Mody Floranda, Transport Leader

Mody Floranda, Transport Leader Tsuper, Martial Law survivor, PISTON National President. Isulong ang progresibo, makabayan, makamasang pampublikong transportasyon!
(4)

Makibaka para sa pambansang demokrasya!

30/07/2026

Kapag dagdag-sahod ng manggagawa, mabilis na ipinagkakait ng gobyerno.

Kapag bilyong tubo ng mga oligarko, mabilis na ipinagtatanggol ng estado.

30/07/2026

Walang maaasahan sa ika-5 SONA ni Marcos Jr. kundi patuloy na pagpabor sa malalaking negosyo at mga dayuhan.

Tataas pa rin ang presyo ng langis dahil ayaw awatin ang tubo ng Petron, Shell, at Caltex.

Mawawasak pa rin ang kabuhayan dahil tuloy ang phaseout para makapag-angkat lalo ng mga sasakyan.

Kaya tuloy ang ating laban!

Tuloy-tuloy ang protesta natin kontra oil price hike ngayong hapon ng Miyerkoles, sa Cubao.Panawagan namin sa lahat ng m...
22/07/2026

Tuloy-tuloy ang protesta natin kontra oil price hike ngayong hapon ng Miyerkoles, sa Cubao.

Panawagan namin sa lahat ng mga tsuper, operator, at mamamayan: magprotesta sa lahat ng paraan! Magkalampagan, mag-caravan, mag-terminal protest at iba pa.

Magprotesta sa buong bansa, paghandaan ang pambansang welga!

Magkita-kita tayo sa SONA NG BAYAN ngayong Hulyo 27! Singilin ang inutil at kurakot na gobyernong Marcos-Duterte!

21/07/2026
21/07/2026

Ayos ba acting ko mga kasama? 😅 Sa SONA hindi ko na kailangan magacting, totoong galit na tayo!

Mga mga kapwa drayber, operator, at mamamayan, magwelga! Sumama sa SONA NG BAYAN ngayong Hulyo 27!

Sa ganitong kalagayan, simple lang naman ang tutunguhin natin: magwewelga tayong muli. Hindi lang ang sektor ng transpor...
21/07/2026

Sa ganitong kalagayan, simple lang naman ang tutunguhin natin: magwewelga tayong muli. Hindi lang ang sektor ng transportasyon, kundi buong bayan.

Sa pagtaas ng krudo, tumataas ang lahat. Umaaray tayo sa kuryente, umaaray tayo sa taas ng pagkain, ng bilihin.

Inuubos na ang lahat sa atin para sa bilyong tubo ng Petron, Shell, Caltex. Sinisimot tayo para sa bilyong makukurakot nina Marcos at Duterte.

Tama na, sobra na.

Buong bayan, maghanda sa welga!

Sumama sa SONA NG BAYAN!

Pinapayaman na lang natin si Ramon Ang at Petron, ang Shell, Caltex, at Unioil. Dahil sa VAT at excise tax sa langis, pinapalaki lang natin ang pinag-aagawang kurakot nina Marcos at Duterte.

Gutom ang inaabot ng tsuper at operator, samantalang P1.8 BILYON ang malinis na tubo ng Petron noong unang bahagi ng 2026.

Tama na, sobra na. Ipakita nating muli kung sino ang totoong nagpapatakbo ng bansa.

Makibaka, magprotesta ngayong SONA NG BAYAN!
Hulyo 27, Lunes
Commonwealth

Mag-message lang sa page ng PISTON para sa detalye.

Buwis sa langis, tanggalin!
Presyo ng langis, i-rollback sa P55.00!
Oil deregulation law, ibasura!
P10 dagdag-pasahe, ipatupad! P1200 nakabubuhay na sahod, ipatupad!
Isabansa ang industriya ng langis!
Itigil ang gerang agresyon ng US!

Address

Quezon City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mody Floranda, Transport Leader posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Mody Floranda, Transport Leader:

Shortcuts

Share

Category