DepEd Rizal Province

DepEd Rizal Province This is the official page of DepEd Schools Division Office of Rizal Province

03/09/2026

Makiisa ngayong araw sa National Simultaneous School Safety Drill. 🏫🛡️

Kasabay nito ang pinaigting na safeguards para sa pisikal at mental na kaligtasan ng mga mag-aaral, na binuo katuwang ang mga kinauukulang ahensya at mental health professionals upang matiyak na trauma-informed at age-appropriate ang pagpapatupad ng drill.

01/09/2026

Good day, teachers! Join us today, as we strengthen our shared understanding of the Revised Classroom Assessment, Grading, and Reporting System for Key Stage 1 and explore how we can translate the policy into meaningful classroom practice.

This orientation is part of a continuing learning support for our Grade 1 teachers. Other aspects of KS1 Assessment will be made available through succeeding learning resources and orientations.

📣 PUBLIC ADVISORY: GENEROSITY CALLGreat day Rizal, and to all cheerful givers out there!HELP US RAISE FUNDS FOR SIR ALEX...
01/09/2026

📣 PUBLIC ADVISORY: GENEROSITY CALL

Great day Rizal, and to all cheerful givers out there!

HELP US RAISE FUNDS FOR SIR ALEXANDER CUBILLAN

🟦 Sir Alexander Cubillan is one of the teachers in Libis Elementary School, Binangonan, Rizal. He was diagnosed with Ascending Cholangitis and is now in a coma. He needs financial assistance for the hospital bills and other medical expenses for his complete recovery.

May the Almighty God bless you for your support. 🙏

Share your generosity by sending ANY AMOUNT through the following fund transfer channels.

GCASH:
• Almira C. Faminial - 09154709052

❗️❗️For security purposes, all are advised to be aware and vigilant to the activities and tactics of cyber-hackers such as phishing. Do not click unknown links. Refrain from entertaining suspicious messages and calls from unknown mobile numbers and spammed emails. Thank you.

------------------------------------------

Walang maliit na tulong, sa pusong laging handang tumugon.
At laging tandaan, GOD LOVES A CHEERFUL GIVER. - 2 Corinthians 9:7.

God bless us all! 💙




LINGKOD BAYANBuong pusong nakikiisa ang SDO Rizal sa pagdiriwang ng Ika-126 na Annibersaryo ng Serbisyo Sibil ng Pilipin...
31/08/2026

LINGKOD BAYAN

Buong pusong nakikiisa ang SDO Rizal sa pagdiriwang ng Ika-126 na Annibersaryo ng Serbisyo Sibil ng Pilipinas (PCSA) ngayong Setyembre 2026!

Alinsunod sa Republic Act No. 2260 (Civil Service Act of 1959) at Public Law No. 5 (1900), ating pinupurihan at binibigyang-parangal ang katapatan, dedikasyon, at husay ng bawat kawani ng pamahalaan sa buong bansa.

Sama-sama nating isabuhay ang PUSO, DANGAL, AT GALING PARA SA BAYAN tungo sa mas tapat at mahusay na paglilingkod sa mamamayang Pilipino!

Maligayang Araw ng mga Bayani (National Heroes Day) 🇵🇭Nakikisa sa DepEd Blue Rizal sa pagdiriwang at pagbibigay pugay sa...
31/08/2026

Maligayang Araw ng mga Bayani (National Heroes Day) 🇵🇭

Nakikisa sa DepEd Blue Rizal sa pagdiriwang at pagbibigay pugay sa lahat ng mga bayaning Pilipino ng ating kasaysayan at ng makabagong panahon, para sa kanilang pagmamahal, paglalaan ng buhay, sakripisyo at di matatawarang dedikasyon at serbisyo para sa bansa at sa kapwa Pilipino.

Ating alalahanin, gunitain at gawing inspirasyon ang kadakilaan ng ating mga natatanging bayani tungo sa pagkakaisa at pagyabong ng ating bansa.



HINDI WAKAS, KUNDI SIMULA. Ito ang huling araw ng Buwan ng Wika, ngunit hindi rito nagtatapos ang ating dakilang tungkul...
31/08/2026

HINDI WAKAS, KUNDI SIMULA. Ito ang huling araw ng Buwan ng Wika, ngunit hindi rito nagtatapos ang ating dakilang tungkulin. Buong puso nating dapat kalingain, pahalagahan, at pagyamanin ang ating sariling wika at panitikan hindi lang sa buwan ng Agosto o Buwan ng Wika, kundi sa bawat araw ng ating buhay.

Pagnilayan natin ang mga dakilang pamana ng ating Mga Bayani ng Panulat at Himagsikan:

- JOSE P. RIZAL
Alyas: Laong Laan
Mga Akdang Isinulat: Noli Me Tangere, El Filibusterismo, Mi Ultimo Adios, at Filipinas Dentro de Cien Años. Sa pamamagitan ng kanyang panulat, iginuhit niya ang kalagayan ng bansa at gisingin ang kamalayan ng sambayanan.

-ANDRES BONIFACIO
Alyas: May Pag-asa
Mga Akdang Isinulat: Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog, Pag-ibig sa Tinubuang Lupa, at Katapusang Hibik ng Pilipinas. Ang kanyang mga sinulat ay nag-alab sa puso ng mga Pilipino upang lumaban para sa tunay na kalayaan.

-HEN. MARCELO DEL PILAR
Alyas: Plaridel
Mga Akdang Isinulat: Dasalan at Tocsohan, Caiingat Cayo, at Sagót ng España sa Hibíc ng Filipinas. Ginamit niya ang matalas at satirikong panulat upang ibunyag ang mga kabuktutan at ipaglaban ang karapatan ng mga Pilipino.

-EMILIO JACINTO
Alyas: Dimasilaw
Mga Akdang Isinulat: Kartilya ng Katipunan, Liwanag at Dilim, at Pahayag. Siya ang nagsilbing utak ng Katipunan na nag-iwan ng mga aral at gabay sa moralidad at pagmamahal sa bayan.

"Ang panulat ay sandata, ang salita ay kalayaan." Patuloy nating buhayin ang pamana ng ating mga bayani!

MANUNULAT NG KUWENTONG PAMBATA: MGA PILIPINONG MAY AMBAG SA PANTASYA, ARAL, AT IMAHINASYONG PAMBATASa pagdiriwang ng Buw...
30/08/2026

MANUNULAT NG KUWENTONG PAMBATA: MGA PILIPINONG MAY AMBAG SA PANTASYA, ARAL, AT IMAHINASYONG PAMBATA

Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, ating kilalanin at parangalan ang mahuhusay na manunulat na nagpayaman sa panitikang Pambata sa Pilipinas! Sila ang nagbukas ng pinto sa imahinasyon, kaalaman, at magagandang aral para sa ating mga kabataan.

Ating Kilalanin ang mga Tampok na Manunulat at Kanilang mga Akda:

GENARO GOJI CRUZG– Ang Kaklase Kong Bully; Mahabang-Mahabang-Mahaba; Makináng Makináng; Ang Tatlong Magkakaibigan si Crispin; at Ang Mahabang Sampayan ni Nanay

DR. LUIS GATMAITAN– Aray Nasugatan Ako!; Waaah! at Nilalagnat si Enat

EUGENE EVASCO– Baha! at Ang Aklatang Pusa

Ang kuwentong pambata ay isang uri ng kuwentong pampanitikan na isinusulat para sa mga bata. May payak na banghay, wikang madaling maunawaan, kawili-wiling mga tauhan, nagbibigay ng aral, at may paksang angkop sa kanilang edad at karanasan.

Patuloy nating tangkilikin at itaguyod ang panitikang Filipino upang hubugin ang maalam at mambasang kabataan!

29/08/2026

Ka-DepEd! Ang pag-iipon ay posible kahit may mga obligasyong pinansyal.

Samahan kami sa panibagong session ng "Sulong Tungo sa Matalinong Pananalapi" with the topic "Saving While You Owe: A Practical Guide". Learn practical strategies on how to balance debt repayment while building your savings, manage your finances wisely, and create healthy financial habits that can help you achieve long-term financial stability.

Sama-sama nating tuklasin ang mga praktikal na paraan upang makapag-ipon, makabayad ng mga obligasyon, at makabuo ng mas matatag na kinabukasan.

The 3-Day Regional Consultative Meeting for the Alternative Learning System (ALS)The Schools Division Offices of Rizal a...
28/08/2026

The 3-Day Regional Consultative Meeting for the Alternative Learning System (ALS)

The Schools Division Offices of Rizal and Antipolo City proudly announce the successful culmination of the 3-day Regional Consultative Meeting with ALS Personnel, Division Focal Persons, and Education Program Specialists for ALS (EPSA) - BJMP.

This momentous event was made possible through the collaborative and exceptional hosting of SDO Rizal and SDO Antipolo, guided by the visionary leadership of Schools Division Superintendents, SDS Doris DJ Estalilla and SDS Lerma Flandez.

Over the course of three highly productive days, delegates engaged in meaningful discourse, strategic planning, and the sharing of best practices. The convention aimed to strengthen the implementation of the Alternative Learning System across the region, reaffirming our collective commitment to providing accessible, inclusive, and quality education for all—especially for marginalized and out-of-school learners, including those in the BJMP facilities.

A major highlight of the concluding ceremony was the official Turn-over of the Key of Responsibility to the next host province. This symbolic gesture represents the seamless continuity of our shared mission and the passing of the torch to further uplift and champion ALS programs in the coming year.

We extend our deepest gratitude to all the dedicated personnel, participants, and stakeholders who contributed to the triumph of this event. Your unwavering dedication fuels the heart of the Alternative Learning System.

Here is to breaking more barriers and empowering more learners. We look forward to seeing everyone in the next host province next year!

Address

DepEd Bldg. Kaytikling, Cabrera Road
Taytay

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Rizal Province posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DepEd Rizal Province:

Shortcuts

Share