NCIP Calabarzon

NCIP Calabarzon The National Commission on Indigenous Peoples shall protect and promote the interest and well-being

๐—ง๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ป๐—ฎ๐—ป | Matagumpay na isinagawa ng NCIP Rizal Community Service Center (CSC) ang tatlong araw na aktibidad para sa Pag...
31/07/2026

๐—ง๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ป๐—ฎ๐—ป | Matagumpay na isinagawa ng NCIP Rizal Community Service Center (CSC) ang tatlong araw na aktibidad para sa Pagpapatibay ng Datos, Pagsusuri ng Kalagayan ng Dumagat/Remontado ICCs/IPs, Pagmamapa, at Pagsosona bilang bahagi ng pagbabalangkas ng Ancestral Domain Sustainable Development and Protection Plan (ADSDPP) ng Antipolo Ancestral Domain noong Hulyo 28โ€“30, 2026 sa Sitio Pantay, Brgy. Calawis, Antipolo City.

Ang mahalagang gawaing ito ay pinangunahan ni Ms. Karen Marie R. Gayod, Officer-in-Charge ng NCIP Rizal CSC, katuwang si Engr. Marshal G. Dulagan ng NCIP Regional Office IV-A, kasama ang mga kinatawan ng Prime Infra Foundation, at dinaluhan ng mga Community Working Group (CWG), Tribal Leaders, Elders, at iba pang kinatawan ng bawat komunidad.

Layunin ng aktibidad na mapagtibay at maitama ang mga nakalap na datos, masuri ang kasalukuyang kalagayang panlipunan, pangkabuhayan, pangkapaligiran, pangkultura, at pamamahala ng mga Dumagat/Remontado ICCs/IPs; at higit na mapalakas ang kanilang aktibong pakikilahok sa pagbabalangkas ng ADSDPP.

Mahalagang bahagi ng prosesong ito ang naging kontribusyon ng Prime Infra Foundation sa matagumpay na pangangalap ng datos sa pamamagitan ng isinagawang household census, na nagsilbing pangunahing batayan sa pagbuo ng komprehensibong socio-demographic profile ng mga komunidad. Ang mga nakalap na impormasyon ay nagbigay ng mas malinaw na larawan ng kasalukuyang kalagayan ng mga pamilya at nagsilbing mahalagang sanggunian sa pagtukoy ng mga prayoridad, pangangailangan, at mga programang isasama sa ADSDPP.

Sa unang araw ng aktibidad, pinagtibay ng mga Elders at Tribal Leaders ang resulta ng household census at socio-demographic profile na ipinresenta ng mga kinatawan ng Prime Infra Foundation, kasama ang mga datos hinggil sa kapaligiran at likas na yaman. Sinundan ito ng participatory mapping at zoning na pinangunahan ni Engr. Marshal G. Dulagan, kung saan sama-samang tinukoy at minapa ng komunidad ang kanilang Agricultural Areas, Residential Areas, Forest Lands, at iba pang mahahalagang bahagi ng kanilang Ancestral Domain.

Nagsagawa noong ikalawang araw ng mga participatory workshop upang suriin ang mga pangunahing suliranin, mga hamon sa kalikasan, at iba pang isyung kinakaharap ng komunidad batay sa mga napatunayang datos. Sa huling araw naman tinukoy at binigyang-prayoridad ng bawat komunidad ang kanilang mga pangangailangan, mga isyung dapat tugunan, at mga estratehiya para sa pagpapaunlad ng kanilang Katutubong Pamamahala at iba pang sektor ng Ancestral Domain.

Ang matagumpay na pagsasagawa ng tatlong araw na aktibidad ay sumasalamin sa matibay na pagtutulungan ng mga Dumagat/Remontado ICCs/IPs, Prime Infra Foundation, at NCIP. Sa pamamagitan ng sama-samang pangangalap, pagpapatibay, at pagsusuri ng datos, higit na napalakas ang batayan sa pagbuo ng isang inklusibo, nakabatay sa datos, at likas-kayang Ancestral Domain Sustainable Development and Protection Plan para sa Antipolo Ancestral Domain.



๐‘ป๐’‚๐’๐’”-๐’‘๐’–๐’”๐’๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’ƒ๐’‚๐’•๐’Š ๐’”๐’‚ ๐’Ž๐’ˆ๐’‚ ๐’๐’‚๐’ˆ๐’”๐’Š๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’•๐’‚๐’‘๐’๐’” ๐’๐’‚ ๐‘ฌ๐‘จ๐‘ท ๐‘ฎ๐’“๐’‚๐’๐’•๐’†๐’†๐’” ๐’Ž๐’–๐’๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐‘ฉ๐’‚๐’š๐’‚๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘ฉ๐’‚๐’•๐’‚๐’๐’ˆ๐’‚๐’”!Nanatili kayong matatag, dedikado, at...
30/07/2026

๐‘ป๐’‚๐’๐’”-๐’‘๐’–๐’”๐’๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’ƒ๐’‚๐’•๐’Š ๐’”๐’‚ ๐’Ž๐’ˆ๐’‚ ๐’๐’‚๐’ˆ๐’”๐’Š๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’•๐’‚๐’‘๐’๐’” ๐’๐’‚ ๐‘ฌ๐‘จ๐‘ท ๐‘ฎ๐’“๐’‚๐’๐’•๐’†๐’†๐’” ๐’Ž๐’–๐’๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐‘ฉ๐’‚๐’š๐’‚๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘ฉ๐’‚๐’•๐’‚๐’๐’ˆ๐’‚๐’”!

Nanatili kayong matatag, dedikado, at matapang sa pagharap ng bawat hamon na inyong naranasan bilang mga mag-aaral. Ang inyong pagtatapos sa kolehiyo ay ang matamis na bunga ng inyong walang maliw na pagsisikap at sakripisyo.

Bilang mga benepisyaryo ng Educational Assistance Program (EAP) ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), ang inyong pagtatapos ay hindi lamang salamin ng personal na pag-unlad, kundi patunay ng potensyal ng mga kabataang Katutubo na maging katuwang sa pagtataguyod ng kaunlaran sa kani-kanilang mga pamayanan.

Nawa'y ang edukasyong inyong natamo ay magsilbing matibay na pundasyon upang higit ninyong mapalawak ang inyong kakayahan, matuklasan ang mga bagong oportunidad, at makapag-ambag sa paghubog ng mas maunlad at inklusibong lipunan. Patuloy ninyong pangalagaan ang mayamang kultura at pagpapahalagang minana ninyo mula sa inyong mga ninuno.

Muli, kami ay lubos na nagagalak at ipinagmamalaki ang inyong tagumpay. Patuloy kayong maging tanglaw ng pag-asa at inspirasyon sa mga susunod pang henerasyon ng kabataang Katutubo.



๐—ง๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ป๐—ฎ๐—ป | Patuloy na umuusad ang pagpapatupad ng Food Share Program sa mga pamayanang Katutubo sa Barangay Mamuyao at La...
27/07/2026

๐—ง๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ป๐—ฎ๐—ป | Patuloy na umuusad ang pagpapatupad ng Food Share Program sa mga pamayanang Katutubo sa Barangay Mamuyao at Laiban, Tanay, Rizal at Barangay San Rafael, Rodriguez (Montalban), Rizal, sa pamamagitan ng pagsisimula ng kanilang Community Garden.

Ang pagtatatag ng Community Garden ay isang mahalagang hakbang upang mabigyan ang mga benepisyaryo ng sapat at masustansiyang pagkain, habang pinalalakas din ang kanilang kakayahang makalikha ng pangmatagalang kabuhayan. Sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng komunidad, unti-unting naitataguyod ang isang pamayanang may sariling kakayahan na magtanim at mag-ani ng pagkain at maging mas handa sa mga hamon sa seguridad sa pagkain.

Ang mga pananim at iba pang kagamitang pang-agrikultura na ginagamit sa proyekto ay ipinagkaloob ng Department of Agriculture โ€“ 4K Program at ng Municipal Agriculture Office, bilang suporta sa pagsusulong ng ligtas, sapat, at masustansiyang pagkain para sa mga pamilyang Katutubo.

Ang Food Share Program ay isang inisyatibong ipinatutupad sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Kabisig ng Kalahi (KNK), Rotary Club of Makati, National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), at iba pang katuwang na ahensya at organisasyon. Layunin nitong isulong ang seguridad sa pagkain, wastong nutrisyon, at pangkabuhayang oportunidad para sa mga Indigenous Cultural Communities/Indigenous Peoples (ICCs/IPs).





๐—ง๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ป๐—ฎ๐—ป | Sa pangunguna ni Regional Director Dr. Carlos P. Buasen, Jr., CESO III, nagtipon ang mga opisyal at kawani ng ...
24/07/2026

๐—ง๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ป๐—ฎ๐—ป | Sa pangunguna ni Regional Director Dr. Carlos P. Buasen, Jr., CESO III, nagtipon ang mga opisyal at kawani ng NCIP Region IV-A sa isinagawang Regional Performance Evaluation, Assessment, and Planning Workshop noong Hulyo 21โ€“22, 2026 sa NIA Conference Room, NIA Building, Diliman, Quezon City, bilang bahagi ng patuloy na pagpapaigting ng mahusay na paghahatid ng serbisyo.

Sa nasabing gawain, sinuri ang implementasyon ng mga programa, proyekto, at mga gawain sa unang semestre ng 2026. Dito, nagbahagi ang mga implementing units ng kanilang mga tagumpay, mga hamong kinaharap, at mga prayoridad na gawain para sa nalalabing bahagi ng taon. Samantala, nagbigay rin ng mga update at direksyon ang mga kinatawan mula sa OSESSC, OECH, at OEHR at Regional Office kaugnay ng mga isyung naitala at mga usaping nangangailangan ng agarang pagtugon.

Bukod dito, nagsagawa rin ng mga sesyon sa pagbabahagi ng mga umiiral na alituntunin at patakaran kaugnay ng human resource management, at accounting at auditing upang mas mapalakas ang kakayahan ng mga kawani ng NCIP Region IV-A sa pagpapatupad ng mga programa at serbisyo ng ahensya.

Sa kanyang mensahe sa pagtatapos ng programa, kinilala ni Dr. Donato B. Bumacas, Quezon Provincial Officer, ang mga tagumpay na naitala ng bawat implementing unit at binigyang-diin ang kahalagahan ng pagdiriwang at pagpapahalaga sa mga ito bilang bunga ng sama-samang pagtutulungan, dedikasyon, at malasakit ng mga kawani. Hinikayat din niya ang lahat na dalhin ang mga natutuhan mula sa gawain at gamitin ang mga ito upang higit pang mapabuti ang paghahatid ng mga programa at serbisyong tunay na makabuluhan para sa mga Katutubong Pamayanan sa CALABARZON.

Sa katutubong pagtulong, Sulong CALABARZON!







๐—ง๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ป๐—ฎ๐—ป | Ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Region IV-A (CALABARZON) ay nakibahagi sa "Mandela Day Ou...
23/07/2026

๐—ง๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ป๐—ฎ๐—ป | Ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Region IV-A (CALABARZON) ay nakibahagi sa "Mandela Day Outreach Program 2026", na ginanap sa Magata-Manggahan Elementary School, Sitio Manggahan, Barangay Daraitan, Tanay, Rizal noong Hulyo 17, 2026. Tumulong din ang mga kawani ng NCIP Rizal Community Service Center na sina Ms. Maria Cristina J. Tuazon, Midwife II and Ms. Jean Iris L. Duran, Tribal Assistant Affairs I.

Ang makabuluhang gawaing ito ay isang inisyatiba ng DIWATA - Women in Resource Development, Inc, katuwang ang South African Embassy, at iba pang partner organizations and agencies na naglalayong maghatid ng tulong, pagasa, at makabuluhang serbisyo sa komunidad.

Ang programa ay dinaluhan din ni Rizal Provincial Governor, Nina Ricci Ynares; Tanay Municipal Mayor, Rex Manuel Tanjuatco; at Mrs. Eleonor Atencio, Pangulo ng Tanay Dumagat/Remontado Ancestral Domain Development, Inc. (TDRADDEVI) bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa mga gawaing nagsusulong ng pagkakaisa, boluntaryong paglilingkod, at pagpapabuti ng kalagayan ng mga komunidad.

Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng organizer, partner agencies, sponsors, volunteers, at mga naging katuwang sa matagumpay na pagsasagawa ng programang ito. Patuloy na nakikiisa ang NCIP Rizal CSC sa mga inisyatibong nagpapalakas ng bayanihan at nagtataguyod ng inklusibo at makataong pag-unlad para sa ating mga katutubong komunidad.




17/07/2026
๐—ง๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ป๐—ฎ๐—ป | Matagumpay na isinagawa noong ika-14 ng Hulyo, 2026 ang Launching Ceremony ng Food Share Program (FSP) para sa...
16/07/2026

๐—ง๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ป๐—ฎ๐—ป | Matagumpay na isinagawa noong ika-14 ng Hulyo, 2026 ang Launching Ceremony ng Food Share Program (FSP) para sa 60 pamilyang Dumagat/Remontado beneficiaries sa Barangay Covered Court ng Barangay Mamuyao, Tanay, Rizal.

Ang programa ay pinangunahan ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Central Office โ€“ Office on Socio-Economic Services and Special Concerns (OSESSC) sa pamumuno ni Director Adonis S. Gonzales, katuwang ang NCIP Regional Office IV-A (CALABARZON) sa pangunguna ni Regional Director Dr. Carlos P. Buasen, Jr., CESO III, at ang NCIP Rizal Community Service Center (CSC) sa pamumuno nina Mr. Eddielito J. Sumangil at Ms. Karen Marie R. Gayod.

Layunin ng Food Share Program na mapalakas ang food security, nutritional well-being, at sustainable livelihood ng mga Indigenous Cultural Communities/Indigenous Peoples (ICCs/IPs) sa pamamagitan ng pagbibigay ng agarang suporta sa pagkain at pagtataguyod ng pangmatagalang produksyon ng pagkain sa antas ng komunidad.

Naging matagumpay ang paglulunsad sa tulong at pakikipagtulungan ng iba't ibang ahensya ng pamahalaan, mga kinatawan ng lokal na pamahalaan, at mga katuwang na organisasyon. Kabilang sina Municipal Mayor Rafael "RM" Tanjuatco ng Tanay, Councilor Dr. Joy Tica, Municipal Agriculture Office OIC Joven Reyes, MSWD Head Brecia Monje-Mina, Jeremy Carabuena Albino ng Department of Agriculture 4K Program, Mary Ann Gajardo ng Department of Agriculture โ€“ APCO, at Allan George Gutierrez ng Philippine Coconut Authority (PCA). Kasama rin ang mga kinatawan ng National Nutrition Council (NNC) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region IV-A. Pati na rin sila Barangay Chairman Gerome Villaflor ng Barangay Mamuyao, at Barangay Chairman Antonio Estrellado ng Barangay Laiban; gayundin ang mga katuwang mula sa Kabisig ng Kalahi at Rotary Club of Makati.

Bilang bahagi ng programa, tumanggap ang bawat benepisyaryong pamilya ng 20 kilo ng bigas bilang agarang suporta sa kanilang pangangailangan sa pagkain. Kasabay nito ay ipinamahagi rin ang iba't ibang binhi at planting trees bilang bahagi ng adbokasiya ng Food Share Program na hikayatin ang mga benepisyaryo na magkaroon ng sariling food gardens at mapalakas ang kanilang kakayahang makapagtanim ng masustansiya at sapat na pagkain para sa kanilang mga pamilya.

Ang paglulunsad ng Food Share Program ay sumasalamin sa patuloy na pagsisikap ng NCIP at ng mga katuwang nitong ahensya at organisasyon na isulong ang inklusibo, maagap, at napapanatiling mga programa para sa kapakanan ng mga Indigenous Peoples. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng pamahalaan, lokal na pamahalaan, at mga development partners, inaasahang higit pang mapalalakas ang seguridad sa pagkain, kabuhayan, at pangkalahatang kalidad ng pamumuhay ng mga pamayanang Dumagat/Remontado sa Tanay, Rizal.




๐Ÿ“ข ๐‘พ๐‘ฌ ๐‘จ๐‘น๐‘ฌ ๐‘ฏ๐‘ฐ๐‘น๐‘ฐ๐‘ต๐‘ฎ! ๐Ÿ“ขThe National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Region IV-A is looking for qualified applicants t...
16/07/2026

๐Ÿ“ข ๐‘พ๐‘ฌ ๐‘จ๐‘น๐‘ฌ ๐‘ฏ๐‘ฐ๐‘น๐‘ฐ๐‘ต๐‘ฎ! ๐Ÿ“ข

The National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Region IV-A is looking for qualified applicants to fill the following positions:

๐Ÿ”น Administrative Assistant II
๐Ÿ”น Administrative Aide IV
๐Ÿ”น Administrative Aide I

Interested and qualified applicants should signify their interest in writing through an application letter addressed to the head of office. Applicants must attach the following documents to the application letter and send these to the address below ๐ง๐จ๐ญ ๐ฅ๐š๐ญ๐ž๐ซ ๐ญ๐ก๐š๐ง ๐‰๐ฎ๐ฅ๐ฒ ๐Ÿ๐Ÿ—, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”.

Required Documents:
1๏ธโƒฃ Fully accomplished Personal Data Sheet (PDS) with Work Experience Sheet and recent passport-sized or unfiltered digital picture (CS Form No. 212, Revised 2025) digitally signed or electronically signed.
2๏ธโƒฃ Hard copy or electronic copy of Performance rating in the last rating period (if applicable).
3๏ธโƒฃ Hard copy or electronic copy of Proof of Eligibility/Rating/License.
4๏ธโƒฃ Hard copy or electronic copy of Transcript of Records.

๐‘Š๐‘’ โ„Ž๐‘–๐‘”โ„Ž๐‘™๐‘ฆ ๐‘’๐‘›๐‘๐‘œ๐‘ข๐‘Ÿ๐‘Ž๐‘”๐‘’ ๐‘Ž๐‘™๐‘™ ๐‘–๐‘›๐‘ก๐‘’๐‘Ÿ๐‘’๐‘ ๐‘ก๐‘’๐‘‘ ๐‘Ž๐‘›๐‘‘ ๐‘ž๐‘ข๐‘Ž๐‘™๐‘–๐‘“๐‘–๐‘’๐‘‘ ๐‘Ž๐‘๐‘๐‘™๐‘–๐‘๐‘Ž๐‘›๐‘ก๐‘  ๐‘ก๐‘œ ๐‘Ž๐‘๐‘๐‘™๐‘ฆ, ๐‘คโ„Ž๐‘–๐‘โ„Ž ๐‘–๐‘›๐‘๐‘™๐‘ข๐‘‘๐‘’ ๐‘๐‘’๐‘Ÿ๐‘ ๐‘œ๐‘›๐‘  ๐‘ค๐‘–๐‘กโ„Ž ๐‘‘๐‘–๐‘ ๐‘Ž๐‘๐‘–๐‘™๐‘–๐‘ก๐‘ฆ (๐‘ƒ๐‘Š๐ท) ๐‘Ž๐‘›๐‘‘ ๐‘š๐‘’๐‘š๐‘๐‘’๐‘Ÿ๐‘  ๐‘œ๐‘“ ๐‘กโ„Ž๐‘’ ๐ผ๐‘›๐‘‘๐‘–๐‘”๐‘’๐‘›๐‘œ๐‘ข๐‘  ๐‘๐‘œ๐‘š๐‘š๐‘ข๐‘›๐‘–๐‘ก๐‘–๐‘’๐‘ , ๐‘–๐‘Ÿ๐‘Ÿ๐‘’๐‘ ๐‘๐‘’๐‘๐‘ก๐‘–๐‘ฃ๐‘’ ๐‘œ๐‘“ ๐‘ ๐‘’๐‘ฅ๐‘ข๐‘Ž๐‘™ ๐‘œ๐‘Ÿ๐‘–๐‘’๐‘›๐‘ก๐‘Ž๐‘ก๐‘–๐‘œ๐‘› ๐‘Ž๐‘›๐‘‘ ๐‘”๐‘’๐‘›๐‘‘๐‘’๐‘Ÿ ๐‘–๐‘‘๐‘’๐‘›๐‘ก๐‘–๐‘ก๐‘–๐‘’๐‘  ๐‘Ž๐‘›๐‘‘/๐‘œ๐‘Ÿ ๐‘’๐‘ฅ๐‘๐‘Ÿ๐‘’๐‘ ๐‘ ๐‘–๐‘œ๐‘›, ๐‘๐‘–๐‘ฃ๐‘–๐‘™ ๐‘ ๐‘ก๐‘Ž๐‘ก๐‘ข๐‘ , ๐‘Ÿ๐‘’๐‘™๐‘–๐‘”๐‘–๐‘œ๐‘›, ๐‘Ž๐‘›๐‘‘ ๐‘๐‘œ๐‘™๐‘–๐‘ก๐‘–๐‘๐‘Ž๐‘™ ๐‘Ž๐‘“๐‘“๐‘–๐‘™๐‘–๐‘Ž๐‘ก๐‘–๐‘œ๐‘›.
๐‘‡โ„Ž๐‘–๐‘  ๐‘‚๐‘“๐‘“๐‘–๐‘๐‘’ ๐‘‘๐‘œ๐‘’๐‘  ๐‘›๐‘œ๐‘ก ๐‘‘๐‘–๐‘ ๐‘๐‘Ÿ๐‘–๐‘š๐‘–๐‘›๐‘Ž๐‘ก๐‘’ ๐‘–๐‘› ๐‘กโ„Ž๐‘’ ๐‘ ๐‘’๐‘™๐‘’๐‘๐‘ก๐‘–๐‘œ๐‘› ๐‘œ๐‘“ ๐‘’๐‘š๐‘๐‘™๐‘œ๐‘ฆ๐‘’๐‘’๐‘  ๐‘๐‘Ž๐‘ ๐‘’๐‘‘ ๐‘œ๐‘› ๐‘กโ„Ž๐‘’ ๐‘Ž๐‘“๐‘œ๐‘Ÿ๐‘’๐‘š๐‘’๐‘›๐‘ก๐‘–๐‘œ๐‘›๐‘’๐‘‘ ๐‘๐‘ข๐‘Ÿ๐‘ ๐‘ข๐‘Ž๐‘›๐‘ก ๐‘ก๐‘œ ๐ธ๐‘ž๐‘ข๐‘Ž๐‘™ ๐‘‚๐‘๐‘๐‘œ๐‘Ÿ๐‘ก๐‘ข๐‘›๐‘–๐‘ก๐‘–๐‘’๐‘  ๐‘“๐‘œ๐‘Ÿ ๐ธ๐‘š๐‘๐‘™๐‘œ๐‘ฆ๐‘š๐‘’๐‘›๐‘ก ๐‘ƒ๐‘Ÿ๐‘–๐‘›๐‘๐‘–๐‘๐‘™๐‘’ (๐ธ๐‘‚๐‘ƒ).

QUALIFIED APPLICANTS are advised to hand in or send through courier/email their application to the head of office/human resource management office/records office, as the case may be:

Dr. Carlos P. Buasen, Jr., CESO III
Regional Director
National Commission on Indigenous Peoples - Region IV-A
3rd Floor, ARGO Building, 574 EDSA, Corner P. Tuazon Boulevard, Cubao, Quezon City
Or send it via email to: [email protected]

๐€๐๐๐‹๐ˆ๐‚๐€๐“๐ˆ๐Ž๐๐’ ๐–๐ˆ๐“๐‡ ๐ˆ๐๐‚๐Ž๐Œ๐๐‹๐„๐“๐„ ๐ƒ๐Ž๐‚๐”๐Œ๐„๐๐“๐’ ๐’๐‡๐€๐‹๐‹ ๐๐Ž๐“ ๐๐„ ๐„๐๐“๐„๐‘๐“๐€๐ˆ๐๐„๐ƒ.

APPLY NOW and Join our Team!

๐—ง๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ป๐—ฎ๐—ป | Noong ika-1 hanggang ika-3 ng Hulyo 2026, matagumpay na naisagawa ng National Commission on Indigenous Peoples...
07/07/2026

๐—ง๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ป๐—ฎ๐—ป | Noong ika-1 hanggang ika-3 ng Hulyo 2026, matagumpay na naisagawa ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Rizal Community Service Center (CSC) ang Oryentasyon at Balidasyon ng mga Benepisyaryo para sa Implementasyon ng Food Share Program, kasabay ng Site Visitation sa mga itinalagang gardening area sa Barangay Mamuyao at Barangay Laiban sa Bayan ng Tanay, Rizal, at Barangay San Rafael sa Bayan ng Montalban, Rizal.

Pinangunahan ang mga aktibidad ni Ms. Karen Marie R. Gayod, Officer-in-Charge ng NCIP Rizal CSC, kasama sina Ms. Regie D. Batiao, Community Affairs Officer I, at Ms. Erlita D. Vertudez, Tribal Affairs Assistant II. Sa isinagawang oryentasyon at balidasyon, tinalakay sa mga benepisyaryo ang mga layunin, proseso, at inaasahang benepisyo ng Food Share Program, habang isinagawa rin ang beripikasyon ng mga kwalipikadong benepisyaryo upang matiyak ang maayos at epektibong implementasyon ng programa.

Kasunod nito, nagsagawa rin ang pangkat ng site visitation sa mga nakatalagang gardening area upang masuri ang kahandaan at pagiging angkop ng mga lugar na pagtatayuan ng community gardens bilang bahagi ng Food Share Program. Ang gawaing ito ay naglalayong matiyak ang matagumpay na pagpapatupad ng programa at ang pangmatagalang pakinabang nito sa mga pamayanang katutubo sa pamamagitan ng pagsusulong ng seguridad sa pagkain at pagpapaunlad ng kabuhayan.



๐—ง๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ป๐—ฎ๐—ป | Matagumpay na isinagawa noong ika-30 ng Hunyo 2026 ang Inter-Agency Meeting kaugnay ng implementasyon ng Food ...
01/07/2026

๐—ง๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ป๐—ฎ๐—ป | Matagumpay na isinagawa noong ika-30 ng Hunyo 2026 ang Inter-Agency Meeting kaugnay ng implementasyon ng Food Share Program para sa mga Indigenous Cultural Communities/Indigenous Peoples (ICCs/IPs) sa Lalawigan ng Rizal. Ginanap ang nasabing pagpupulong sa SB Session Hall, Municipality of Tanay, Rizal. Ang aktibidad ay pinangunahan ng NCIP Region IV-A at NCIP Rizal Community Service Center (CSC), katuwang ang ibaโ€™t ibang ahensya ng pamahalaan at mga lokal na pamahalaan upang palakasin ang koordinasyon at pagtutulungan para sa epektibo, inklusibo, at sustenableng pagpapatupad ng programa.

Kabilang sa mga aktibong dumalo ang Kabisig ng Kalahi (KnK) Inc., National Nutrition Council (NNC) CALABARZON, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region IV-A โ€“ Provincial Field Office Rizal, Department of Agriculture (DA) Regional Field Office IV-A, Municipality of Tanay sa pamamagitan ng Municipal Agriculture Office (MAO) at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), mga kinatawan ng mga barangay at Indigenous Peoples Mandatory Representatives (IPMRs), gayundin ang mga kinatawan mula sa Barangay San Rafael, Montalban, Rizal, kabilang ang Barangay IPMR at Barangay Kagawad.

Sa pagpupulong, tinalakay ang pangkalahatang commitment ng Food Share Program, presentasyon ng initial assessment sa profile ng mga benepisyaryong IP, at mga posibleng interbensyon ng bawat katuwang na ahensya sa larangan ng kabuhayan, agrikultura, nutrisyon, edukasyon, at pagpapaunlad ng kakayahan.

Binigyang-diin din ang kahalagahan ng patuloy na monitoring, convergence ng mga programa, at sama-samang pagkilos upang matiyak ang pangmatagalang benepisyo at pag-unlad ng mga komunidad ng ICCs/IPs sa Lalawigan ng Rizal.



Address

3rd Floor Argo Bldg. 574 Edsa Corner P. Tuazon, Cubao
Quezon City

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when NCIP Calabarzon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to NCIP Calabarzon:

Shortcuts

Share