29/05/2026
Patuloy na nakaantabay at nakikipag-ugnayan ang mga kawani ng CDRRMO-Tabaco sa mga awtoridad sa Angeles City, Pampanga kaugnay ng kasalukuyang operasyon at koordinasyon hinggil sa insidente na kinasasangkutan ng mga nawawalang construction workers mula sa Tabaco City.
Sa kasalukuyan ay nasa Incident Command Post ang ating mga personnel upang tiyakin ang maayos na koordinasyon, mabilis na palitan ng impormasyon, at agarang pagtugon kasama ang iba’t ibang ahensya at lokal na pamahalaan.
Patuloy ring nakatutok ang Pamahalaang Lungsod ng Tabaco sa sitwasyon upang masiguro ang kinakailangang suporta at assistance para sa mga apektadong pamilya.