25/08/2026
𝗔𝗚𝗢𝗦𝗧𝗢 𝟮𝟱, 𝟮𝟬𝟮𝟲 | 𝗔𝗥𝗔𝗪-𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔𝗔𝗡|| 𝗣𝗔𝗚𝗛𝗔𝗚𝗜𝗦 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗕𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗛𝗢𝗦𝗘
Kapag sumiklab ang apoy, bawat segundo ay mahalaga! 🔥 Ang aktibidad na ito ay nagpapakita ng wastong paghagis, paglatag, at mabilis na pagkabit ng hose upang agad na maihanda ang linya ng tubig para sa fire suppression. Ang paulit-ulit na pagsasanay ay humuhubog sa bilis, koordinasyon, at tamang pagkilos ng bawat responder sa oras ng sunog.
Kasabay nito, pinananatiling malinis at maayos ang istasyon, habang tinitiyak sa pamamagitan ng B.L.O.W.B.A.G.E.T.S. na handa ang mga trak pambumbero, ambulansya, at kagamitan sa anumang tawag ng tungkulin.
Sa pamumuno ni 𝗙𝗜𝗡𝗦𝗣 𝗩𝗜𝗝𝗢𝗔𝗡 𝗠 𝗬𝗨𝗠𝗨𝗟, Acting Municipal Fire Marshal, mabilis sa pagkilos, mahusay sa pagtugon, handa sa paglilingkod.
𝐈𝐧 𝐜𝐚𝐬𝐞 𝐨𝐟 𝐟𝐢𝐫𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐨𝐭𝐡𝐞𝐫 𝐞𝐦𝐞𝐫𝐠𝐞𝐧𝐜𝐢𝐞𝐬, 𝐩𝐥𝐞𝐚𝐬𝐞 𝐜𝐚𝐥𝐥 𝐨𝐮𝐫 𝐇𝐎𝐓𝐋𝐈𝐍𝐄 𝐍𝐔𝐌𝐁𝐄𝐑: 0967-950-8000
Cagayan Valley Region BFP R2
BFP R2 Cagayan Provincial Office