City Councilor Gerry Abad

City Councilor Gerry Abad Angat Bayan Abad Dapat
(1)

07/06/2026
07/06/2026
06/06/2026

COMMANDO MANDARAGAT CHAPTER πŸ’₯ WITH ASSISTANCE FROM COUNCILOR GERRY ABAD

Nag-Brigada Eskwela sa Mandaragat Elementary School 🏫

PPCBOI COMMANDO MANDARAGAT CHAPTER NAGSAGAWA NG BRIGADA ESKWELA SA MANDARAGAT ELEMENTARY SCHOOLNakiisa ang PPCBOI Comman...
06/06/2026

PPCBOI COMMANDO MANDARAGAT CHAPTER NAGSAGAWA NG BRIGADA ESKWELA SA MANDARAGAT ELEMENTARY SCHOOL

Nakiisa ang PPCBOI Commando Mandaragat Chapter sa taunang Brigada Eskwela sa Mandaragat Elementary School bilang bahagi ng kanilang patuloy na suporta sa edukasyon at bayanihan para sa kapakanan ng mga mag-aaral.

Pinangunahan ni Presidente Kosa Allan Tribiana, kasama ang iba pang opisyal at mga miyembro ng samahan, ang isinagawang paglilinis, pag-aayos, at iba pang boluntaryong gawain upang matiyak na magiging handa at maayos ang paaralan para sa pagbubukas ng klase.

Ayon sa grupo, mahalagang maipakita ang pagkakaisa at malasakit ng komunidad upang matulungan ang mga paaralan na magkaroon ng ligtas, malinis, at maayos na kapaligiran para sa mga estudyante.

Naging posible rin ang aktibidad sa suporta ng opisina ni Konsehal Gerry Abad, na patuloy na nagbibigay ng suporta sa mga programang nakatuon sa edukasyon, komunidad, at kapakanan ng mamamayan.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng mga organisasyon, volunteers, at local leaders, muling ipinakita ng Brigada Eskwela ang diwa ng bayanihan para sa mas magandang kinabukasan ng kabataan. πŸ’™β€οΈπŸ’›

BRIGADA ESKWELA NG COMMANDO BROTHERHOODInikot ng PPCBOI o Puerto Princesa Commando Brotherhood  Organization Inc. sa pam...
04/06/2026

BRIGADA ESKWELA NG COMMANDO BROTHERHOOD

Inikot ng PPCBOI o Puerto Princesa Commando Brotherhood Organization Inc. sa pamumuno ni President Noli Cervantes, kasama sina Chief Jury Ahl Villaluz at iba pang mga officers at ang tanggapan ni Konsehal Gerry Abad ang ilang paaralan sa Northern Puerto Princesa upang makilahok sa Brigada Eskwela bilang paghahanda sa pagsimula ng klase.

Totoong kapag nagsama-sama sa pagtutulungan, gumagaan ang mabigat na gawain. Mabuhay po kayo! πŸ’ͺπŸ‘Œ

TINATANGGAP ni Bb. Annaliza Favila ang donated printer mula po kina City Councilors Patrick Hagedorn at Gerry Abad para ...
04/06/2026

TINATANGGAP ni Bb. Annaliza Favila ang donated printer mula po kina City Councilors Patrick Hagedorn at Gerry Abad para sa BHW ng Bgy. Babuyan, Puerto Princesa City

03/06/2026

OUT-OF-TOWN COMMITTEE MEETING

Isinagawa natin ang Committee on Legal Matters Meeting sa Brgy. Buenavista kasama ang mga opisyal at kinatawan mula sa Cabayugan, Tagabinet, Macarascas, at Bahile bilang bahagi ng ating patuloy na paglapit ng serbisyo at pamahalaan sa mamamayan.

Naniniwala tayo na ang pinakamahalagang polisiya at desisyon ay nagsisimula sa pakikinig. Kaya mahalaga para sa atin na marinig mismo ang boses, saloobin, at mungkahi ng ating mga kababayan upang masigurong ang mga hakbang na ginagawa ay tunay na tumutugon sa kanilang pangangailangan at kapakanan. πŸ’›β€οΈπŸ’™

Nagkaroon po tayo ng pagkakataon na makadaupang-palad at makapagpulong sa mga kinatawan ng Winnerslife International Inc...
02/06/2026

Nagkaroon po tayo ng pagkakataon na makadaupang-palad at makapagpulong sa mga kinatawan ng Winnerslife International Inc. na bumisita sa ating opisina bilang bahagi ng pagpapalakas ng ugnayan at pagbabahagi ng mga adhikain para sa ating siyudad.

Lubos po nating pinahahalagahan ang kanilang pagbisita, mga pananaw, at mga inisyatibong maaaring makatulong sa patuloy na pag-unlad at pagbibigay ng mas maraming oportunidad para sa ating mga kababayan.

Bilang lingkod-bayan, nananatili po tayong bukas sa pakikipagtulungan at pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang sektor upang sama-sama nating maisulong ang mga programang makapagbibigay ng positibong pagbabago sa ating lungsod. Maraming salamat po sa inyong pagbisita at nawa’y maging daan ito sa mas matibay na partnership para sa kapakanan ng mamamayan. πŸ’›β€οΈπŸ’™

01/06/2026

Basta para sa mga bata, nandito ang KAIBIGAN MO, GERRY ABAD!

Address

Brgy. Mandaragat, Area 6
Puerto Princesa
5300

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when City Councilor Gerry Abad posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share