04/09/2026
🚨BABALA SA PUBLIKO | HAZE AWARENESS 🌫️🔥
Dahil sa mga sunog na nagaganap sa Indonesia, maaaring makaapekto sa ating lugar ang haze o usok na kumakalat sa himpapawid. Ang matinding haze ay maaaring magdulot ng iritasyon sa mata, ilong at lalamunan, hirap sa paghinga, at pag-trigger ng asthma at allergies, lalo na sa mga bata, nakatatanda, at may mga karamdaman sa baga o puso.
PAALALA SA LAHAT:
• Magsuot ng face mask kung kinakailangang lumabas.
• Manatili sa loob ng bahay hangga't maaari at panatilihing sarado ang mga bintana at pinto.
• Uminom ng maraming tubig at panatilihing hydrated ang katawan.
• Iwasan ang pagsusunog ng basura o anumang materyales.
• Bigyang-pansin at protektahan ang mga bata, nakatatanda, at may karamdaman.
• Kung makararanas ng matinding hirap sa paghinga o iba pang seryosong sintomas, agad humingi ng tulong medikal.
Ang kaalaman at pag-iingat ay ating proteksyon.
Kalusugan natin, ingatan natin.
In case of FIRE and other EMERGIENCIES, please call☎️🚒 Labason Municipal Fire Station hotline numbers;
TM 📱 : 0997 425 8405
Smart 📱 : 0962 100 3342