26/08/2026
LAGING TRAFFIC SA CNHSβVPES PROVINCIAL ROAD TUWING UWIAN? π¦
Nakasentro ang ating Privilege Speech sa Regular Session ng Sangguniang Bayan ang patuloy na problema sa traffic at road safety sa paligid ng Catanduanes National High School (CNHS) at Virac Pilot Elementary School (VPES).
Kabilang sa mga pangunahing isyung ating nakita ang kawalan ng malinaw at organisadong loading at unloading areas para sa mga tricycle, kakulangan ng parking spaces sa lahat na behikolo, hindi maayos na parking ng mga motorsiklo at iba pang sasakyan, at kawalan ng ligtas at malinaw na pedestrian crossing para sa ating mga estudyante.
Isa rin sa malaking problema ang paggamit sa gilid ng kalsada at drainage area bilang parking space, na dapat sana ay nagsisilbing daanan ng mga pedestrian. Dahil dito, nagkakaroon ng overflow ng mga estudyante papunta mismo sa bahagi ng kalsada na dinadaanan ng mga sasakyan, lalo na tuwing dismissal. Nagiging malaking safety concern ito para sa ating mga kabataan.
Partikular ding nakikita ang problema sa bahagi malapit sa San Roque Barangay Hall, kung saan ginagamit ng mga estudyante ang lugar bilang tawiran papunta sa kanilang tambayan. Kasabay nito, marami ring dumadaan at umuuwi mula sa ibaβt ibang government offices at establishments sa lugar. Sa kasalukuyan, walang malinaw at designated na crossing lane at wala ring sapat at maayos na parking area, kaya nagkakaroon ng pagsisikip at hindi organisadong daloy ng mga sasakyan at pedestrian.
Mas magiging mahalaga ang agarang pag-aksyon dahil magbubukas na rin ang bagong DepEd Division of Catanduanes Building na nasa gilid lamang ng CNHS. Ibig sabihin, inaasahang mas dadami pa ang mga empleyado, bisita, sasakyan at iba pang gagamit ng lugar. Kaya kinakailangan nating pag-isipan ngayon pa lamang kung paano magkakaroon ng sapat, maayos, at organisadong parking at traffic management system sa lugar.
Dagdag pa rito, kailangan din nating tutukan ang disiplina at pagsunod sa Pick-Up and Drop-Off Zone Only. May mga pagkakataong ang lugar na dapat ay ginagamit lamang para sa mabilis na pagbaba at pagsakay ng mga estudyante ay nagagamit bilang parking area, na lalong nakakadagdag sa pagsisikip at traffic congestion.
Hindi natin kailangang hintayin na may maaksidente bago tayo kumilos.
Kailangan nating ayusin ang problemang ito habang maaari pa nating maiwasan ang mas malalang insidente.
Dahil dito, nagmosyon tayo na magkaroon ng Committee Meeting sa Committee on Public Safety and Order upang masusing talakayin ang sitwasyon at ang posibilidad na makabuo ng konkretong solusyon.
Imbitado rito ang:
β’ Traffic Management Office
β’ Representatives ng CNHS
β’ Representatives ng VPES
β’ Representative ng Barangay San Roque Council
β’ Representative ng DepEd Division Administration
β’ Land Transportation Office (LTO)
β’ Provincial Engineering Office
β’ Concerned TODA Representatives
β’ Virac Municipal Police Station
Layunin ng pagpupulong na magpalitan ng ideya, suriin ang aktuwal na sitwasyon sa lugar, tukuyin ang mga ugat ng problema, at bumuo ng agarang, organisado, at pangmatagalang solusyon para sa kaligtasan at kaayusan ng ating mga estudyante, commuters, motorista, teachers, government employees, at buong komunidad.
Ang kalsada ay para sa ligtas na pagbiyahe.
Ang pedestrian lane ay para sa ligtas na pagtawid.
At ang ating mga paaralan ay dapat maging ligtas para sa bawat batang pumapasok at umuuwi araw-araw.
Hindi natin kailangang hintayin ang aksidente bago tayo kumilos. Prevention must come before tragedy. πΈ