

Maraming salamat sa mga responsableng pet owners na nakiisa at nagdala ng kanilang mga alagang a*o at pusa upang mabakunahan. Sa inyong pakikiisa, mas napapalapit natin ang layunin na mapanatiling ligtas ang ating mga pamilya, komunidad, at mga alagang hayop laban sa rabies.

Inaanyayahan pa rin ang lahat ng pet owners na makiisa sa mga susunod na iskedyul ng pagbabakuna. Sama-sama nating isulong ang isang Rabies-Free Pililla!

🐾 Bakuna para sa alaga, proteksyon para sa buong pamilya.





Masayang isinasagawa ang Training on Corn Production Technologies and Enterprise Development sa Barangay Wawa, Pililla, ...
10/07/2026

Masayang isinasagawa ang Training on Corn Production Technologies and Enterprise Development sa Barangay Wawa, Pililla, Rizal. Layunin ng pagsasanay na mapalawak ang kaalaman at kasanayan ng mga magsasaka sa makabagong teknolohiya sa produksyon ng mais at pagpapaunlad ng agri-negosyo upang mapataas ang ani at kita.

Sama-sama tungo sa mas maunlad at masaganang sektor ng agrikultura! πŸŒ½πŸ’š






Patuloy na pinalalakas ang kakayahan ng mga magsasaka ng mais sa Pililla, Rizal sa pamamagitan ng unang pangkat ng Train...
10/07/2026

Patuloy na pinalalakas ang kakayahan ng mga magsasaka ng mais sa Pililla, Rizal sa pamamagitan ng unang pangkat ng Training on Corn Production Technologies and Enterprise Development.

Layunin ng pagsasanay na mapahusay ang kaalaman at kasanayan ng mga magmamais sa produksyon, pamamahala ng postharvest, pagbuo ng agri-negosyo, at pagma-market ng mga produktong mais upang mas mapalago ang kita at maging mas matatag ang kanilang mga kabuhayan.

πŸ“’ PAALALA SA MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA NG BAYAN NG PILILLADahil sa paparating na bagyo, hinihikayat ang lahat na mags...
08/07/2026

πŸ“’ PAALALA SA MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA NG BAYAN NG PILILLA

Dahil sa paparating na bagyo, hinihikayat ang lahat na magsagawa ng kinakailangang paghahanda upang maprotektahan ang inyong pananim, alagang hayop, at mga kagamitan.

βœ… Siguraduhing ligtas ang inyong mga alagang hayop at mga pasilidad.
βœ… I-secure ang mga kagamitan at iba pang mahahalagang gamit sa sakahan.
βœ… Sundin ang mga abiso at babala ng lokal na pamahalaan at mga kinauukulang ahensya.

Kung sakaling magkaroon ng pinsala sa inyong pananim, palaisdaan, o alagang hayop, agad itong iulat sa Municipal Agriculture Office.

πŸ“Έ Mahalagang magbigay ng mga larawan na may geotag (location) bilang bahagi ng inyong damage report upang mapabilis ang beripikasyon at pagproseso ng ulat.

Maging alerto, mag-ingat, at unahin ang kaligtasan ng bawat isa.

Matagumpay na isinagawa ang deworming at vitamin supplementation para sa mga malalaking hayop sa Barangay Wawa, Pililla,...
06/07/2026

Matagumpay na isinagawa ang deworming at vitamin supplementation para sa mga malalaking hayop sa Barangay Wawa, Pililla, Rizal bilang bahagi ng patuloy na programa ng Pamahalaang Bayan ng Pililla sa pangangalaga sa kalusugan at kapakanan ng mga alagang hayop.

Address

Municipal Agriculture Office
Pililla
1910

Telephone

+639770444858

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when FITS Center - Pililla, Rizal posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to FITS Center - Pililla, Rizal:

Share