PPSK Rhoi Andres

PPSK Rhoi Andres Responsable’t Maaasahang Aksyon

Paglilinis sa National Road, isinagawa ng Sangguniang Barangay ng Poblacion Uno sa pangunguna ng Barangay Captain Hon. P...
27/08/2026

Paglilinis sa National Road, isinagawa ng Sangguniang Barangay ng Poblacion Uno sa pangunguna ng Barangay Captain Hon. Perlito Sasis. Isang mandato ng DILG para sa pakikiisa sa weekly atag activity sa mga barangay.

Napagtibay na ang Anti-Bastos Ordinance na panukala ng Sangguniang Barangay ng Poblacion 2 sa Kagalang-galang na Sanggun...
26/08/2026

Napagtibay na ang Anti-Bastos Ordinance na panukala ng Sangguniang Barangay ng Poblacion 2 sa Kagalang-galang na Sangguniang Bayan.

Nagawa nating maisulong at maidepensa ang Anti-Bastos Ordinance ng Sangguniang Barangay ng Poblacion 2 kasama ang mga Konsehal na bumubuo ng Sangguniang Bayan ng Alabat.

Bagama’t mayroong mga pagpuna at paglilinaw ang mga kapwa natin Konsehal ay naipaliwanag naman natin ang kapangyarihan ng mga Sangguniang Barangay sa paglalatag ng kanilang ordinansa at ang proseso ng implementasyon nito.

Maraming salamat sa pagtitiwala ng ating Committee Chair on Barangay Affairs Hon. Imelda Paclibon at sa ating kapwa miyembro ng Committee Hon. Richard Lopez. Kasama rin sa pagpapanukala ang mula sa Committee on Ordinance and Legal Matters Hon. Hubert Ursolino, Hon. Khem Hervera, at Hon. Eldin Fren Canimo.

Hindi ganap na maiipasa at mapagtitibay ang isang ordinansa at mga resolusyon kung wala ang tulong at pagsang-ayon ng lahat ng ating mga Konsehal at ating Pangalawang Punong-Bayan Hon. Hilda Ursolino.

Hindi tayo mapapagod na sumuporta sa ating mga Kabataan lalo na kung ang kanilang ginagawa ay upang ipakilala ang husay ...
25/08/2026

Hindi tayo mapapagod na sumuporta sa ating mga Kabataan lalo na kung ang kanilang ginagawa ay upang ipakilala ang husay at galing ng mga Kabataang Alabatin.

Kasama nila tayo sa kanilang mga laban. Pumapalakpak. Sumasaludo. Sasama hanggang sa dulo ng kompetisyon.

Isang malugod na pagbati kay Hon. Reynante “Santino” Martinez sa pagkamit ng sertipiko at pagkilala bilang Little Board Member of Quezon Province.

Maraming salamat din kay Mr. Glenmor “Moymoy” Barrantes na nagi nating kinatawan at lumahok sa PWD’s Got Talent na parang nanalo na din bukod sa kasama ang kanyang inspirasyon ay tinanggap din niya ang consulation prizes at ang ating sariling pondo na ginantimpala para sa kanya.

Lubos din ang ating pagbati sa napakahuhusay na AINHS ALAB Band na nakasungkit ng ikalimang pwesto mula sa sampung naglaban-laban na pawang mga beterano at mga propesyunal na pagdating sa pagtugtog. Mahuhusay rin naman ang mga tagapagsanay sa pangunguna ng ating MAPEH Teacher Ma’am Grace Paredes, salamat po sa inyo.

Pasasalamat din Sa LYDO sa pangunguna ni Ma’am Carmi Joy Dela Cruz, sa LYDO Staff ate Lotlot at ate Princess na nag-asikaso sa ating mga bata. Sa ating punong-bayan Hon. Eizelle “Ays” Avellano-Canimo sa suporta na ibinibigay palagi sa kabataan. Sa Sangguniang Bayan ng Alabat sa pangunguna ng ating pangalawang punong-bayan Hon. Hilda Ursolino sa mga suporta ng pagkilala. Nagpapasalamat din po tayo sa ating Municipal Administrator Ezekielle Fren Avellano-Canimo sa pagpapatuloy sa mga bata sa kanyang tahanan.

Sa lahat-lahat po ng hindi nabanggit, maraming salamat po sa inyong pagtulong sa ating mga kabataan.

Higit pa sa mga tropeyo at sertipiko—nais nating maranasan ng mga Kabataan natin na kahit nasa Isla ay kaya nating tumawid upang tumindig sa harap ng daan-daang Quezonian.

25/08/2026

PANOORIN: Isang nag-aALAB na pagtatanghal ang ipinakita at ipinamalas ng AINHS Alab Band sa Convention Center dito sa Lucena.

Tunay na nag-alab ang pagtatanghal sapagkat sila lamang ang banda na pawang mga bata at mag-aaral na nagmula pa sa ating Isla.

25/08/2026

PANOORIN: Si Glenmor “Moymoy” Barrantes lumahok sa Person with Disabilities Got Talent sa Lungsod ng Lucena bilang bahagi ng Selebrasyon ng Linggo Ng Kabataang Quezonian 2026.

Mula sa Alabat patungo sa Kapitolyo sa Lungsod ng Lucena–lalaban, titindig, at ipapakilala ang ating bayan. Sama-sama na...
24/08/2026

Mula sa Alabat patungo sa Kapitolyo sa Lungsod ng Lucena–lalaban, titindig, at ipapakilala ang ating bayan.

Sama-sama nating suportahan at panoorin ngayong araw, August 25,2026 ang ating mga kinatawan sa mga Kompetisyon; AINHS Alab Band para sa Battle of the Band at si Glenmor “Moymoy” Barrantes para sa PWD’s Got Talent.

Opisyal rin na igagawad ang sertipiko ng pagkilala at parangal sa ating Little 4th District Board Member Hon. Reynante “Santino” Martinez sa kanyang dunong at galing sa paglilingkod.

Layout: Quezon Provincial Youth Office

Victory Ball and Awarding Ceremony at Barangay BalungayBinabati natin ang mga tagumpay ng Sangguniang Kabataan sa pangug...
24/08/2026

Victory Ball and Awarding Ceremony at Barangay Balungay

Binabati natin ang mga tagumpay ng Sangguniang Kabataan sa panguguna ni Kgg. Dan Erick Caliwara ng Barangay Balungay sa katatapos nilang Victory Ball kahapon.

Pinasasalamatan din natin ang naging kasangga ni SK Dan sa pagpapaligang ito, sa Sangguniang Barangay ng Balungay sa pangunguna ni Brgy. Chairman Hon. Edgardo “Egay” Andaluz at mga kasamang Kagawad. Sa mamamayan ng Balungay at mga naging kasama sa pagdaraos ng paligang ito.

Maraming salamat po sa inyong mainit na pagtanggap at pagdaraos ng kasiyahan para sa ating mga Kabataan.

Our Little Mayor Hon. Reynante Martinez, elected as Little 4th District Board Member of Quezon Province.Lubos nating bin...
24/08/2026

Our Little Mayor Hon. Reynante Martinez, elected as Little 4th District Board Member of Quezon Province.

Lubos nating binabati si Hon. Reynante “Santino” Martinez (Little Mayor of Alabat) sa pagkakahalal bilang 4th District Little Board Member ng Lalawigan ng Quezon.

Kasalukuyang lumalahok at nakikibahagi si Hon. Santino Martinez sa Lungsod ng Lucena sa Kapitolyo kasama ang kanyang mga kapwa Little Officials.

Tunay na ikinararangal ka ng ating bayan at isang inspirasyon para sa mga kapwa natin kabataan.

Status of Sangguniang Kabataan Supplemental Budget of Alabat.Labing-apat (14) sa labinsiyam (19) na Sangguniang Kabataan...
23/08/2026

Status of Sangguniang Kabataan Supplemental Budget of Alabat.

Labing-apat (14) sa labinsiyam (19) na Sangguniang Kabataan Supplemental Budget ng ating bayan ang ganap at pormal na pinagtibay ng Kagalang-galang na Sangguniang Bayan ng Alabat.

Ang natitirang mga SK Supplemental Budget ng ibang barangay ay hindi pa naipapasa sa Sangguniang Bayan dahil sa ilang mga kadahilanan; (1) walang sapat na quorum upang makapagpasa ng Supplemental Budget, (2) wala pang kapalit na SK Treasurer at kinakailangan pang dumalo sa Mandatory Training ng SK at mag-aplay ng fidelity bond, (3) Nagpalit ng bagong SK Chairperson at kasalukuyang inaasikaso ang “specimen signature” sa Landbank bago ganap na makapirma sa mga ilalabas na pondo.

Maaari ninyong itanong at makibahagi sa ginaganap na Katipunan ng Kabataan Assembly sa inyong mga barangay upang siyasatin, kwestyunin, at magbahagi ng opinyon at ideya sa mga SK Officials upang higit pang mapaganda ang serbisyo ng ating mga lider-kabataan.

Alabat Sangguniang Kabataan naghahanda sa pagpapasa ng mga dokumento sa tanggapan ng COA. Kahapon, nagtungo tayo sa PPLB...
22/08/2026

Alabat Sangguniang Kabataan naghahanda sa pagpapasa ng mga dokumento sa tanggapan ng COA.

Kahapon, nagtungo tayo sa PPLB Office at nakita natin roon ang mga kapwa Sangguniang Kabataan Officials na nag-aasikaso at inihahanda ang mga dokumento na dadalahin sa tanggapan ng Commission On Audit (COA).

Isa lamang ito sa maraming gawain ng Sangguniang Kabataan upang tiyakin na gumagampan sila sa itinatadhana ng batas.

Address

Poblacion 1
Alabat
4333

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PPSK Rhoi Andres posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category