Municipal Government of Tanza

Municipal Government of Tanza Welcome to the Official page of the Municipality of Tanza!

Walang pasok bukas, August 5, 2026, sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Tanza, alinsunod s...
04/08/2026

Walang pasok bukas, August 5, 2026, sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Tanza, alinsunod sa direktiba ni Mayor Archangelo “SM” Matro, dahil sa walang tigil na pag-ulan dulot ng Low Pressure Area (LPA) ng dating Bagyong Luis.

Pinapayuhan ng Pamahalaang Bayan ng Tanza ang lahat ng Tanzeño na manatiling naka-alerto, mag-ingat, at subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng Pamahalaang Bayan ng Tanza para sa mga susunod pang abiso at mahahalagang impormasyon.



04/08/2026

Abangan ang isa pa sa mga artist na makakasama natin sa KalyeFest! Gaganapin ito sa August 26, 2026, sa Anyana Subdivision.

Kita-kits sa KalyeFest na handog ng Pamahalaang Bayan ng Tanza sa pangunguna ni Mayor Archangelo “SM” Matro, katuwang ang Comite de Festejos.



Sa direktiba ni Mayor Archangelo "SM" Matro, suspendido ang klase sa hapon simula alas-12 ng tanghali, sa lahat ng antas...
04/08/2026

Sa direktiba ni Mayor Archangelo "SM" Matro, suspendido ang klase sa hapon simula alas-12 ng tanghali, sa lahat ng antas ng pribado at pampublikong paaralan, sa bayan ng Tanza ngayong araw, August 4, 2026 dahil sa pabugso-bugsong pag-ulan, dulot ng LPA ng dating Bagyong Luis.

Pinapayuhan ng Pamahalaang Bayan ng Tanza ang lahat ng Tanzeños na mag-ingat at manatiling nakaantabay sa anunsyo ng Pamahalaang Bayan ng Tanza para sa iba pang impormasyon at abiso.



24 na araw na lang, at masasaksihan na muli ang kaabang-abang na banal na pagdiriwang ng Kapistahan ni Tata Usteng, na s...
03/08/2026

24 na araw na lang, at masasaksihan na muli ang kaabang-abang na banal na pagdiriwang ng Kapistahan ni Tata Usteng, na siyang magma-marka sa puso ng bawat Tanzeños.

Makinig at magnilay para kay Tata Usteng na pinaniniwalaang mapaghimalang Patron ng ating bayan. Nagsisilbing gabay sa madilim na daan, patungo sa liwanag ng Kapistahan ng pagbabalik loob ngayong taon.

Dahil bago niya natagpuan ang Kristiyanismo, hinanap muna ni San Agustin ang katotohanan sa iba’t ibang pilosopiya at paniniwala, kabilang ang Manichaeism. Viva San Agustin!



ATM. AUGUST 3, 2026Inihatid din ng Pamahalaang Bayan ng Tanza sa Barangay B**a ang pamamahagi ng programang OCTA NONA na...
03/08/2026

ATM. AUGUST 3, 2026
Inihatid din ng Pamahalaang Bayan ng Tanza sa Barangay B**a ang pamamahagi ng programang OCTA NONA na pinangunahan ni Mayor Archangelo “SM” Matro, kasama sina Konsehal Alexis Dones, Konsehal Ryan Mintu, at Kap. Eduard Toledo.

Para ito sa mga lolo at lola na may edad na 80-90 na Octogenarian at 90-99 na Nonagenarian kung saan mabibiyayaan ng ₱5,000 bilang tulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.



ATM. AUGUST 3, 2026Tuloy-tuloy ang pamamahagi ni Mayor Archangelo “SM” Matro sa mga benepisyaryo ng OCTA NONA Program na...
03/08/2026

ATM. AUGUST 3, 2026
Tuloy-tuloy ang pamamahagi ni Mayor Archangelo “SM” Matro sa mga benepisyaryo ng OCTA NONA Program na kasalukuyang ginaganap sa Barangay Punta 1 at Punta 2. Kasama rin sa pamamahagi sina Konsehal Derek Matro, Konsehal Alexis Dones, Konsehal Ryan Mintu, at Konsi Kap. Anet Bocalan.

Kasabay sa pagsulong ng nasabing programa ay namahagi rin ito ng tulong-pinansyal para sa mga kababayan na nangangailangan, bilang bahagi ng layunin ng pagpapalawig ng serbisyo at malasakit na handog ng Pamahalaang Bayan ng Tanza.



ATM. AUGUST 3, 2026Mas pinaigting na pamamahagi ng OCTA-NONA Program ng Pamahalaang Bayan ng Tanza ang pinamahalaan ni M...
03/08/2026

ATM. AUGUST 3, 2026
Mas pinaigting na pamamahagi ng OCTA-NONA Program ng Pamahalaang Bayan ng Tanza ang pinamahalaan ni Mayor Archangelo “SM” Matro, sa Barangay Bagtas sa Camella Lessandra Subdivision. Kasama rin sa pamamahagi sina Konsehal Derek Matro, Konsehal Alexis Dones, at Konsehal Ryan Mintu.

Ang mga senior citizen na Tanzeño na kabilang sa 80-90 na Octogenarian at 90-99 na Nonagenarian, ay makakatanggap ng 5,000 pesos bilang abot-kamay na tulong para sa kanilang mga pang-araw-araw na pangangailangan.



ATM. AUGUST 3, 2026Namahagi ng tulong-pinansyal si Mayor Archangelo “SM” Matro para sa mga Tanzeño na nasiraan ng panani...
03/08/2026

ATM. AUGUST 3, 2026
Namahagi ng tulong-pinansyal si Mayor Archangelo “SM” Matro para sa mga Tanzeño na nasiraan ng pananim dulot ng mga nagdaang Habagat sa Barangay Paradahan 1.

Kaakibat nito ang serbisyo at malasakit na handog ng Pamahalaang Bayan ng Tanza, upang magsilbing kasangga ng mga magsasaka sa kanilang suliraning pang-agrikultura sa oras ng sakuna.



ATM. AUGUST 3, 2026Halagang 5,000 pesos ang ipinamahagi ni Mayor Archangelo “SM” Matro sa mga benepisyaryo ng programang...
03/08/2026

ATM. AUGUST 3, 2026
Halagang 5,000 pesos ang ipinamahagi ni Mayor Archangelo “SM” Matro sa mga benepisyaryo ng programang OCTA NONA ngayong hapon sa Barangay Paradahan 1, kasama sina Konsehal Alexis Dones, Konsehal Ryan Mintu, Kap. Eduard Toledo, at Kap. Ito Santos.

Nagsisilbi itong tulong-pinansyal para sa mga lolo at lola na may edad na 80-90 na Octogenarian at 90-99 na Nonagenarian, para sa kanilang mga pang-araw-araw na pangangailangan.



ATM. AUGUST 3, 2026Mas pinalawak pa ang pamamahagi ngayong hapon ng Octa-Nona Program sa Barangay Tres Cruses kung saan ...
03/08/2026

ATM. AUGUST 3, 2026
Mas pinalawak pa ang pamamahagi ngayong hapon ng Octa-Nona Program sa Barangay Tres Cruses kung saan bahay-bahay itong ipinamahagi ni Mayor Archangelo “SM” Matro, kasama sina Kap. Eduard Toledo at Kap. Ito Santos.

Ito ay upang pagtibayin ang layunin na makapagbigay ng libreng serbisyo at malasakit sa mga pangunahing pangangailangan, at pang-araw-araw na gastusin ng ating mga lolo at lola sa bayan ng Tanza.



Address

Tanza Municipal Hall, A. Soriano Highway, Cavite
Tanza
4108

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Government of Tanza posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share