Konsi Erwin G. Chioco

Konsi Erwin G. Chioco Official page of Sangguniang Bayan ๐‚๐จ๐ฎ๐ง๐œ๐ข๐ฅ๐จ๐ซ ๐„๐ซ๐ฐ๐ข๐ง ๐†๐ฅ๐จ๐ซ๐ข๐š ๐‚๐ก๐ข๐จ๐œ๐จ (Ang Tanggol ng Bayan ng Talavera)

24/08/2026

VICE MAYOR JR SANTOS, MUNICIPAL ADMINISTRATOR MARITESS GABOY, AT MGA KONSEHAL, MAGKAKASAMA SA FLAG RAISING SA TALAVERA

TALAVERA, NUEVA ECIJA โ€” Magkakasama ngayong Lunes, Agosto 24, ang mga pangunahing opisyal ng Bayan ng Talavera sa isinagawang Flag Raising Ceremony na pinangunahan ng Human Resource Management Office (HRMO), Municipal Tourism Office at Public Employment Service Office (PESO).

Kabilang sa mga dumalo sina Vice Mayor Nerito S. Santos Jr. at Municipal Administrator Maritess Gaboy, ina ni Mayor Aries Gaboy Lim, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Ryan Arellano, Michael Fausto, Ver Tayao, Rap-Rap Villanueva, Angie Soleta, Erwin Chioco at Ape Reyes.

Naroon din si SK Federation President Amir Ayson, gayundin ang iba pang municipal officials at kawani ng pamahalaang bayan.

Sa kabila ng magkakaibang tungkulin at pananaw sa lokal na pamahalaan, kapansin-pansin ang kanilang pagsasama sa seremonyang nagbibigay-diin sa pagkakaisa, disiplina at patuloy na paglilingkod sa mga mamamayan ng Talavera.

Isinagawa ang flag raising bilang bahagi ng regular na aktibidad ng pamahalaang bayan at pagpapakita ng paninindigan sa pagbibigay ng maayos at makabuluhang serbisyo publiko.

Sangguniang Bayan ng Talavera

24/08/2026
17/08/2026

#๐–๐€๐‹๐€๐๐†๐๐€๐’๐Ž๐Š | ๐€๐”๐†๐”๐’๐“ ๐Ÿ๐Ÿ–, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” (๐Œ๐€๐‘๐“๐„๐’)

Sa direktiba ni Governor Aurelio Oyie Matias Umali, at alinsunod sa rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), ipinatutupad ang Executive Order No. 24, Series of 2026, na ๐ง๐š๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฌ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ž ๐ง๐  ๐Ÿ๐š๐œ๐ž-๐ญ๐จ-๐Ÿ๐š๐œ๐ž ๐œ๐ฅ๐š๐ฌ๐ฌ๐ž๐ฌ ๐ฌ๐š ๐ฅ๐š๐ก๐š๐ญ ๐ง๐  ๐š๐ง๐ญ๐š๐ฌ ๐ง๐  ๐ฉ๐ซ๐ข๐›๐š๐๐จ ๐š๐ญ ๐ฉ๐š๐ฆ๐ฉ๐ฎ๐›๐ฅ๐ข๐ค๐จ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐š๐ซ๐š๐ฅ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐›๐ฎ๐จ๐ง๐  ๐‹๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐ข๐ ๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐ฎ๐ž๐ฏ๐š ๐„๐œ๐ข๐ฃ๐š ๐ง๐ ๐š๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ซ๐ญ๐ž๐ฌ, ๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ–, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”.

Alinsunod sa umiiral na mga memorandum at patakaran ng Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED), ang bawat paaralan at higher education institution ay hinihikayat na gumamit ng naaangkop na Alternative Delivery Modes (ADM), online classes, modular learning, asynchronous learning, o iba pang alternatibong pamamaraan ng pagkatuto, kung kinakailangan at naaayon sa kanilang sariling assessment, kapasidad, at umiiral na guidelines, upang matiyak ang pagpapatuloy ng pag-aaral nang hindi isinasakripisyo ang kaligtasan ng mga mag-aaral at g**o.

Ayon sa DOST-PAGASA Weather Advisory No. 64, na inilabas ngayong Agosto 17, 2026, alas-5:00 ng hapon, kabilang ang Nueva Ecija sa mga lugar na may inaasahang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan hanggang hapon ng Agosto 18 dahil sa Southwest Monsoon (Habagat).

Pinapayuhan ang lahat na manatiling mapagmatyag at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso mula sa DOST-PAGASA, PDRRMO, DepEd, CHED, kani-kanilang paaralan, at Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija.

Mag-ingat at manatiling ligtas, Novo Ecijanos! ๐Ÿ’™

17/08/2026

TALAVERA SB, INAPRUBAHAN ANG โ‚ฑ37.2-MILYONG KARAGDAGANG PONDO PARA SA 2026 AIP

TALAVERA, NUEVA ECIJA โ€” Pinangunahan ni Vice Mayor JR Santos bilang Presiding Officer ang ika-59 Regular Session ng Sangguniang Bayan ng Talavera ngayong Agosto 17, 2026, kung saan tinalakay at inaprubahan ang mahahalagang panukala para sa pagpapaunlad ng bayan.

Kabilang sa mga pangunahing inaprubahan ang AIP Addendum No. 6 na nagkakahalaga ng โ‚ฑ15,975,600, at AIP Addendum No. 5 na may karagdagang โ‚ฑ21,303,502.15, kasama ang mga kaukulang pagbabago sa Annual Investment Program ng ibaโ€™t ibang tanggapan.

Tinalakay din ang Supplemental Budget No. 2 na naglalaan ng โ‚ฑ428,500, gayundin ang Revised AIP 2026, Revised Annual Plans 2027 at rebisyon sa plantilla ng mga kawani ng munisipyo.

Isa sa mga tampok na proyekto ang paglalaan ng pondo para sa pagbili ng dalawang mobile clinic na gagamitin ng Rural Health Units ng Talavera upang mapalawak ang serbisyong pangkalusugan sa mga komunidad.

Inaprubahan din ang mga variation order para sa MENRO Multi-Purpose Building, NEUST Talavera Off-Campus comfort room sa Barangay Pag-asa, at pagpapahusay ng bubong ng Municipal Executive Building.

Kasama rin sa agenda ang pag-endorso at pagpapatibay sa Barangay Calipahan Development Plan 2027โ€“2029, gayundin ang mga ordinansa ng Barangay Bagong Silang hinggil sa wastong segregasyon at pagtatapon ng basura.

Dumalo sa sesyon sina mga Konsehal Michael Fausto, Ryan Arellano, โ€œRap Rapโ€ Villanueva, Virgilio Tayao, Erwin Chioco, Joel Del Rosario, Ape Reyes at Angie Soleta, kasama sina ABC President Benjamin Tiangco III at SK President Armin Marc Ayson.

Patuloy na isinusulong ng Sangguniang Bayan ang mga panukalang nakatuon sa serbisyo publiko, kalusugan, imprastraktura, environmental management at pangkalahatang pag-unlad ng Talavera.

Sangguniang Bayan ng Talavera

03/08/2026

๐ŸŒง๏ธ ๐Œ๐š๐ ๐ข๐ง๐  ๐ก๐š๐ง๐๐š ๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐ง ๐ง๐  ๐ญ๐š๐ -๐ฎ๐ฅ๐š๐ง! โ˜”

Sa gitna ng patuloy na pag-ulan, mahalagang maging handa sa anumang oras. Ugaliing magbaon ng mga pananggalang sa ulan tulad ng payong, kapote, at bota upang makaiwas sa pagkabasa at mabawasan ang panganib ng pagkakasakit at aksidente.

Maging mapagmatyag sa mga abiso ng ating lokal na pamahalaan at unahin ang kaligtasan ng inyong sarili at ng inyong pamilya.

๐Ÿšจ ๐—ง๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฉ๐—˜๐—ฅ๐—” ๐—˜๐— ๐—˜๐—ฅ๐—š๐—˜๐—ก๐—–๐—ฌ ๐—›๐—ข๐—ง๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—˜๐—ฆ

Kung may sakuna o kagipitan, narito ang mga opisyal na numerong maaari ninyong tawagan. I-save o itabi ang mga ito para sa inyong kaligtasan.

๐Ÿš’ BFP Talavera

๐Ÿ“ž 0932-467-5515

๐Ÿ‘ฎ PNP Talavera

๐Ÿ“ž 0998-598-5412
๐Ÿ“ž 0953-665-8826

๐Ÿšจ MDRRMO Talavera

๐Ÿ“ž 0915-568-6067
๐Ÿ“ž 0953-509-3193
๐Ÿ“ž 0955-891-8793

๐Œ๐š๐ -๐ข๐ง๐ ๐š๐ญ ๐š๐ญ ๐ฆ๐š๐ง๐š๐ญ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐ฅ๐ข๐ ๐ญ๐š๐ฌ, ๐“๐š๐ฅ๐š๐ฏ๐ž๐ซ๐š!

Address

Talavera
3114

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Konsi Erwin G. Chioco posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category