24/08/2026
PAABISO SA MGA MAY-ARI NG NEGOSYO!
Malugod po naming ipinapaalam sa ating mga business owners na ang ating Lokal na Pamahalaan ay kasalukuyang nagsusulong ng isang bagong ordinansa na naglalayong magbigay ng mga lokal na insentibo at iba pang suporta sa mga kwalipikadong Barangay Micro Business Enterprises (BMBEs).
Layunin ng nasabing ordinansa na isulong at suportahan ang paglago ng mga micro at small businesses sa ating bayan sa pamamagitan ng mga insentibo at promotional assistance na maaaring ipagkaloob sa mga kwalipikadong BMBE.
Ang panukalang ordinansa ay nakatakdang isailalim sa isang Pampublikong Pagdinig (Public Hearing) sa mga susunod na araw, kung saan inaanyayahan ang mga business owners, BMBEs, at iba pang stakeholders na makibahagi at magbigay ng kanilang mga komento, mungkahi, at pananaw.
Abangan ang karagdagang anunsyo tungkol sa petsa, oras, at lugar ng Pampublikong Pagdinig.
Maraming salamat po!